Chapter 31: Plan

10.1K 541 18
                                    

It was a magic seal. Iyong markang ginawa ni daddy noon ay isang magic seal at nakita ko iyon sa Book of Creation!

Hindi ko alam kung tama ba ang ginawa ko ngunit sinunod ko lamang ang kung anong nakasulat sa pahina ng librong binabasa. I just chanted the written spell that will dispel the seal, and after that, pain started to consume my whole body. It was painful that I can't help but to scream! Pakiramdam ko'y tila may kung anong kumawala sa katawan ko. I just can't stop it kaya naman ay wala akong ibang nagawa kung hindi ang sumigaw.

Nagising ang diwa ko dahil sa mga boses na naririnig ko sa paligid. I wanted to move but my body... I can control it! It feels like I was stuck on something! Ni pagmulat ng mga mata ay hindi ko magawa! And... I feel suffocated as well! What the hell is happening to me?

"Her pulse is slowing down."

"Oh no!"

"What should we do now?"

"Come on, Anastasia! You can fight it!"

"I'll use my power."

"What? No! Hindi mo gagamitin ang kapangyarihan mo sa kanya!"

Ano bang pinag-uusapan nila? And what power? Kapangyarihan ba ni Hades?

"No! Stop it, Hades!"

"What do you think you're doing? You'll turn her into ashes!"

"She needs it! She needs fire to survive! Hindi kinakaya ng katawan niya ang kapangyarihan na taglay nito ngayon. She needs this. She badly needs this!"

Ano bang nangyayari sa akin ngayon? Come on, Anastasia. Move your body! Now!

Mayamaya pa'y nakaramdam ako ng init sa paligid ng katawan ko. It's fire!

"You better not harm her with your fucking flames, Hades!" Grayson? Tiyak kong boses iyon ni Grayson!

Ramdam na ramdam ko ang init sa buong katawan ko. It was like my body is being burn right now! This must be Hades's attribute! Siya lang naman ang fire attributer sa mga kasama ko ngayon!

"Aaah!!" Finally! I can finally control my body now! Kanina ko pa gustong sumigaw dahil sa init na nararamdaman ngayon! Damn it!

"Ana!" It was Grayson again. I closed my fist firmly. May kung ano sa mga kamay ko ngayon. Na tila ba kapag binuksan ko iyon ay may kung ano ang lalabas mula roon. "Hades! Enough!" I heard Grayson screamed to my cousin.

No, Gray! Hindi maaaring tumigil ngayon si Hades. I need more! I need more of his flames!

"She's absorbing my attribute. She needs more, Tyler."

"What?"

"Aaah!" malakas na sigaw ko sabay mulat ng mga mata. Napaawang ang mga labi ko at pilit na hinahabol ang sariling hininga.

"Anastasia!"

"She's awake," kalmadong turan ni Hades sa tabi ko.

"Anastasia-"

"Stop," mahinang wika ko at humugot ng isang malalim na hininga. Bumaling ako sa gawing kanan ko at nakita si Hades doon. I smiled weakly at him. Tiningnan ko ang kabuuan nito at mayamaya lang ay tumango ito sa akin. He uses too much of his attribute for me. "Thank you," sambit ko sa kanya.

Ibinaba na nito ang dalawang kamay niya na kanina pa nakatutok sa akin. He smiled weakly too. Dahan-dahan naman akong umupo mula sa pagkakahiga ko.

"Hey, mahiga ka lang muna, Ana. You need to rest," matamang wika ni Grayson sabay lapit sa akin.

Burst Into Flames [ Published Under Pop Fiction #CLOAK ]Where stories live. Discover now