Chapter 41: Take Over

9.7K 482 3
                                    

Seryoso kong pinagmamasdan ang mga miyembro ng Malverine habang pilit na pinapatay ang apoy na pinakawalan ko. Ang iba pa ngang halos hindi na makagalaw dahil sa tindi nang lakas nito at kalaunan ay nawawalan na rin ng buhay.

"How dare you use me as a tool of your obsession. And now, you want to use my dark magic just to end this world, huh? Dream on. Hindi kayo magtatagumpay sa nais niyong mangyari!"

I can feel the overflowing power within my body. Hindi ko lubos maunawaan kung ano ba talaga ang nangyari sa akin. Ang huling natatandaan ko lamang ay nasa mansyon ako ni Hades at tinatanaw ang pagsasagutan ng kapatid ko at ni Demetre. After that, someone attacked me using its dark magic. The enemy took me and did something terrible with my body. I felt it. Alam kong may nag-iba sa katawan ko. Ramdam ko rin kanina ang paghihina ko. Walang lakas na kahit paggalaw ay hindi ko magawa. Pero noong nagsimula na akong gamitin ang fire attribute ko, doon nagkaroon ng lakas ang katawan ko. I summoned everything I have. And now, here I am. Ending every life of the members of Malverine in front of me.

They're burning... My fire is killing them!

"Let me show how powerful my fire is," seryosong wika ko sabay taas ng dalawang kamay. Segundo lang ay ramdam na ramdam ko ang lagablab ng apoy sa magkabilang kamay ko.

Namataan ko naman ang takot sa mata ng mga taong nasa harapan ko. I carefully scanned the whole place. This might be their secret place here in Dark World. The Malverine's hideout! Napangisi na lamang ako at noong may napansin akong kakaibang enerhiya 'di kalayuan sa puwesto ko, natuon ko roon atensyon ko. It was a man. Kumpara sa mga kasama niya, tila wala lang sa kanya ang init mula sa fire attribute ko. Nakatayo lang ito at matamang nakatingin sa akin.

He looks dangerous than the others. The way he looked at me feels like he's killing me inside his damn head!

Napaarko ang isang kilay ko at matamang tiningnan din ito. I fight against his deadly stare. Is he the one? The leader of the Malverine?

I didn't take my eyes away from him, but in just a single blink, the man that I am watching suddenly disappear! I immediately alerted myself to what might happened, and just like what I've expected, the guy attacked me!

Umatras ako ng isang beses at inihanda ang pagdepensa sa atake niya. Agad kong isinangga ang kanang braso ko sa espadang gawa sa itim na kapangyarihan ng lalaking kaharapan ko ngayon. Kita ko naman ang gulat na ekspresiyon nito sa mukha niya.

I smirked. My hands are now burning with my own fire attribute and dark magic. The combination of two flames!

Seconds passed; I heard him cursed and stepped back. "Jax." I uttered his name. "You're his son," dagdag ko pa noong maalala kung sino ang lalaking ito. This magic... naramdaman ko na ito noon. Noong araw na nagtungo rito ang mga magulang ko at nakipaglaban sa Malverine. It was him. The young man who tried but failed to hurt me. Jax... Mundro, the leader of Malverine's son!

"And you're their daughter." He coldly said. "Dapat noon pa lang ay pinatay na kita, Miller!"

I smirked again at him. "Puwede mo pa namang gawin ngayon ang dapat ay ginawa mo noon sa akin, Jax." I said then smiled wickedly. "Iyon ay kung mapapatay mo ako."

Lalong gumuhit ang galit sa mukha ni Jax. Inatake niya akong muli ngunit walang kahirap-hirap ko itong iniwasan. Nilamon na siya ng galit niya kaya naman ay mabilis ko lang nababasa ang susunod na gagawin nitong atake! Napailing na lamang ako at mabilis na kumilos.

I simultaneously move my hands and my fire and dark magic run towards him. He tries to escape from my attacks, but he was too slow to even dodge them! Natamaan ko siya at mabilis na tumilapon palayo sa akin.

Burst Into Flames [ Published Under Pop Fiction #CLOAK ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon