Chapter 12: Aurora Swan (Mission 2- Part 2)

11.8K 573 6
                                    

Ilang minuto kaming naglakad ni Grayson sa loob ng black dimension. Kahit anong gawin kong pagbukas ng mga mata ko ay wala talaga akong makita. This place is scaring the shit out of me!

"Grayson, this is hopeless. Wala naman exit sa lugar na ito!" reklamo ko sa kanina pa tahimik na kasama ko. Yes, tahimik! Sobrang tahimik! Naglalakad lang ito habang hawak-hawak ang kamay ko. I tried to talk to him, but he just told me to stay quiet and just follow his lead!

Napailing na lamang ako sa inaasal nito. Tumahimik na lang akong muli at nagpatuloy sa paghahanap sa maaaring exit dito sa loob ng black dimension.

Mayamaya lang ay napatingin ako sa gawing kanan ko no'ng makita ako ng munting liwanag. Napaawang ang mga labi ko at mabilis na kinuha ang atensiyon ni Grayson. "Grayson! I saw a light!" masayang sambit ko sa kanya sabay turo kung nasaan naroon ang liwanag na nakita ko.

Sabay kaming tumigil sa paglalakad at narinig ko ang paghugot nito ng isang malalim na hininga. "Let's go!" wika niya sabay hila muli sa akin. Hindi na lamang ako nagsalita at nagpatuloy na kami sa paglalakad hanggang sa tuluyan na kaming nakarating sa liwanag na nakita ko kanina.

Mayamaya lang ay napipikit ako dahil sa liwanag na tumama sa mga mata. Kung kanina ay sobrang dilim sa loob ng dimension na pinasukan namin, ngayon naman sobrang liwanag na! Inilagay ko ang isang kamay ibabaw ng mata at ikinurap ito ng ilang beses.

Where the hell are we?

Ilang minuto muna ang ginugol ko para makapag-adjust ang mata sa ko liwanag at no'ng makita ko nang maayos kung nasaan kami, napatanga ako. What is this place? I scanned the whole place. Damn it! This place screams enchanted! Nalaglag ang panga ko no'ng makakita ako ng mga lumilipad na mga nilalang. Ikinurap ko ang mga mata ng ilang beses at mas itinuon ang atensiyon sa kanila. Mayamaya lang ay mas lalo akong namangha sa anyo at itsura nila! kumikinang ang mga ito. Fairies! They're fairies! Oh my God! I can't believe this! Nasaan ba kami?

"This is the fairy land. The hidden world of Kingdom of Tereshle." Napalingon ako kay Grayson noong magsalita ito! Mas lalo akong namangha sa mga natatanaw. Fairy land! The magical world where fairies exist!

"Sweet!" wala sa sariling sambit ko at muling tiningnan ang mga fairy na kanina pa lumilipad sa paligid namin. Nakapagsasalita ba ang mga ito? Nakatingin lang kasi sila sa amin at walang ibang ginagawa kung hindi ang lumipad! "Anong gagawin natin sa lugar na ito, Grayson?" takang tanong ko naman at maingat na inangat ang isang kamay. Agad ko namang pinagsisihan iyon noong lumayo sa akin ang dalawang fairy na malapit sa akin.

I silently sighed and bit my lower lip. Okay. I need to focus here. Hindi dapat ako magpa-distract sa mga fairy na ito! Mahina kong tinampal ang kanang pisngi at umayos nang pagkakatayo.

Paanong nangyaring napunta kami rito sa mundong ito? Isa ang fairy land sa mysterious place na mayroon dito sa Tereshle at mahigpit na ipinapagbabawal ng Tereshle's council members ang pasukin ang mundong ito. Fairy land is for fairies. Para lang sa kanila kaya dapat ay hindi makialam ang mga taga-Tereshle sa mundong ito. At dahil nandito kami ngayon ni Gray, mukhang kailangan ko nang ihanda ang sarili kapag umuwi na kami sa Tynera. We're breaking rules here! Hindi ito papalagpasin ng Council!

"Gray, we need to get out of here. Bawal tayong mapunta sa lugar na ito! We need to find that freaking black dimension and return to Enthrea! Malalagot tayong dalawa kapag magtagal tayo sa lugar na ito! Come on!" mariing sambit ko sa kasama. Hinawakan ko ito sa may braso niya at sinubukang hilain ngunit ang loko, hindi man lang umimik sa kinatatayuan niya. He kept his position and continue scanning the whole place.

Napairap ako sa kanya at muling sinubukang hilain ito. "Come on, Grayson! Kinakabahan ako sa kalalabasan nito! Paniguradong mapaparusahan tayo ng Council!" I hissed at him.

Burst Into Flames [ Published Under Pop Fiction #CLOAK ]Where stories live. Discover now