Chapter 17: Unexpected

12K 576 13
                                    

I came from one of the wealthiest family in our division. Actually, pareho kami ni Gray. We both have all the money, the resources, for us to have this kind of vacation. Pero dahil nga sa trabaho at tungkulin namin bilang isang Agent ng Tynera, mas gugustuhin naming magtrabaho at hindi na mag-aaksaya ng oras sa ganitong bagay.

Ilang taon na rin naman kaming nagtratrabaho para sa buong Tereshle kaya naman ay hindi na rin sigurong masamang kunin namin ang reward na ibinigay nila Aurora sa amin.

"Grayson," tawag pansin ko sa kanya habang naglilibot pa rin kami sa isla ng Xeerna.

"Hmm?" mahinang tugon niya sa tabi ko.

"Hindi ka ba nagsisisi na nakipag-team ka sa akin?" wala sa sariling tanong ko sa kanya sabay tawa nang mahina. Napangiwi na lamang ako at marahang kinurot ang mga daliri. Ang tahimik kasi nitong Grayson Tyler na ito! Wala akong ibang maisip na tanong kaya naman ay sinambit ko na ang unang mga salitang lumabas sa bibig ko!

"Bakit naman ako magsisisi?" pabalik na tanong nito sa akin.

Nagkibit-balikat ako. "Maraming mas malakas sa akin sa Tynera," wala sa sariling wika ko sabay hinto sa paglalakad. Natigil din si Grayson sa paghakbang ng mga paa niya at hinarap ako.

"So?" takang tanong nito sa akin sabay taas ng isang kilay niya. Napairap na lang ako.

"Wala! Forget that I even asked!" mariing wika ko at muling inihakbang ang mga paa. Walang kuwentang kausap! Nag-effort pa akong mag-isip ng topic! Napairap ako sa kawalan at nagpatuloy na sa pagmamasid sa paligid. Inaliw ko na lamang ang sarili sa magandang tanawin ng buong isla ng Xeerna. Nasa likod ko si Grayson at tahimik lamang na nakasunod sa akin.

I was enjoying the view when I suddenly felt his presence beside me. Napatigil ako sa paglalakad no'ng biglang hawakan ni Grayson ang braso ko. Napalingon naman ako sa kanya at takang tiningnan siya. "What?" I curiously asked him.

Nakakunot ang noo nito at marahang inilapit ako sa kanya. "Someone's following us," mahinang sambit niya na siyang ikinatigil ko. Mabilis kong inalerto ang sarili at umayos nang pagkakatayo. Nagpalingon-lingon ako ngunit wala naman akong nakitang ibang tao sa paligid maliban sa aming dalawa!

"Grayson, maliban sa ating dalawa, walang ibang tao sa parte ng islang ito," matamang sambit ko sa kanya. Tinakpan niya ang bibig ko gamit ng kaliwang kamay at marahang hinila na ako. Hindi na ako nakaalma pa hanggang sa makabalik na kami sa main building kung saan naroon ang mga silid namin.

Mabibigat ang bawat hakbang ni Gray hanggang sa nasa tapat na kami ng silid ko. Napairap ako at kinuha ang susi sa bulsa ng suot na pantalon. Binuksan ko ang pinto at nauna nang pumasok sa kanya. Segundo lang ay pumasok na rin Gray at noong naisara na nito ang pinto, mabilis ko itong binalingan. "What's happening, Grayson?" mariing tanong ko sa kanya. "You said earlier that someone was following us. Who could it be? Walang mangangahas na sundan tayo sa lugar na ito."

"I have an idea pero hindi pa ako pa ako sigurado. I felt their presence," matamang sambit nito sa akin.

Napa-arko naman ang isang kilay ko habang nakatingin pa rin sa kanya. "Tell me. Sino ang nasa isip mo?"

Tumingin muna siya sa akin bago sumagot sa tanong ko. I saw him smirked kaya mas lalong nagtaka sa inaakto nito. "Agents," aniya at umiling sa harapan ko.

Napanganga ako sa sinabi niya. Wait! Mali yata ang narinig ko. "Agents? You mean... Agents like... us?" nalilitong tanong ko sa kanya.

"I felt Blue's presence earlier," dagdag pa nito.

"Si Blue?" Hindi ko napigilang sumigaw dahil sa sinabi niya. Si Blue? Seriously? Ano naman ang ginagawa ng isang iyon dito? Nakita kong tumango-tango si Grayson sa akin kaya naman ay napangiwi ako. Oh, crap! He's really here! Hindi maaaring magkamali itong si Grayson! Nasa Xeerna nga ang lalaking iyon!

Burst Into Flames [ Published Under Pop Fiction #CLOAK ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon