Chapter 43: Dissolves

10.2K 480 25
                                    

GRAYSON'S POV

"Grayson! Slow down, will you?" Malakas na sigaw ni Blue sa likod ko.

I stopped from running and faced them. "I told you not to follow me!" inis na wika ko sa kanila. Nagkatinginan silang tatlo. Nagkibit-balikat lamang sila sa akin.

"Nakalimutan mo na yata, Gray. We're here for a mission. We came here as a team," seryosong saad ni Lester. "And when a team member is in danger, ano ba dapat gawin ng natitirang miyembro? Ang tumanganga na lang? Come on, we're amateurs here. We're one of the best Agents of Tynera. Kahit walang pag-asang mailigtas si Ana, gagawin pa rin natin ang lahat. You're not alone, Gray. You have us. We'll help you."

Napabuntonghininga na lamang ako at tinanguhan na lamang ang mga kasama ko. "Come on. Bilisan na nga natin. Ana's waiting for us!" wika naman ni Myst at nilagpasan na ako. Ganoon din ang ginawa ng dalawa. Ngayon ay mas nauna na sila sa akin. I took again another deep breath and closed my fist.

"We're coming, Anastasia," mahinang saad ko at nagpatuloy na rin sa pagtakbo.

Lumipas ang isang oras ay nasa daan pa rin kami patungo sa west part ng kagubatan ng Dark World. We tried to use our attribute para naman mas mabilis naming marating ang patutunguhan namin pero hindi pa lumilipas ang tatlong minuto ay tila hirap na kaming gumalaw. Kaya naman mas minabuti naming huwag nang gumamit ng kahit anong kapangyarihan. All we have to do is to move and run faster. Hindi rin kami puwedeng magsayang ng attributes. Kakailanganin namin ito kapag tuluyan na naming makaharap si Anastasia.

"Shit!" rinig kong bulalas ni Blue. Natigil kaming apat sa paglalakad at matamang tiningnan ang daan patungo sa kung saan naroon si Anastasia. Ramdam na ramdam na rin namin ang lakas ng kapangyarihang bumabalot sa buong kagubatan.

"I know Anastasia's freaking strong, but this power that I'm feeling right freaks the hell out of me!" wika naman ni Lester na siyang ikinalunok ko. He's right. Kakaiba itong kapangyarihamg nararamdaman namin ngayon! Different and dangerous!

Napahugot na lamang muli ako ng isang malalim na hininga. "Let's go," yaya kong muli sa tatlo at nagsimula na kaming umusad patungo sa pinanggagalingan ng kapangyarihan.

I already imagined the worst-case scenarios inside my head. Inihanda ko na rin ang sarili sa mga makikita ngunit noong makarating na kami sa pinakadulong parte ng gubat, halos hindi na kami makausad dahil sa tindi ng itim na kapangyarihang bumabalot ngayon sa buong paligid.

"This place might be the territory of the Malverine," seryosong saad ni Myst sa tabi ko. Nakita kong tumango naman si Lester bilang pagsang-ayon sa sinabi ng kaibigan. "Pero... nasaan sila? If this is their territory, bakit hindi ko man lang sila maramdaman?"

"They're all gone. All dead." Napakuyom ako ng mga kamao noong maalala ang sinabi ni Rogue sa amin kanina. So, it was true. Wala na talaga ang Malverine sa lugar na ito. Pero nasaan ang gumawa nito sa kanila? Where's Anastasia?

"Finally." Napalingon kaming lahat sa gawing kanan namin noong may nagsalita. There. I settled my eyes on her. Mataman lang itong nakatingin sa amin habang napapalibutan ang buong katawan ng malakas na dark magic.

"Ana!" tawag ng Trio sa kanya.

Napailing ako. No. She may look like her but she's not the real Anastasia. Ito ba iyong sinasabi ni Rogue kanina? Her dark magic will take over her... Ito na ba iyon?

I looked at her intently. Seconds passed; she smiled and then locked her gaze on me. "Grayson Tyler," sambit niya sa buong pangalan ko at tumingin sa Trio. "And the Trio, huh?" I saw how she smirked. Tumalikod ito at nagsimulang maglakad palayo sa kinatatayuan namin.

Burst Into Flames [ Published Under Pop Fiction #CLOAK ]Where stories live. Discover now