Chapter 18: Fear

12.5K 542 68
                                    

The Malverine.

Napakurap ako at mabilis na umayos nang pagkakatayo. "The Malverine... hindi iba hindi na sila nag-e-exist sa Tereshle? Matagal ng wala ang grupo na iyan, Blue!"

"Iyon din ang akala namin, Ana. Akala nating lahat. Pero dahil sa mga pinaggagawa ng Sigma ngayon ay nakabuo ng konklusyon ang Council. The Sigma is under the supervision of the Malverine," seryosong sabi ni Lester na siyang ikinahugot ko na lamang ng isang malalim na hininga.

Lumayo na ako kay Grayson at nagsimulang maglakad patungo sa kama ng silid. Tahimik akong naupo sa gilid nito at marahang hinilot ang sintido.

There's no hell way that the Malverine still exists in this era. Matagal na silang wala sa Tereshle. Alam ko iyon kaya naman ay hindi ako kumbensido sa totoong misyong mayroon sila Blue!

"Anastasia," tawag ni Grayson sa pangalan ko.

Umiling lang ako sa kanya at mariing ipinikit ang mga mata. "No, Gray. Hindi tayo sasali sa misyon na iyan," mariing sambit ko sa kanya.

"But Ana, kayo lang ang alam naming makakatulong sa misyon na ito," rinig kong wika naman ni Myst.

Marahas akong napahugot ng isang malalim na hininga at binalingan si Myst. "We're not the only Agents Tynera have, Myst. Marami pang iba! Iyong mas malakas sa amin ni Gray! Sila na lang ang isama ninyo sa misyong ito!" mariing sambit ko rito. I closed my fist. Hindi ko gagawin ang misyong ito! Kung totoong nagbalik nga ang Malverine, mas lalong hindi dapat ako pumayag na mapasama sa misyon nila Blue!

"Ana-"

"My answer is no, Grayson," walang emosyong saad ko sa kanya. I sighed and tried to compose myself. "But if you insist, then go, hindi kita pipigilang gawin ang misyon na iyan. I'm staying here. Mag-re-report na lang ako sa Council tungkol sa pagtanggi ko sa nais nila," dagdag ko pa sabay tayo mula sa kinauupuan at lumabas na sa kuwarto.

Mabilis ang naglakad palabas sa main building ng Xeerna Island. Malalaki ang hakbang ko at noong tumigil ako sa pagkilos, isang malakas na sigaw ang pinakawalan ko. Mariin kong ikinuyom ang mga kamao at pilit na ikinalma ang sarili. Humugot ako ng isang malalim na hininga at hinawi ang buhok sa kanang balikat.

"It's been years, Ana. Matagal na iyon. Matagal na," mahinang sambit ko sa sarili at marahang hinampas ang dibdib. I need to calm down. Hindi ako maaaring pangunahan ng emosyon ko.

Sa isang gazebo ako nagtungo at mabilis na naupo roon. Humugot muli ako ng isang malalim na hininga at ipinikit ang mga mata.

Chill, Ana. You need to calm down.

Pilit kong ibinalika ng normal na tibok ng puso ko at noong maging maayos na ang pakiramdam ko, muli kong iminulat ang mga mata at matamang tiningnan ang tanawin sa harapan.

Malverine... the exorcist. Iyon ang tanyag na tawag sa kanila noon.

Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi at sabay na ikinuyom ang mga kamao. Wala na sila. Matagal na silang wala dito sa Tereshle. I saw it with my two eyes. They're long gone! Kaya naman ay imposibleng mangyari ang naging konklusyon ng Council tungkol sa kung anong pinaggagagawa ng Sigma! It's not them, Pete's sake!

Mayamaya lang ay wala sa sarili akong napatingin sa mga kamay ko. Napaawang ang labi ko at mabilis na ipinirmi ang mga ito. Damn it! I'm trembling right now!

Segundo lang din ang lumipas ay natigilan ako no'ng may humawak sa mga nanginginig kong kamay. I looked up and I saw his serious face. "Grayson." I managed to utter his name.

Tipid itong ngumiti sa akin at maingat na naupo sa tabi ko habang hawak pa rin ang kamay ko. "You're trembling, Anastasia. Relax. Everything's fine," kalmadong wika nito sa akin.

Burst Into Flames [ Published Under Pop Fiction #CLOAK ]Where stories live. Discover now