Chapter 20: Deal

12.2K 554 11
                                    

"Are you okay?"

Mabilis akong ngumiti at tumango kay Grayson. Mayamaya lang ay humugot ako ng isang malalim na hininga at binalingan ang mga abong nasa harapan namin ngayon. Just like what I've said earlier, Grayson finished them without hesitation.

"Let's go. Sumama ka sa akin sa mansyon," yaya ko sa kanya at nagsimula nang maglakad. I need to talk to my brother. I need to talk to him because I know he's the only person that can help me in this situation.

Tahimik namang sumunod sa akin si Grayson at pagkarating namin sa mansyon ay agad akong nagtungo sa private room ng kapatid ko. Walang imik lang na sumunod sa akin si Grayson. Alam kong nakita niya ang kung anong nakita ko kanina sa tatlong lalaki. At mukhang alam nitong hindi ito ang tamang panahon para tanungin ako. He didn't say a word after I told him to finish them. Basta sinunod na lamang nito ang nais ko at tinapos ang mga buhay ng tatlong lalaking nakalaban ko kanina.

Hindi na ako nag-abala pang kumatok sa nakasarang pinto ng private room ng kapatid. Basta ko na lang binuksan ang pinto ng silid at pumasok roon.

"Kuya Anthony, we need to talk," bungad ko sa kanya.

Natigilan si Kuya Anthony sa binabasa niyang mga papel. He's working, I know. But I need him right now. Napansin ko namang napatingin ito sa bandang likod ko at marahang tumango. Mukhang napansin na nito ang presensiya ni Grayson sa mansyon namin. "What is it, Ana?" tanong nito sa akin sabay lapag ng mga binabasa niyang papel. Naglakad ako papalapit sa mesa niya at naupo sa bakanteng upuan doon.

Ganoon din ang ginawa ni Grayson at noong nasa may gilid na ito ng mesa ng kapatid, kaswal itong nagsalita at binati si Kuya. "Nice to see you again, Mr. Miller," ani ni Grayson sa kapatid ko at nakipagkamay ito. Ngumiti naman si Kuya Anthony sa kasama ko at ibinaling ang atensiyon sa akin. I raised my own eyebrow on him.

"Mr. Tyler. What brought you here?" tanong naman ni Kuya kay Grayson.

"I invited him here, Kuya." Ako ang sumagot sa tanong nito.

"Actually, dito naman talaga ako pupunta, Mr. Miller. Pero dumaan muna ako sa sentro ng bayan. And I saw her there. Fighting," saad ni Grayson na ikinaseryoso ng kapatid ko. Napairap na lamang ako at masamang binalingan si Grayson. Really? Hindi ko isinama ang isang ito para ilaglag ako sa kapatid ko!

Napailing na lamang ako at muling tumingin kay Kuya. "What happened, Ana? And what the hell you're doing there?" mariing tanong ng kapatid ko sa akin.

"Nagpapahangin lang ako, Kuya. I even saw and talked to Venus there. And after that, I noticed something. Three men kept on following me," paliwanag ko at humugot ng isang malalim na hininga. "They came from Aundros, Kuya," matamang sambit ko pa.

Segundo lang ay namataan ko ang galit sa mata ng kapatid. Hindi ako kumibo sa puwesto at hinintay na lamang sabihin nito sa akin ang lahat-lahat. I know he knows something. He's the current leader of Aundros. Alam nito kung ano ang mga nangyayari sa buong division namin!

"Nalaman niyo ba ang pakay nila sa'yo?" seryosong tanong nito sa akin. Umiling naman ako bilang sagot sa tanong niya. Napabuntonghininga ito at hinilot ang sintido.

"They didn't utter a single word even I tortured them, Mr. Miller." Si Grayson ang sumagot para sa akin. Nanatili naman akong tahimik at nakatingin lang kay Kuta Anthony. "And I killed them," dagdag pa ni Gray na siyang ikinatingin sa kanya ni Kuya.

"They're lucky because you're the one who killed them," malamig na turan ng kapatid.

I can feel his anger... his emotions now. This is not good. "Kuya," tawag pansin ko sa kapatid. Lumingon naman ito sa akin at mataman akong tiningnan. I sighed before speaking. "I saw a mark on their shoulder." Mabilis na natigilan si Kuya sa sinabi ko. Bumaling muna ako kay Grayson at marahang tumango sa kanya.

Burst Into Flames [ Published Under Pop Fiction #CLOAK ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon