Chapter 39: Darkness

9.8K 480 6
                                    

Napatingala ako sa mataas na gate ng mansyon ni Hades. Sa wakas, nakabalik na rin ako!

I'm on my defense mode right now. I can feel different types of magics around the area. Hindi ko alam kung kanino nanggagaling mga iyon, but I know for sure, sa kabila ng gate na ito, nandoon silang lahat.

Clashing their magics and killing each other. They're not done yet. Iyong mga sira at sunog na bahay at gusali sa sentro ay simula pa lamang iyon. The real battle is here.

I stepped back then raised my right hand. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at matamang tiningnan ang malaking trangkahan. I sighed before summoning my fire attribute. Akmang sisirain ko na sana ang gate na nasa harapan ko noong biglang natigilan ako sa pagkilos.

"Anastasia? Is that... you?" It was Hades' voice!

"Yeah, it's me, Hades. Where are you? Si Kuya Anthony? Nasaan siya ngayon? Sila Grayson at Trio?" sunod-sunod na tanong ko sa kanya. Hindi sumagot si Hades sa akin at mayamaya lang ay napakunot ang noo ko no'ng marinig ang pag-ubo nito. Wait a minute. Is he hurt? Damn it. Naalarma ako. "Hades! Are you okay?"

"I'm fine. Where's Rogue? He should be with you right now! Bakit nandito ka at mag-isa ngayon?" Natigilan ako sa narinig. So, kilala nito ang lalaking iyon? Napailing na lamang ako at noong magsasalita na sana akong muli, mabilis na napaawang ang labi ko noong marinig marinig na naman ang pag-ubo nito.

Napapikit na lamang ako at muling itinuon ang paningin sa malaking trangkahan sa harapan. "You're injured, Hades," seryosong wika ko at itinaas muli ang kamay. I'm going to break this damn gate! Bahala na kung ano ang mangyayari sa akin pagkapasok ko ng masyong ito!

"No, Anastasia. Don't come near here! This was just all a set up!"

Natigilan akong muli. "W-what? A set up? What do you mean, Hades?"

"The Council already knew your ability, Anastasia. That's why..." He coughed and I know he's really in a bad shape right now!

"Hades, tell me. What the hell is happening? The Council? The Malverine? Where the hell are they?" galit na tanong ko sa pinsan ko! Ano na naman ba ito? Anong set up itong tinutukoy ni Hades? A set up made by the Malverine? O... gawa mismo ng Council?

"For now, leave this place, Anastasia."

Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi ko. Leave? Again? "No way, Hades! Hindi ko gagawin iyon! I need to face them now. I need to finish this war para naman manahimik na rin tayong lahat! It's been fifteen years, Hades. We need to end this now!"

"You'll die, Anastasia! So, please, just leave!"

I was stunned by his words. I'll die?

Napaatras ako dahil doon. Not that I'm afraid of dying but the thought of it suddenly makes me weak. "I... I will not die," seryosong saad ko sa pinsan. "Not before I save this world. You hear me, Hades? Hindi ako mamamatay," mahinang usal ko at humugot ng isang malalim na hininga.

Mayamaya lang ay wala sa sarili akong napahawak sa pisngi ko. Tears. Mapait akong napangiti.

No. Hindi ko dapat ginagawa ito. Crying... it's only for the weak. Hindi dapat ako umiiyak ngayon!

I took a step back again. Akmang aatras na sana akong muli ako noong bigla akong natigilan sa puwesto ko. Wala sa sarili kong ikinurap ang mga mata at noong unti-unting nagbago ang paligid na kinaroroonan ko, mabilis akong naging alerto.

Nagpalinga-linga ako noong tuluyan nang nawala ang malaking trangkahan ng mansyon ni Hades sa harapan ko. "What the hell?" mahinang bulalas ko sa sarili. Kung kanina ay nasa harapan ako nang mansyon ni Hades, ngayon ay nasa isang madilim na lugar ako. It's another dimension. Just like my dream before! "Why am I here again? I'm not sleeping, so, this is not a dream!"

I immediately closed my eyes and activated all my senses. Relax and focus, Anastasia. Kailangan kong makaalis sa lugar na ito!

Mayamaya lang ay napamulat ako ng mga mata ko no'ng makaramdam ako ng presensya sa likuran ko. There. I saw a woman standing. Hindi ko maaninag nang mamayos ang mukha niya pero natitiyak kong babae ito. Sa hubog pa lamang ng katawan niya, that person is definitely a woman! But... I find it strange, though. This place is pure black. Bakit ko siya nakikita?

"Anastasia."

Natigilan ako noong sambitin nito ang pangalan ko. "Who are you?" I curiously asked her. What the hell is this woman? Miyembro ba ito ng Malverine? Mayamaya lang ay naglakad na ito palapit sa akin. I stay still and didn't even bother to move. I have this feeling that I have to see her face!

Segundo lang din ang lumipas ay tuluyan na itong nakalapit sa akin. and when I saw it. I froze. Ilang beses akong kumurap at pilit na inaayos ang paningin. Mayamaya lang ay kusang umawang ang mga labi ko at gulat na nakatitig sa kanya.

She smiled at me. "I am you, Anastasia."

"P-paanong nangyari iyon? Paanong..." Hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko. Hindi ko rin masabi ang dapat ay itatanong ko sa kanya! What the hell?

She smiled again. "How come that I look exactly like you?" Siya na ang nagsabi ng dapat ay tanong ko sa kanya. "Simple. It's because I am you, Anastasia. I am your dark power. I am the darkness inside of you."

Napakurap akong muli at hindi pa rin makapaniwala sa mga nakikita ko ngayon. "That's impossible," halos walang tinig na saad ko sa kanya. "A-anong ibig mong sabihin? At anong darkness inside me? Hindi ako masama! Yes, I do have this freaking dark magic but... there's darkness inside me? Oh, come on, don't make me laugh! I'm not the evil!"

"You can't hide me forever, Anastasia. The time is already coming. I'm coming out soon and you can't do anything to stop that."

Napaatras ako dahil sa sinabi niya. This can't be real! "Kaya ba gusto akong makuha ng Malverine? Because of your existence within me?" Gusto kong sampalin ang sarili ko para magising ngunit hindi ko iyon magawa! I... I want to hear her answer! Maaari ito na ang kasagutang matagal ko nang hinahanap!

"Of course! Ano pa nga ba?" She said to me and chuckled. "They want me because of they'll destroy this world!"

Mariin kong ikinuyom ang mga kamao. "Stop talking nonsense!" sigaw ko sa kanya. "Hindi mangyayari iyon! Hindi nila magagamit ang kapangyarihan ko sa kasamaan nila!"

"You can't do anything on that, Anastasia. You were destined to be the tool of destruction. We were born to be the tool of hell. Fire and darkness. That's what we are." She coldly uttered those words, and a flash of emotion was drawn on her face.

Natigilan ako at napatitig sa kanya. This woman... She doesn't want this too. It's against her will!

Napahugot na lamang ako ng isang malalim na hininga at matamang tiningnan ito. "If we were destined to be that way." I said then look at her intently. "Then I'll make sure that we will not end and used like that. I'll fight... I'll fight and will destroy our fate."

Dumilim ang tingin nito sa akin. "You can't, Anastasia. We can't." She said then held my face. Natigilan ako. "You're now being eaten by our own darkness. You're too late to fight and defeat it."

I bit my lower lip. Mariin akong umiling sa kanya. "No!" I shouted at her. "I'm not going to be the tool of destruction. Never!" matigas kong bigkas sabay iling muli sa harapan niya.

"Too late, Anastasia. Too late." Pagkasabi niya noon ay biglang umikot ang lugar na kinaroroonan namin dalawa. Agad akong napapikit at napaluhod na lamang dahil sa pagkahilo. Damn this!

It took a minute before the whole place stopped spinning. I slowly opened my eyes, and it froze me upon seeing what's in front of me.

"Kuya Anthony?" mahinang usal ko sa sarili. Napatingin naman ako sa lalaking nasa tabi niya. Wala ring malay ito kagaya ng kapatid. "Grayson?" wala sa sariling sambit ko sa pangalan nito.

Napakurap-kurap ako ng ilang beses dahil baka nililinlang lang ako ng mga mata ko pero walang nagbago! Ganoon pa rin ang kalagayan ng dalawa. Walang malay at hindi ko tiyak kong may buhay pa!

I scanned the whole place. Maingat akong tumayo at noong muling umikot ang paligid, napahawak na ako sa ulo ko.

I have a bad feeling right now! Kung hindi ako makakalabas sa lugar na ito, baka mangyari nga iyong mga nakita ko!

Burst Into Flames [ Published Under Pop Fiction #CLOAK ]Where stories live. Discover now