Chapter 30: Scream

10.5K 547 37
                                    

"Sigurado ba kayo sa ginagawa natin, hah?"

Napairap na naman ako sa naging tanong ni Myst. Nasa hidden library kami ngayon dito sa Dark World. The library was located at the basement of Hades mansion. Good thing talaga nandito siya. As a leader of this freaking dark world, advantage talaga sa amin ito. And we're here because we are looking for the book that can defeat the Malverine!

"Baka nakakalimutan na ninyo ang misyon natin dito, guys!" muling bulalas pa nito sa amin.

"We know that Myst! Alam ko rin kung ano ba talaga ang role natin sa mundong ito. We are the freaking bait of the Council. Pero hindi naman ako papayag na basta-bastang maging isang pain lang tayo. We need to fight," medyo iritableng sambit ko sa kanya.

Napailing si Myst sa akin. "Seriously, Ana? We can fight without that book!" saad nitong muli sa akin. Napairap akong muli sa kanya. Kanina pa siya salita nang salita tungkol dito. Ngayon ko lang pinatulan kasi naririndi na ako!

"Hey! Stop it." Pumagitna na sa aming dalawa si Lester.

Binitawan ko ang librong hawak at maingat na ibinalik ito sa bookshelf na pinaglalagyan nito kanina. Hinarap ko si Myst na ngayon ay yamot na yamot na. Tahimik naman si Blue at Grayson na naghahanap ng pinapahanap kong libro.

"Yes, Myst, we can fight them without using the book. But the question here, can we defeat them? Can we claim our victory?" I asked him without breaking an eye contact. "The answer it no, Myst. Nasaksihan ko na iyon noon kaya naman ay hindi ako magbabakasakali ngayon. We need the book," dagdag ko pa.

Namataan kong humugot ng isang malalim na hiniga si Myst at nag-iwas na nang tingin sa akin. Napailing na lamang ako at nagpatuloy sa paghahanap ng libro maaaring makatulong sa amin. "Malverines are ruthless. They used different kind of attributes and magics. Yes, we have special abilities but it's not enough. Kung nais nating maisagawa at matapos nang maayos ang misyong ito, we need to at least try to use the Book of Creation. Trust me, makakatulong ito sa atin."

Wala na akong narinig muli na angal mula kay Myst. Hindi na rin ako umimik sa puwesto ko at nagpatuloy sa paghahanap ng libro.

Hindi ko alam kung nandito ba talaga ang librong iyon. Wala rin naman kasing may ideya kung nasaan ba ito. Kaya naman noong nabanggit ni Hades na may hidden library dito sa Dark World, hindi na ako nagdalawang-isip pa na puntahan ito. It's a library. May isang porsiyento na nandito ang librong hinahanap namin!

"The Book of Creation." Napalingon ako kay Grayson noong magsalita ito. Napaayos ako nang pagkakatayo at wala sa sariling napatingin sa kamay niya. May hawak-hawak itong libro ngayon. Could it be? Iyon na ba ang librong hinahanap namin? Napatingin ito sa akin at naglakad patungo sa kinatatayuan ko. "This might be the book we are looking for." He said and handed me the book he's holding.

Napaawang ang labi ko.

The Book of Creation.

Wala sa sarili akong napangiti at binalingan ang mga kasama. "Ito na iyon!" bulalas ko at mariing hinawakan ang libro. "Let's go. Bumalik na tayo sa taas!"

Mahigpit ang hawak ko sa libro habang naglalakad pabalik sa main mansion ni Hades. I know about this book because of my mom. She was a bookworm at namana ko iyon sa kanya. Noong bata pa ako, she accidentally mentioned to me about this Book of Creation. Isa raw ito sa mga aklat na gawa ng isang makapangyarihang Tereshlian. Walang nakakaalam kung sino ang gumawa nito ngunit may kung anong koneksiyon daw ito sa mga Tereshlian na nais magtuto nang iba't-ibang uri ng mahika. At simula noon ay naging curious na ako tungkol sa librong ito. My mom gave me ideas what was the book all about. Pero hindi niya sinabi sa akin lahat. All I knew was this book contains magic. All about magic.

Burst Into Flames [ Published Under Pop Fiction #CLOAK ]Where stories live. Discover now