ENCHANT 15

5.5K 151 2
                                    

Irah's POV

"First you need to focus. Kung gusto niyong makontrol ang kapangyarihan niyo pag-aralan niyo kung paano gamitin ito." Sabi ni Sir Clay.

Paano ba gamitin to? Ang hirap naman ata eh!

"Reinne!" Tawag niya sa katabi ko.

"Sir?" Sagot naman ni Reinne.

"Gusto kong papasukin mo ang isang sanga ng puno mula sa labas." Sabi ni Sir at sinenyas ang pintuan.

"Madali lang pala eh!" Bulong ni Reinne na tatayo na sana kaso---

"Nang hindi binubuksan ang pinto." Dagdag ni Sir dahilan para mapatigil si Reinne.

"Huh? Paano naman yun?"

"Grabe ang hirap non."

"Seryoso kaya si Sir?" Mga bulong-bulongan ng mga kaklase namin.

Tama sila. Parang imposible naman yun. Sana magawa ni Reinne.

Nagtama ang tingin namin ni Reinne. Nginitian ko siya at ganon din ang ginawa niya.

Tumayo na siya at pumwesto na sa may gitna , sa tapat ng nakasarang pintuan.

Nakipagtitigan siya dito na wari mo'y mananalo siya sa pagtitig..

Sobrang tahimik naming lahat at hinihintay na mabuksan ang pintuan gamit ang mga halaman.

Maya-maya lamang ay nakarinig kami ng kalabog sa pinto. Yun na ata ang mga halaman na pinapagalaw  ni Reinne.

Nakatingin lang ako sa kanya.

Napansin ko ang pagbabago ng kulay ng mata niya. Mula sa kulay pink ay naging kulay green.

Mukhang nagpofocus talaga siya.

Maya-maya pa'y pumunta si Sir Clay sa may pintuan at binuksan ito.

Bumungad sa kanya ang isang sanga ng puno.

"Maaari kanang bumalik Reinne." Sabi ni Sir at ngumiti.

Halata namang nadismaya si Reinne dahil hindi niya nabuksan at naipasok ang sanga.

Napakalayo din ng sanga sa door knob kaya napakaimposible talagang mabuksan niya ito.

Bumalik na din sa dati ang kanyang mga mata.

"Okay lang yan." Sabi ko na nakapagpangiti sa kanya.

"Isa yan sa dahilan kung bakit kailangan ng focus. To control our charms. Next is Kiel." Sabi ni Sir at tumingin doon sa lalaking singkit na kapag ngumingiti.

Ang cute naman niya.

"Sir ano naman po ang gagawin ko?" Tanong nito bago hawiin ang buhok.

Ang presko ng dating niya, mukhang may kahanginang taglay.

"Gusto kong patayin mo ang mga apoy na nadito sa loob." Sabi ni Sir na.

"Easy as chicks." Mayabang na sabi ni Kiel at inayos pa ang suot na leather jacket gamit ang dalawang balikat.

Handa na sana niyang patayin ang apoy nang magsalita ulit si Sir.

"Without hand gestures." Sabi ni Sir na nakapagpabagsak sa mga balikat

Napatigil si Kiel. Gusto kong matawa sa itsura niya.

"Pero Sir paano ko naman po yun gagawin?" Nakapout na sabi niya. Haha. Ang cute niya.

"Focus." Tanging sagot ni Sir at naghalukipkip.

Nagpout muna si Kiel bago nagsimulang magfocus. Ang sky blue niyang mata ay naging dark.

Naramdaman ko ang paghangin ng aking buhok at ang lamig ng simoy nito.

Halata mo sa kanya ang panginginig dahil gumagalaw ang daliri niya.

At sa isang iglap lang, biglang namatay lahat ng apoy. Wow! Nagawa niya.

Naglabas ng apoy sa daliri si sir upang magsilbing liwanag sa loob ng silid.

"Nice try Kiel." Sabi ni sir.

Huh? Nice try? Nagawa kaya niya, sir!

"Sir sabi naman sa inyo eh. Magagawa ko. Natural na talaga sa akin ang magaling." Mayabang na tugon ni Kiel at nagpogi sign pa kahit na wala namang nagsabi na gwapo siya.

"Yes. You are. Magaling ka talagang mandaya. Sabi ko no hand gestures but you do a finger style. Sa tingin mo ba ay makakalusot sa akin ang kalokohan mo?" Sabi ni sir.

Ah! Kaya pala gumagalaw ang daliri niya kanina. Hindi dahil sa nanginginig siya. Dahil nandadaya siya. Aba! Matalino si liit ah!

Napakamot naman si Kiel sa ulo niya.

"This time gusto ko namang makitang buhayin ng isa niyong kaklase ang apoy." Sabi ni Sir. "Gusto kong makita kung ano gagawin ng isang Ross." Dagdag niya pa.

Napatingin naman sa akin ang mga kaklase ko.

Oh? Ano nanamang problema nila?

"Irah!"

"S-Sir?"

"Gusto kong ikaw ang maglagay ng apoy sa kahoy."

TO BE CONTINUED

Enchanted Academy (Completed)Where stories live. Discover now