Chapter 28: Traitor

10.8K 518 11
                                    

Nagsimula na ang trabaho naming lima bilang mga keeper ng Dark World. At bilang keepers, trabaho naming panatilihing payapa ang buong lugar.

Nasa sentro kami ngayong ng Dark World at nagmamasid lang sa paligid. Ilang oras na rin kami narito at kahit isang miyembro ng Malverine ay hindi man lang nagpapakita sa amin. Napahugot na lamang ako ng isang malalim na hininga at nagpatuloy sa ginagawa.

Mayamaya lang ay napalingon ako sa gawing kanan noong makarinig ng mga sigawan. Mabilis kaming nagkatinginan ng mga kasama ko at agad na nagtungo sa pinanggalingan nang sigaw na narinig namin. Minuto lang ay nakarating na kami roon at naabutan namin ang nagkukumpulang mga tao ng Dark World.

"Ano na naman iyan?" rinig kong tanong ng babaeng nakatayo 'di kalayuan sa puwesto namin.

"Pang limang biktima na iyan ngayong buwan!" Napakunot ang noo ko sa mga naririnig ko. Anong pinagsasabi ng mga residente ng lugar na ito?

Ipinilig ko na lamang ang ulo pakanan at noong makalapit na kami nang tuluyan sa kumpulan ng tao ay agad silang napatingin sa amin. Segundo lang ay biglang nag-iba ang awra ng buong paligid. Naalarma ako at isa-isang tiningnan ang mga taong nasa harapan namin. Puno nang takot ang mga mata ng iilan. At ang iba naman ay wala akong makitang emosyon sa mga mata nila habang nakatingin sa aming lima.

"What happened here?" seryosong tanong ni Blue sa mga residente ng Dark World. Mayamaya lang ay nahawi sa dalawa ang kumpulan at bumungad sa amin ang isang taong nakahandusay sa sahig. Tirik ang mga mata nito at pulang-pula. Tila isang istatwa na rin ito na tuwid na tuwid ang katawan na nakahiga sa semento.

"Shit!" I heard Myst cursed beside me. Napakurap ako at hindi maalis sa katawan ang buong atensiyon. What happened to this man?

Akmang lalapitan ko na sana ito no'ng may humawak sa braso ko at pinigilan ako sa pagkilos. "Don't," matamang sambit ni Grayson sa akin. Binalingan ko ito at namataan ang pag-iling niya. Binitawan nito ang braso ko at binalingan muli ang katawang nakahandusay sa sahig.

"What happened to him?" mahinang tanong ko habang pinagmamasdan ang nangyari sa katawan lalaki. What kind of magic is this? Sa tagal ko nang nagtratrabaho bilang isang Agent ng Tynera, ngayon lang ako nakasaksi nang ganito!

Humugot ng isang malalim na hininga si Grayson ay kinuha ang atensiyon naming apat. "This is a trap." He carefully said to us. "Come on. Umalis na tayo rito sa sentro," dagdag pa niya at muling tinignan ang bangkay 'di kalayuan sa kinatatayuan namin. Tumango naman kami sa kanya at nagsimula nang kumilos.

Akmang hihigitin na sana ako ni Grayson palayo sa kumpulan noong mabilis na natigil kami dahil kusang gumalaw ang lalaking nakahandusay sa sahig. Napaawang ang labi ko at naging alerto sa paligid. What the hell? I thought this man is dead!

"They're the keepers, hah? The Councils are stupid to sent you kids here." wika ng lalaki at naglabas ng itim na enerhiya ang katawan nito.

"Dark magic," rinig ko namang wika ni Blue na ngayon ay nasa tabi ko na. Napatingin ako sa gawing kaliwa ko. Nandoon na rin si Lester at nasa likod ko naman si Myst. Ikinuyom ko ang mga kamao at umayos na lamang nang pagkakatayo. Kumilos naman si Grayson sa kinatatayuan niya at ngayon ay puwesto na sa harapan ko. Napakurap ako! What the hell? Anong trip ng mga ito at pinalibutan ako?

"We need to find that guy," mahinang sambit ni Lester sa likod ko.

Napakunot ang noo ko sa narinig mula sa kanya. "Who?" takang tanong ko pa rito.

"The one who's controlling him." Si Blue naman ang nagsalita sa tabi ko.

Magsasalita pa sana akong muli noong bigla akong natigil dahil sa isang pagsabog sa paligid. Mabilis akong naging alerto sa kinatatayuan ko at laking gulat na lamang no'ng makita kong nasa loob na kami ngayon ng isang wind barrier.

Burst Into Flames [ Published Under Pop Fiction #CLOAK ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon