Chapter 15: Aurora Swan (Mission 2- Part 5)

11.5K 585 16
                                    

Walang patutunguhan itong pakikipag-usap ko kay Kaylus. Kahit na halos masunod na ang balat nito dahil sa paglapat ng espada ko sa kanya ay hindi pa rin ito nagsasalita tungkol sa kung anong koneksiyon mayroon siya sa Sigma!

Napailing na lamang ako at iniwan na ito sa loob ng fire barrier ko. He can't escape from me. Kahit subukan niyang gumamit ng earth attribute, hangga't nasa loob siya ng barrier ko, matutupok lang ang kahit anong kapangyarihang gagamitin niya.

Dahil mas malapit sa akin si Aurora, siya ang unang nilapitan ko. Mabilis akong napaluhod sa tabi niya at matamang tiningnan ito. Wala pa rin siyang malay. Napangiwi na lamang ako noong maalala ang ginawang pag-atake sa kanya. Mayamaya lang ay humugot ako ng isang malalim na hininga at maingat na itinutok ang kamay sa bandang dibdib nito kong saan ko siya inatake kanina. Kinagat ko ang pang-ibabang labi at nagsimula nang gamitin ang healing ability ko. Please. Heal her. Nanatili ako sa puwesto ko at noong makaramdaman ako nang panghihina, ipinikit ko na lamang ang mga mata. My healing ability consumes my attribute too much! Kahit na ilang beses ko na itong ginagawa, still, hindi pa rin kinakaya ng katawan ko ang pagkawala ng attribute dahil sa healing ability ko!

Noong makasigurado akong maayos at ligtas na si Aurora, agad akong tumayo at umalis sa tabi ng kaibigan. Malalaking hakbang ang ginawa ko hanggang sa tuluyan na akong makalapit sa kinaroonan ni Grayson. Mabilis akong napaluhod sa tabi nito at hinawakan ito sa braso. "Everything will be fine now, Gray," mahinang wika ko at pinagtuonan na nang pansin ang pagpapagaling dito. Ipinikit kong muli ang mga mata at inilapat sa dibdib niya ang kamay.

Mayamaya lang ay para akong kinakapos ng sariling hininga. Wala sa sariling napaawang ang mga labi ko habang patuloy pa rin ako sa paggamit ng healing ability ko! Segundo lang din ang lumipas ay mabilis akong nakaramdam nang pagkahilo. Napailing na lamang ako at hindi binigyan pansin ang sariling kalagayan.

I already used too much attribute right now. Mula sa makikipaglaban kay Kaylus at sa mga tauhan niya hanggang sa pagpapagaling sa dalawang kaibigan ko. Damn it! Paniguradong bibigay ang katawan ko pagkatapos kong pagalingin itong si Grayson. But before that, bago pa man ako mawalan nang malay, titiyakin ko munang magiging ligtas na itong lalaking ito. Mukhang napalakas ang pag-atake ko sa kanya kanina! Unlike Aurora, mas nahihirapan akong pagalingin ang injury na natamo niya mula sa akin!

"Grayson. Please, wake up," mahinang sambit ko sa walang malay na si Grayson. I need him to wake up now! Hindi ko na kakayanin pang gumamit ng attribute ngayon! I'm drained. Nanghihina na ang buong katawan ko dahil sa paggamit ko ng healing ability sa kanilang dalawa ni Aurora! "Please. Wake up already," kapos-hininga kong sambit ko pa rin sa kanya.

Akmang hahawakan ko na sana ang mukha nito noong mabilis na nagmulat ang dalawang mata niya. Bahagya akong nagulat at agad na nagtagpo ang paningin naming dalawa. "Finally," halos bulong na sambit ko at ibinaba na ang mga kamay. Napahugot ako ng isang malalim na hininga at bahagyang hinilot ang sintido. I'm drained! Kahit ang pagtayo yata ngayon ay hindi ko magagawa nang maayos!

Maingat namang naupo si Gray at tiningnan ako. Tipid akong ngumiti sa kanya at humugot muli ng isang malalim na hininga. Kahit na wala na akong ginagawa ngayon, pakiramdam ko'y nauubusan pa rin ng hangin. Damn it! "You did this?" takang tanong niya sa akin habang tinitingnan ang buong silid. Natupok pa rin ang mga katawan ng alagad ni Kaylus. They're died. Hindi ko na rin kasi nararamdaman ang mga presensiya nito. Tanging si Kaylus na lang ang natitira at ngayon ay nasa loob pa rin ng fire barrier na ginawa ko kanina.

"Yeah," simpleng sagot ko sa kanya. Akmang tatayo na sana ako nang makaramdam ako nang matinding pagkahilo. Damn it! Sinasabi ko na nga ba!

"Ana!" Agad akong hinawakan ni Grayson para pigilan ang pagkakatumba ako. Naupo naman akong muli at napapikit na lamang. "Damn it, you overdo it again. You exerted too much of your attribute!" pagalit na wika ni Grayson na siyang ikinangiwi ko.

Burst Into Flames [ Published Under Pop Fiction #CLOAK ]Where stories live. Discover now