Chapter 25: Explosion

9.7K 472 10
                                    

My parents were one of the best Agents of Tynera. Parehong nabibilang ang mga pamilya nila sa Ynus. Parehong malalakas na fire attributes. Parehong nanggaling sa Aundros at noong nangyari ang trahedyang kinasangkutan nila, tila unti-unting gumuho na rin ang division namin noon.

It was like the failure of the Miller, of our family... was the downfall of Aundros and its people.

Ipinikit ko ang mga mata ko. I even covered my ears with my own hands. Ayaw kong marinig ang mga sigaw at daing nila.

A war is happening right now!

A war between the Council's Agents and the Malverine of the Dark World.

Napahawak ako sa dibdib ko. My parents might get hurt because of this chaos! Ayaw ko na sa mga nangyayari. I don't like it and I want it to stop!

Mayamaya lang ay natigilan ako sa mga naiisip ko. What if they really get hurt? My parents... paano kung masaktan sila sa labanan ito? Sino ang gagamot sa kanila? Sino ang tutulong sa kanila kung halos lahat ng kasama nila ay abala sa kani-kanilang laban?

I closed my fist firmly while thinking those horrible thoughts. They need me! My parents need me! I can help and heal them!

Without second thought, lumabas ako sa pribadong sasakyang kinaroroonan ko. Dali-dali kong inihakbang ang mga paa at noong tuluyan na akong makalabas sa sasakyan, mabilis akong natigilan sa pagkilos. I gasped when I saw the whole place.

This place is a mess! A total mess! The buildings were already ruined. Died bodies are everywhere. Ang ilan dito ay na-di-disolve na at tiyak kong naubos na ang attribute na mayroon sila sa katawan! Oh my God! Wala sa sariling akong napatingin sa gawing kanan ko. I looked at the man lying on the ground, almost lifeless. Unti-unti na rin itong nagiging abo! He's a fire attributer! A Tereshlian from Aundros! P-paanong nangyari ito? Miyembro ba ito ng Malverine?

Agad akong nangilabot no'ng makaramdam ako ng isang malakas na kapangyarihan. Sa murang edad ko ay talagang sanay na ako na makaramdaman ng mga ganitong klaseng kapangyarihan. Malakas ang pakiramdam ko sa mga bagay-bagay, lalo na kapag attribute ang pinag-uusapan. Alam ko kung ano at sino ang malakas sa paligid ko.

Patakbo akong nagtungo sa pinanggagalingan ng puwersa na nararamdaman ko ngayon. Mariin kong ikinuyom ang mga kamao at noong nasa tamang destinasyon na ako, laking gulat ko no'ng makita ko ang pinsan na si Hades na tila namimilipit sa sakit.

"Hades," bulong ko habang matamang nakatingin pa rin sa pinsan. Anong nangyayari sa kanya? Bakit hindi ito makakilos sa kinatatayuan nito. Napatingin naman ako sa lalaking nasa malapit lang sa puwesto ng pinsan ko. Masama ko itong tiningnan noong mamataang nakangisi ito habang nakatingin naman kay Hades. Mayamaya lang ay napatingin ako sa unahan nito. Kusang umawang naman ang labi ko noong mapagtanto ko kung sino ang mga nakahandusay sa harapan ng lalaki.

My parents! Oh my God! They're wounded and looks like they can't move properly!

"Hades!" Rinig kong tawag ni mommy sa pangalan ng pinsan ko. "Labanan mo iyan! Hades!"

Napatingin akong muli sa pinsan ko. Nahihirapan pa rin ito sa kinatatayuan niya at noong umangat ang isang kamay nito, mabilis na napasigaw si Hades. Tumawa naman ang lalaki kaya naman ay napabaling akong muli sa puwesto nito. Namataan ko ang paggalaw ng kamay nito habang nakatingin kay Hades. Then, it hit me! The man standing next to my cousin is controlling him. He's suffering an intense pain because he keeps on fighting it! Oh no!

"Stop it, Mundro!" sigaw ni daddy at pilit na tumayo mula sa pagkakasalampak sa lupa. Ganoon din ang ginawa ni mommy at inihanda ang sarili sa susunod na mangyayari.

Burst Into Flames [ Published Under Pop Fiction #CLOAK ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon