Chapter 44: Gone

11.1K 523 6
                                    

"Please. Stop it already! Please!"

My body is releasing too much dark magic right now. And it's bad. Really bad. Masyadong delikado ito at paniguradong maapektuhan nito ang kung sino man magtatangkang magtungo sa lugar na ito!

Kahit wala akong kontrol sa sariling katawan ko, ramdam na ramdam ko pa rin ang kapangyarihang nananalaytay sa mga ugat ko. This power... it's too much for me! "Stop it already!" pakiusap kong muli sa kanya.

I heard her laughed. Kahit na sa isipan ko lang itong pag-uusap namin, ramdam ko namumuong galit ko sa kanya. I want her to stop whatever she's planning to do! She can't use my body! Sa kahit anong kasamaang nais niyang gawin, hindi ako maaaring magpatalo na lamang at hayaang gamitin nito ang katawan ko!

"Nagsisimula pa lang tayo, Anastasia. Nagsisimula pa lamang!" She laughed again.

"No! Itigil na natin ito. Nakuha na natin ang nais nating dalawa! Patay na ang mga miyembro ng Malverine! Patay na si Jax kaya naman ay tumigil ka na!" I screamed at her.

Hindi ito sumagot sa akin kaya naman ay mas lalo akong nagalit sa kanya. Damn it! I badly want to move my body. To stop myself from releasing too much dark magic, pero sadyang siya na ang nagmamay-ari ng katawan ko ngayon at hindi ako!

"Grayson." Wala sa sariling sambit ko sa pangalan nito. Grayson... siya lang ang tanging naiisip kong makakatulong sa akin. He can definitely help me!

"What did you say?" She asked then chuckled a little.

"He'll surely come here and save me." Mariing sambit ko sa kanya.

Natawa itong muli. "Oh, stop it, Anastasia." Sambit niya at lalong pinalakas ang kapangyarihang inilalabas ng katawan ko ngayon. "Hindi ka maliligtas ng kahit sino! The only way for me to disappear is killing you! At sa tingin mo makakaya iyon ni Grayson? Sa'yo? Think again!"

"He'll save me. No matter what. He. Will. Save. Me." Mahinang wika ko na lalong ikinainis niya sa akin.

"Shut up!" Galit na bulalas nito. "No one will save you! No one!"

Napahugot ako ng isang malalim na hininga at ikinalma ang sarili. Kung sasabayan ko ang galit nito ngayon, mas lalong lalakas ang kapangyarihang pinapakawalan niya. I need to stay calm. "You're wrong." Kalmadong turan ko sa kanya. "Hindi ako kagaya mo. I have friends who treasures me. A brother who loves me. Kaya may tiwala ako sa kanila. They'll come here to save me, that's for sure. And I don't live in darkness alone. I live with them."

"I said... shut up!"

Ramdam na ramdam ko ang galit niya sa mga pinagsasabi ko. I understand her. She was created during my darkest days. She was the product of my anger, distress and fear of being alive while my parents died in front of me. She was created because I badly want to get my revenge. She has no one... except of me.

Minutes passed, hindi na kami nag-usap pa. Pero patuloy pa rin ito sa pag-release ng itim na kapangyarihan ko na ngayon ay bumabalot na sa buong gubat na kinaroroonan namin ngayon.

I frustratedly sighed. If I can only use my fire attribute to stop my dark magic, kanina ko pa dapat ginawa iyon! How can I use my fire attribute if I can't even control my own body? How can I summon my fire without moving a finger? I need to think for an alternative. I badly need to stop her now!

Natigilan na lamang ako sa pag-iisip noong makaramdam ako ng kakaibang presensiya sa paligid. I may not be the one who's controlling my body, but I still have my senses with me.

These presences and power! I can't be wrong! It's Grayson and the Trio!

Mukhang naramdam din iyon ng isang ako kaya naman ay mabilis itong kumilos at binalutan ng itim na enerhiya ang buong katawan ko. She camouflaged with the dark energy she released earlier and wait for them to arrive. And I was right, mayamaya pa'y bumungad na sa akin si Grayson, Blue, Myst at Lester. They're here! My friends are here!

Burst Into Flames [ Published Under Pop Fiction #CLOAK ]Where stories live. Discover now