Chapter 33: Trap

9.6K 457 18
                                    

Nagkakagulo na ang lahat sa mansyon ni Hades at heto ako, prenteng nakaupo lang sa loob ng pribadong silid na inilaan sa akin ng pinsan ko.

Sinubukan kong muling bumangon ngunit napangiwi na lamang ako no'ng maramdaman muli nang panghihina ng buong katawan. Napahugot na lamang ako ng isang malalim na hininga at mariing ikinuyom ang mga kamao.

"Don't force yourself." Agad akong napalingon sa nagsalita. It was Blue. Inilagay nito ang mga kamay sa bulsa ng suot na pantalon at isinandal ang likuran sa may pader malapit sa pinto ng silid. Napailing ako sa kanya at sinubukan muling kumilos. Mayamaya lang ay napamura na lamang ako sa isipan at bigong napaupo muli sa kama.

Narinig ko ang pagbuntonghininga ni Blue sa puwesto niya. Mayamaya lang ay naglakad na ito papalapit sa kinauupuan ko, and for the nth times, sinubukan kong muling tumayo ngunit kagaya ng kanina, I failed.

"Stop it, Ana. You need to rest," mariing sambit nito sa akin.

Napailing muli ako. "Nandito na ba sila?" I asked him.

I saw how he shook his head. So, they haven't arrived yet. Ilang minuto na ang nakalipas simula no'ng nagising ako. The Malverine felt my dark magic earlier kaya naman paniguradong patungo na sila dito sa mansyon ni Hades! "Rest, Ana. You badly needed that one to gain back your energy." He calmly said to me.

"Sila Grayson at Myst? Wala pa rin ba silang dalawa?" I asked him again.

"Wala pa. We've lost contact to them." Napatingin ako sa kanya noong sabihin niya iyon.

Lost? "What do you mean by that?" Nag-aalalang tanong ko habang hindi inaalis kay Blue ang paningin.

"Kaming Trio ay mayroong way of communication to each other. Since kasama ni Grayson si Myst, nakapag-communicate pa kami kanina. We even reported to them our current situation here. And now, wala na. Hindi ko na sila ma-contact." Paliwanag nito sa akin.

Wala sa sarili kong ikinuyom ang mga kamao. Siguro naman ay walang masamang nangyari sa kanilang dalawa, 'di ba? That's Grayson Tyle and Myst of the Trio! They're pretty strong Agents of Tynera kaya malakas ang pakiramdaman ko, walang masamang nangyari sa kanila pabalik sa lugar na ito!

Mayamaya lang ay sabay kaming natigilan ni Blue noong makarinig kami ng pagsabok mula sa kung saan. Sa lakas nang pagsabog na iyon ay tiyak kong malapit lang iyon dito sa mansiyon ni Hades!

"They're here," seryosong saad ni Blue at mabilis na tumalikod na sa akin.

"Wait, Blue!" I called him. Tumigil ito sa paglalakad at muling binalingan ako. "Sasama ako!" I said to him.

Mabilis naman itong umiling sa akin. "No. You'll stay here, Ana. Hanggang sa bumalik ang enerhiyang nawala sa'yo kanina. Hindi mo naman siguro gustong makuha ka nila, 'di ba?" Natigilan ako sa narinig mula sa kanya. "Manatili ka at magpahinga muna sa silid na ito, Ana. At kapag kaya mo na, then you can join us. We'll be waiting for you." He said then finally went outside the room.

I sighed. Sinubukang kong muling bumangon. Pero wala pa rin. Hindi ko pa rin kayang ikilos nang maayos ang katawan ko! Releasing my dark magic earlier drained my body. Hindi rin tatalab dito ang healing power ko! Paniguradong magiging pabigat lang ako sa kanila kung ipagpipilitan ko ang nais ko. Rest. Kahit ilang minuto lang, kailangan kong ipahinga ang katawan ko!

I closed my eyes and silently prayed. Ito lang ang kaya kong gawin para sa kanila ngayon.

Please, be safe guys. Until I fully recovered, please, be safe.

Sunod-sunod na pagsabog na ang narinig ko sa labas ng mansiyon ni Hades. Napakagat na lamang ako ng pang-ibabang labi ko at wala sa sariling napatingin sa bintana ng silid na kinaroroonan. Gusto kong tumayo at maglakad patungo roon ngunit alam kong hindi ko iyon magagawa ngayon. I want to know what's happening outside this room. I... want to help them but my body, it's too risky for me to do anything now! I sighed for the nth times.

Burst Into Flames [ Published Under Pop Fiction #CLOAK ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon