Chapter 13: Aurora Swan (Mission 2- Part 3)

11.7K 554 13
                                    

I give up!

Yamot na yamot na ako sa taling hindi maputol-putol sa likuran ko! At mukhang tama nga si Aurora kanina. The rope just absorbed my fire kaya naman tumigil na ako sa paggamit ng attribute ko! Nagsasayang lang ako ng kapangyarihan! Damn it!

Pumirmi na lamang ako sa puwesto at ipinahinga ang sarili. Tahimik ang buong paligid. Ilang oras na rin ang lumipas simula noong umalis dito sa kulungan si Aurora at pagkatapos noon, hindi na ito muling bumalik. I sighed.

Ano kaya ang nangyari sa babaeng iyon? Hindi ito isang mahinang Tereshlian na basta-basta na lamang makokontrol ng kung sino. It's really bothering me right! Ano kaya ang ginamit sa kanya para maging ganoon na lamang ito umakto at kumilos? Ni hindi nga yata niya ako nakilala kanina!

Habang malalim ang iniisip ko, may narinig akong mga yapak na palapit sa kinaroroonan ko ngayon. Mabilis kong inalerto ang sarili at matamang tumingin sa unahan. Nakaupo na ako ngayon at nakasandal sa may pader. Sa harapan ko naman ay ang main door ng kulungan. I held my breath and just looked blankly at the main door.

Segundo lang ay may namataan akong dalawang lalaki. Seryoso kong tiningnan ang mga ito at hindi kumibo sa puwesto. Mabilis namang kumilos ang isa sa kanila at binuksan ang pinto ng kulungan. Mayamaya lang ay halos na sabay silang pumasok sa loob at hinawakan ang magkabilang braso ko.

Mabilis akong naging alerto. "Saan niyo ako dadalhin?" I coldly asked them. Walang sumagot sa kanila kaya naman ay pilit kong binabawi ang braso mula sa pagkakahawak nila. Mayamaya lang ay humigpit ang pagkakagapos sa dalawang kamay ko kaya naman ay napangiwi na lamang ako at hindi na ako nakaalma pa noong kinaladkad na nila ako palabas ng kulungan.

I mentally cursed as I tried to loosen their grip on me. I don't know where they're taking me! Hindi naman siguro ako papatayin ng mga ito, 'di ba? Napailing na lamang ako sa mga walang kuwenteng iniisip at umayos na lamang nang paglalakad. Mas lalo akong mahihirapan kong magmamatigas pa ako sa kanilang dalawa.

Mayamaya lang ay tumigil ang dalawa sa paglalakad. Tumigil na rin ako at wala sa sariling napatingin sa paligid. Nasa isang maliit na bulwagan kami ngayon. Napakurap ako at umayos na lamang nang pagkakatayo.

"Look who's here. One of my visitors." Napatingin ako sa nagsalita. It was a guy. Prenteng nakaupo lang ito na tila siya kumukontrol sa lugar na ito. Napatingin naman ako sa babaeng nakatayo sa may kanan nito. It was Aurora. Tahimik lang ito at matamang nakatingin sa akin.

"Aurora," mahinang tawag ko sa pangalan nito. Akmang hahakbang na sana ako palapit sa kanya no'ng mabilis akong pigilan ng dalawang lalaking nagdala sa akin dito. Masama ko silang tiningnan at binawi ang magkabilang braso mula sa pagkakahawak nila. Mabilis naman silang kumilos at muling ipinirmi ako sa kinatatayuan ko. Fuck them! They'll surely pay kapag nakawala ako rito. Hindi ko titigilan ang mga ito hanggang sa hindi maubos ang inis ko sa kanilang dalawa!

Tiningnan kong muli si Aurora. Walang emosyon pa rin itong nakatingin sa akin. Humugot na lamang ako ng isang malalim na hininga at ginantihan ang matamang titig nito sa akin. We are here to save her. At sa nakikita ko ngayon, mukhang nasa isang spell nga ito! She's being controlled!

"Aurora!" tawag kong muli sa kanya na siyang ikinangisi ng lalaking nakaupo.

"Oh, you know my queen? You must be her friends," nakangising wika ng lalaki sabay hawak sa kamay ni Aurora at hinalikan iyon. Kinagat ko ang pang-ibabang labi at sinubukan muling kumalas mula sa pagkakahawak ng dalawa.

"Bastard! Anong ginawa mo sa kanya?" galit na tanong ko sa lalaking nasa harapan ko. Binalingan ko namang muli ang mga lalaking nakahawak sa akin at masamang tiningnan ang mga ito. "Bitawan niyo nga ako!" I hissed at them. Walang emosyon lang din silang tumitig sa akin at mas lalong humigpit ang pagkakahawak nila sa magkabilang braso ko. Mayamaya lang ay napadaing ako dahil sa sakit. Masama kong tiningnan iyong lalaking may hawak sa braso kong may sugat! Damn it!

Burst Into Flames [ Published Under Pop Fiction #CLOAK ]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें