Chapter 14: Aurora Swan (Mission 2- Part 4)

11.6K 567 8
                                    

Hindi ko inalis ang paningin ko kay Grayson. Ganoon din siya sa akin.

Nakatutok pa rin sa leeg ko ang dulo ng espadang hawak ni Aurora. Nakalapat ito at kaunting diin lang nito sa balat ko ay paniguradong masusugatan na ako. Mariin kong ikinuyom ang mga kamao at noong akmang igagalaw ko na sana ang kamay para ilayo ang sarili kay Aurora, mabilis akong natigilan. What the hell?

Napakurap ako at wala sa sariling napamura sa isipan. I can't move my body! Damn it! Epekto pa rin ba ito no'ng panang tumama sa akin? O may ginawa itong si Kaylus para hindi ko makontrol ang sariling katawan?

Hindi na lamang ako kumibo at nanatili ang paningin sa harapan ko. Mayamaya lang ay biglang nag-iba ang ekspresiyon sa mukhang ni Grayson kaya naman ay naalarma ako. I looked curiously at him at noong marinig ko ang mahinang pagmumura nito, napahugot ako ng isang malalim na hininga. "What's wrong?" matamang tanong ko sa kaibigan.

"Shit! Damn it!" malutong na mura nitong muli sa puwesto niya.

Mayamaya lang ay namataan ko ang pagkawala nang pagkakagapos ng mga kamay ni Grayson. Nanlaki ang mga mata ko at biglang nagkaroon ng pag-asa. He's free! Maaari na niyang magamit ang attribute niya para matalo itong si Kaylus at ang mga tauhan nito!

Segundo ang lumipas ay wala pa ring ginagawa si Grayson. Nanatili lang ito sa puwesto niya at noong makitang pumikit ito, napakunot ang noo ko. What the hell is wrong with him? Akmang gagalaw na sana ako no'ng makaramdam ako ng hapdi sa bandang leeg ko! Shit! Damn it, Aurora! Hindi pa rin ba niya ako naaalala man lang? Ano bang ginawa ni Kaylus sa babaeng ito? Damn it!

"Grayson, hey, look at me," tawag pansin ko sa kanya. "Grayson! What the hell is happening? Ayos ka lang ba?" magkasunod na tanong ko at muling tinawag ang pangalan nito. "Grayson Tyler, answer me!"

"Move, Ana. Lumayo ka sa akin!" mariing sambit nito na tila nahihirapan sa sitwasyon niya. But how can I move? Ni hindi ko rin makontrol ang sariling katawan! Damn it! Hindi ko inalis ang paningin kay Grayson. He's suffering! Kitang-kita ko sa itsura nito ang paghihirapan na nararanasan niya ngayon! Mukhang may ginawa rin itong si Kaylus sa katawan ni Grayson! "Grayson!" muling tawag ko sa pangalan nito at noong kumilos ito sa puwesto niya, mabilis akong natigilan.

Nanlaki ang mata ko no'ng tinaas nito ang mga kamay niya sa harapan ko. Tila inaabot ako nito. Nakalahad ang mga iyon. Papalapit sa akin. "Shit! Anastasia, move away from me! Please! I can't control my body! He's manipulating it! Damn it!" mariing bulalas nito sa harapan ko.

Bago pa ako makapag-react sa mga sinabi ni Grayson ay naramdaman ko na ang dalawang kamay nito sa leeg ko! Napaawang ang mga labi ko habang mariing nakatingin kay Grayson. The hell?

Nawala na rin si Aurora sa tabi ko. Wala na ang espadang nakatutok sa leeg ko. Ngunit, ito na pumalit. Ang mga kamay ni Grayson Tyler!

"Ana!" sigaw ni Grayson sa harapan ko. Napakurap ako at mabilis na napahawak sa kamay niyang nasa leeg ko. Damn, I can move my body now! Mukhang ito ang nais na mangyari ni Kaylus sa aking dalawa ni Grayson. He wanted us to fight each other! Damn him!

Ngayon kaya ko nang kontrolin ang katawan ko, buong pwersa kong sinusubukang tanggalin ang kamay ni Grays na nakasakal sa kanya. Mahigpit kong hinawakan ang magkabilang kamay nito at noong maramdaman kong mas lalong humihigpit ang pagkakasakal niya sa akin, mabilis akong napamura at pilit na pinapaluwagan ang pagkakahawak niya sa leeg ko.

"Gray," mariing sambit ko sa pangalan niya at napamura na lamang. "This is your body. Huwag kang papayag na kontrolin ito ng kahit sino," dagdag ko pa at noong humigpit muli ang pagkakasakal ni Grayson sa akin, napamura na lamang muli ako sa isipan.

Ipinikit ko ang mga mata ko no'ng marinig ko ang tawa ni Kaylus. I kept on cursing him inside my head as I tried to loosen Grayson's grip.

"Come on you two. Give me a good show. Alam kong kayong dalawa ang best Agents na mayroon sa Tynera ngayon," sambit ni Kaylus at muling tumawa.

Burst Into Flames [ Published Under Pop Fiction #CLOAK ]Where stories live. Discover now