Chapter 32: Dream

10K 503 17
                                    

Sa isang madilim na lugar ko natagpuan ang sarili ko.

Darkness.

The whole place screams darkness. Where am I?

I scanned the whole place. Tahimik kong inilibot ang paningin ngunit ni maliit na liwanag ay wala akong maaninag. Nasaan ba ako? Is this a dream? Really? Dahil kung panaginip lang ito, I want to wake up already!

Inihakbang ko ang kanang paa ko. I shiver upon realizing na wala akong sapin sa paa. I'm barefooted! What the hell? Napailing na lamang ako at humugot ng isang malalim na hininga. I ignored the cold feeling beneath my feet at nagsimula na akong maglakad.

I raise my right hand at sinumon ang attribute na mayron ako. Fire. Ito ang kailangan ko ngayon para magkaroon ng liwanag ang paligid. Maingat kong inangat ang mga kamay at marahang ikinumpas iyon. Ilang segundo kong ginawa iyon ngunit walang apoy na nabubuo sa mga kamay ko. Napakunot ang noo ko dahil sa nangyari. Ipinilig ko ang ulo pakanan at umayos nang pagkakatayo. Humugot ako ng isang malalim na hininga at mas itinaas ang mga kamay. Iginalaw ko itong muli at sinubukang i-summon ang fire attribute ko.

Sa pagkakataong ito, nagkaroon ng kaunting apoy sa mga kamay ko. Ngunit segundo lang din ay biglang nawala ito at muling nabalot ng dilim ang buong paligid.

This is not good! This place... the darkness within this space is absorbing my fire!

Napagakat na lamang ako ng pang-ibabang labi at mayamaya lang ay agad akong naging alerto no'ng makaramdam ng kakaibang enerhiya sa paligid. Ikinuyom ko ang mga kamao at maingat na ibinaba ang mga kamay mula sa ere.

Someone's here with me right now! I can feel its presence! Damn this darkness! Hindi ko tuloy matukoy kung saan o kanino nanggagaling ang enerhiyang nararamdaman ngayon sa lugar na ito!

"Anastasia." I froze upon hearing a voice. Mayamaya lang ay mas lumakas ang presensiyang nararamdaman ko sa paligid. "Anastasia." Rinig kong muli at sinubukang igalaw ang mga paa.

I know that voice! It's from my father!

"Dad!" I called him. Yes, that's my father's voice! I'm a hundred percent sure of that! "Dad! Where are you? Dad!" I shouted.

"Wake up already, Anastasia. You can't stay longer in the dark. You can't, Ana. You need to get out of here."

"What do you mean, dad? So, this is really a dream?" gulong tanong ko habang pilit na hinanap ang pinanggagalingan ng tinig niya.

"You need to wake up, sweety. Use your power to protect those who dear to you. Protect them and forget about us. Forget about your revenge."

Natigilan ako noong marinig iyon sa kanya. Forget about revenge... no. I can't do that! "Dad." I sob escaped from my mouth. Napailing ako. "I miss you, daddy. I miss mom, too," mahinang wika ko. Mayamaya lang ay napaluhod ako dahil sa biglaang panghihina. Humugot ako ng isang malalim na hininga at pinagpatuloy ang pagsasalita. "But... I can't stop myself, dad. Hindi ko kayang pigilan ang sarili ko sa paghahangad ng paghihiganti. I can't. I really can't."

"Let it go, Anastasia. You have to stop and forget about it."

"But-"

"Anastasia!"

Muli akong natigilan noong marinig ang boses na iyon. Wait... boses ni Grayson iyon ah! Paanong naririnig ko iyon ngayon? Mabilis akong nag-angat nang tingin. Ganoon pa rin ang nakikita ko ngayon. Madilim pa rin ang buong paligid!

Maingat kong pinahid ang mga luhang kumawala sa akin kanina at tumayong muli.

"Wake up now, Anastasia. Please. Leave this place now, sweety! They're coming for you!"

Burst Into Flames [ Published Under Pop Fiction #CLOAK ]Where stories live. Discover now