Chapter 9: Rivalry

14.4K 709 59
                                    

"Good morning, Ana."

"Hey, Ana!"

"Zup, Miller!"

Sa lahat ng bumabati sa akin ngayon ay tanging ngiti lang ang sinukli ko. I'm a friendly person. Kilala ako dito sa Tynera at sanay naman ako sa atensiyong ibinibigay nila sa akin ngunit iba itong atensiyong mayroon sa akin ngayon. Anong mayroon?

Isang araw na ang lumipas simula no'ng makabalik kami ni Grayson mula sa misyon namin sa Persidal Village. At simula kahapon ay panay bati ng mga co-Agent ko sa akin. They kept on congratulating me because of the success of our first mission together. I just smiled at them in return. Hindi na ako nagsalita at nagkuwento pa sa kanila. No one knows the real deal of the village except me and Grayson and the whole villagers. Okay na iyong alam nila na may unknown illness talaga ang nayon na iyon.

Masaya akong kumakain ngayon ng agahan ko. Nasa pinaka-canteen ako ng Tynera at kumakain mag-isa. Maraming tao ngayon dito. Marahil ay walang masyadong misyon kaya dito ang tambay ng iilang Agent ng Tynera. Nagkibit-balikat na lamang ako at nagpatuloy sa pagkain.

Akmang isusubo ko na ang huling pagkain ko no'ng may napansin akong bulto ng tao na nakatayo sa harapan ng mesa ko. I didn't bother to look at this person. Isinubo ko ang pagkain at dahan-dahan kong nginuya ito. I took a glass of water then drink it. Maingat kong inilapag ang baso sa mesa at inalis ang tubig sa gilid ng bibig gamit ang kamay.

Pansin ko ang biglang pagtahimik ng buong canteen. Tila naagaw namin ng taong nasa harapan ko ang buong atensyon nila.

I silently sighed and I look at the person standing in front of me. At agad naman akong sinalubong ng nakamamatay na titig nito sa akin. "Is it true?" Nagtitimping galit na tanong niya.

Sumandal ako sa kinauupuan ko sabay na pinagkrus ang kamay sa may dibdib ko. I raised one of my eyebrows and smirked at her. Ano naman ang problema ng babaeng ito? "Problema mo?" I asked her emotionless.

I saw her rolled her eyes on me. Napangisi muli ako. "Ikaw. Ikaw ang problema ko!" She hissed while pointing at me. Lalong napa-arko ang isang kilay ko sa ginawa niya.

"Keep your finger away from, Alexa. Or else... I'll roast it," walang ganang sambit ko sa kaharap. Ano na naman kaya ang pinuputok ng butchi ng babaeng ito? Ano na naman ang ginawa ko sa kanya para magalit na naman ito sa akin? The last time I remember, ilang linggo na kaming walang encounter ng babaeng ito. Ni hindi ko mapansin ang presensiya nito sa buong Tynera. Napairap na lamang muli ako sa kanya.

"At sa tingin ko natatakot ako? Bring it on, Anastasia. Hindi kita aatrasan!" hamon nito at hinampas pa ang mesa sa harapan ko.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at ipinilig ang ulo pakanan. Mayamaya pa'y dahan-dahan akong tumayo mula sa pagkakaupo. Segundo lang din ang hinampas ko ang mesa na siyang nagpapitlag sa mga Agent na nasa canteen ngayon. Rinig ko pang napasinghap ng iilang nanunuod sa amin ngayon.

"Shit! Papatulan na yata ngayon ni Ana iyang si Alexa."

"Paniguradong malaking gulo ito. Tumawag na kaya tayo nang puwedeng magpatigil sa dalawang iyan?"

"Si Gray! Tawagin niyo si Grayson!"

Seryoso kong tiningnan si Alexa. Galit pa rin ito at handa nang makipaglaban sa akin. I sighed as I looked at her. Alexa Merden. Isa sa mahusay na Agent dito sa Tynera. Ka-batch ko rin sa Tereshle Academy. Sabay kaming pumasok dito sa Tynera at isa ring dakilang insecure sa existence ko sa lugar na ito. "Alexa. Alexa. Alexa... Care to enlighten me your problem before I do anything bad to you?" I asked her without even blinking. Mas lalong lumakas ang bulong-bulongan sa paligid namin ngunit hindi ko na sila binigyan pansin pa.

Burst Into Flames [ Published Under Pop Fiction #CLOAK ]Where stories live. Discover now