Chapter 2: Team

23.2K 805 46
                                    

Nakasimangot ako buong biyahe namin ni Grayson patungo sa boundary ng Aundros at Lynus division. Panay ang irap ko rin sa kanya samantalang aliw na aliw naman ang loko. Pangiti-ngiti at pasipol-sipol pa! Nakakaasar talaga ang presensiya ng lalaking ito!

"What's with the frown, Ana? Aren't you excited? Ito ang pinaka-unang team-up nating dalawa bilang mga agent! Paniguradong news flash tayo nito pagkabalik natin sa Tynera! Imagine, two of the best agents of Tynera, nagsama sa isang misyon!" masiglang sambit nito habang hindi pa rin nawawala ang ngisi sa labi niya.

I crossed my arms against my chest and raised one of my eyebrows on him. That's Grayson Tyler everyone. He loves the spotlight and I hate it. I hate him. Period. "Oh, stop it already, Grayson Tyler!" I hissed at him. "Dream on! I'm not teaming up with you!" mariing saad ko rito.

"Come on, Anastasia. You don't have a choice here. Nandito na tayo, magkasama sa isang misyon!" He said then smiled at me again. Napailing na lang ako sa kanya at hindi na nagsalita pa.

Back when we were still studying at the Tereshle Academy, Grayson was the most annoying student that I've ever known. He's a jerk, too! He loves fooling around. But I have to admit, he's powerful. He's not an ordinary wind attributer. Tyler family is the second wealthiest family at Zhepria, next to the Stones. He was trained to be a part of the agents of Tynera. He's the son of Principal David Tyler! They really ruled the whole Tereshle Academy! Kaya malakas ang loob nitong magloko noong nasa academy pa kami.

While me? Well, let's just say that I was the one being bullied by this jerk back then. Malas nga lang yan, palaban ako. We argued a lot. Kapag nagtatagpo ang landas namin ay palagi kaming nagsisigawan at nagbabangayan. We're not enemies, though. In fact, we both belong to the Shendra group, the strongest group in the Tereshle Academy. He was the group leader, and I was just his member. We just really hate each other's guts and presence back then, well, ganoon pa rin naman hanggang ngayon. Medyo less nga lang kumpara noong nag-aaral pa kaming dalawa sa Tereshle Academy. Naging abala na rin kasi kami noong naging agents na kaming dalawa.

And that's the reason why I don't want to be on the same team with him! Wala kaming matatapos na trabaho nito! This mission will become a disaster! I sighed for the nth times because of frustration. Ipinikit ko na lang ang mga mata at ikinalma ang sarili. Mas mabuti pa yatang matulog muna kaysa naman makipag-bangayan ako kay Grayson. Sayang lang ang lakas ko sa lalaking ito! I should reserve my energy for my mission at hindi sa pakikipag-usap sa kasama kong ito!

Hindi ko alam kong ilang minuto akong nakaidlip. Nagising na lang ako noong marinig ko ang boses ni Grayson na tinatawag ang pangalan ko.

"Wake up, Ana. Nandito na tayo."

Marahan akong gumalaw at inayos ang pagkakaupo. Tiningnan ko ang paligid at noong makitang tumigil na ang train na sinasakyan, hinawi ko ang buhok sa may balikat ko. We're here already? That was fast! Dahan-dahan kong kinusot ang mga mata ko at noong napabaling ako sa gawing kanan ko, bumungad sa paningin ko ang mukha ni Grayson. Napasimangot ako. Agad kong inayos ang sarili at kinuha ng bag na nasa tabi ko lang. Mabilis akong kumilos at bumaba na sa train na sinasakyan.

Now, I need to find a carriage that will bring me to Persidal Village. Kailangan ko nang masasakyan para makarating sa nayon kung saan naroon ang misyong mayroon ako ngayon.

"Anastasia Miller!" Napikit ako ng mariin noong marinig ko ang pangalan ko. Shit talaga itong Grayson na ito! He really loves the attention! Isigaw ba naman ang buong pangalan ko! Palihim akong tumingin sa paligid at noong mamataang hindi naman binigyan pansin iyon ng mga tao, napabuntonghininga ako. Tumigil ako sa paglalakad at hinarap ang nakangiting si Grayson Tyler. Buwiset na lalaking ito! "Ba't ka ba bigla na lang nang iiwan sa train?" tanong nito habang inaayos ang bag sa likuran niya.

Burst Into Flames [ Published Under Pop Fiction #CLOAK ]Where stories live. Discover now