ENCHANT 1

14.8K 314 7
                                    

This story is full of grammatical error so bare with it.

***

Irah's POV

"Irah bumangon ka na. First day of school mo ngayon tapos malelate ka? Harususko ikaw na bata ka!" Malakas na sigaw ni Yaya sa labas ng kwarto ko sabay katok.

"Opo gising na po!" Inaantok na sigaw ko rin sa kanya.

Tamad na bumangon ako at agad kong nasilayan ang sarili sa salamin na nakalagay sa study table ko. Gulo-gulo ang mahaba kong buhok at kitang-kita ko din ang namuong muta at panis na laway sa mukha ko. Pero ganon pa man, nginitian ko ang reflection ko sa salamin. "Ang ganda mo." Dinuro ko pa ang sarili at tumawa na parang nababaliw.

Self confidence ang tawag diyan, haha!

"Irah! Late ka na!" Agad akong tumayo sa kama nang marinig muli ang sigaw ni Yaya Kriselda. Baka mamaya ay umakyat siyang muli dito tapos siya na magpaligo sakin.

Nang matapos akong maligo at magbihis ay dali-dali akong bumaba sa hagdanan papunta sa kusina. Muntik pa akong mahulog dahil habang inaayos ko ang salamin ko ay sinusuklay ko ang nagbuhol-buhol kong buhok.

"Nasaan po si kuya?" Tanong ko sa mga naabutan kong tagapagsilbi sa aming bahay.

"Ah! Kanina pa po siya nakaalis. Medyo malayo po kasi ang eskwelahan niya kaya naman umalis na po siya ng maaga." Sabi ng isa sa kanila habang nakayuko.

Masyado naman silang magalang, mukha ba akong isang prinsesa sa isang palasyo? Charot!

Napasimangot naman ako.

Hindi manlang siya nagpaalam saakin.

Nakakapagtampo talaga.

Bakit kasi kailangan pang nasa malayo ang school niya? Bakit kailangang magkaiba kami ng school. Haaay! Andaya!

Nang matapos na akong kumain ng isang kapirasong tinapay ay agad na din akong umalis hatid ng aming kotse.

Habang nasa byahe ay nakadungaw lang ako sa bintana habang sumasabay sa indayog ng tugtog mula sa radyo ng kotse. Hindi ko masyadong maintindihan yung lyrics dahil mas malakas pa yung instruments pero masarap pa din namang pakinggan. Sa sobrang pagkafeel ko pa sa music ay maghehead bang pa sana ako nang biglang pumreno si kuyang driver kaya naman nauntog ako sa upuan sa unahan ko.

Napahawak ako sa noo ko habang hinahanap ang nalaglag kong salamin.

Ang sakit! Bakit naman sa dami ng tatamaan ng noo ko ay yung matigas na parte pa ng upuan? Huhu.

"Okay lang po ba kayo, ma'am?" Lumingon sa akin ang driver at inabot sa akin ang salamin ko na tumalsik pala sa may pagitan ng driver's seat at passenger  seat.

Tumango naman ako. "Ano po bang nangyari kuya?" Tanong ko habang hinihimas-himas ang noo ko. Mukha tuloy akong nagkaamnesia sa tanong ko, haha!

Enchanted Academy (Completed)Where stories live. Discover now