ENCHANT 31

5.1K 115 3
                                    

Pakaladkad akong hinila ng mga nakahood sa isang mala-kastilyo na gusali. Papalubog na ang araw kaya naman medyo madilim na ang paligid.

Naliliyo ako at pawisan na dahil medyo maraming dugo ang nawala sa aking braso. Mabuti na lamang at nilagyan ng tela ng isa sa mga nakahood ang sugat ko upang tumigil ang pagdurugo nito.

Napansin ko ang pagtigil ng ilang mga nakahood na nadatnan namin. Ang mga ito ay lumingon sa aming gawi, walang taklob ang kanilang mga mukha ngunit di ko sila maaninaw dahil malabo ang paningin ko dahil sa hilo at dahil na din nagmoist na ang aking salamin.





Ipinasok nila ako sa isang kulungan.

Humawak ako sa kanila at humawak sa rehas.  "Ano bang kailangan niyo sa akin?" Buong lakas kong sigaw.

"Hintayin mo nalang si Boss. Tsk." Sabi nung isa at umalis na.



Napaupo nalang ako sa isang sulok. Napansin kong hindi lang pala ako ang nasa loob ng kulungan.

May batang babae at lalaki sa gilid. At may isa ding babaeng nakatingin lang sa akin. Maganda siya pero halatang may edad na. Sobrang payat niya at halatang matagal na dito.

Unti-unti siyang lumapit sa akin. "Life Charmer." Bulong niya at ngumiti bago humawak sa aking pisngi. Napansin kong naluluha siya.

Gustuhin ko mang lumayo dahil hindi ko naman siya kilala pero napagdesisyunan kong huwag na lang dahil masasayang ang natitira kong lakas. Nakaramdam ako ng kaunting kaginhawaan.


Hindi ko maintindihan kung bakit siya umiiyak pero pinabayaan ko na lang na hawakan niya ang aking mga kamay.

"Hindi ka dapat sumama sa kanila. Gagamitin ka lang nila at pagkatapos ikukulong din dito." Nag-aalalang sabi niya.


"Wala po akong magagawa. Marami pong nasasaktan dahil sa pagprotekta sa akin at ayun po ang ayokong mangyari." Hindi ko alam kung bakit ako nakikipag-usap sa kanyang ganito pero ang gaan ng loob ko sa kanya.

Ngumiti siya at napatingin sa leeg ko. Nakatitig lang siya dito at napaluha. "Zack." Bulong niya na ikinalaki ng mata ko. Kilala niya si Zack.

Hindi ko alam kung bakit niya kilala si Zack pero isa lang ang pumasok sa isip ko.

"Kayo po ba ang mama niya?" Tumango siya at niyakap ako. Buhay pa siya. Buhay pa ang mama ni Zack.

Kumalas siya sa yakap. "So ikaw pala ang nagpapasaya sa anak ko." Sabi niya at nginitian ako.


"Po?" Sabi ko. Hindi ko siya maintindihan. "Ang kwintas na ito ay galing sa inyo hindi ba? Ipinapasa po ba ito sa mga nagiging Life Charmer?" Tanong ko.



Napakunot naman ang noo niya.

"Sabi po kasi ni Zack ay pinapabigay niyo daw po ito sa kasalukuyang Life Charmer." Dagdag ko pa habang hawak ang kwintas.

"Ang bata talagang iyon mana talaga sa ama niya. Pareho silang torpe." Nakangiting sabi niya.

Hindi ko maintindihan.

Nagulat kami pareho nang may itulak na babae ang isang nakahood papasok sa kulungan.

"Ate!" Sabay na tawag ng dalawang bata sa babaeng kapapasok lang.

Inayos ko ng bahagya ang aking salamin at siniguradong tama ang aking nakikita.

"Yhenna?" Tawag ko sa babaeng tinawag ng dalawang batang ate ng mamukhaan ko ito.


Lumingon siya sa akin ng may pag-aalangan at tumungo. "Sorry Irah." Mahinang sabi niya.


"Ito ba ang dahilan?" Tanong ko sa kanya.


Tumango naman siya. "Papatayin nila ang buong pamilya ko kapag tinraydor ko sila. Im sorry Irah." Umiiyak na sabi niya.


Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. "Magiging maayos din ang lahat." Sabi ko upang gumaan ang loob niya.

Kumalas kami sa yakap. "Mga kapatid mo ba sila?" Tanong ko.

Tumango siya at pinunasan ang mga luha niya. "Sila Thunder at Storm." Sabi niya.

Wow! Ang ganda ng name nila.

"Nandito ka na pala?" Napalingon kami sa nagsalita. Nanlaki ang mga mata ko.

Anong ginagawa niya dito? Hindi kaya--


"Ikaw?" Tanong ko.

"Oo ako nga. Ako nga ang pinuno ng blackhood. At ako din ang magiging pinuno ng buong mundo." Baliw na sabi niya.

"Pero bakit?" Naguguluhang tanong ko. Hindi ko maintindihan. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.


"Matagal na kitang gustong makuha. Unang tungtong mo palang sa Enchanted Academy. And now you're already here." Pumapalakpak pa siya habang sinasabi iyon.


"Baliw ka na!" Sigaw ko sa kanya.


"Tsk. Whatever. Pareho kayo ng nanay mo. Inggetera! Mang-aagaw!  Kaya pati si Jay ay kinuha niya sa akin." Galit na sabi niya.

"Hindi totoo yan! Mahal ng Daddy ko si Mommy." Sabi ko. Nawawalan na ako ng galang sa kanya. Hindi ko alam kung tama pa bang galangin ang isang tulad niyang traydor. Siya ang kahuli-hulihang maiisip kong tatraydor sa Enchanted.


"Yeah! Yeah! Oi Clark. Dalhin mo ito sa isang silid. Yung may matutulugan siya. Para naman may lakas siya para bukas ng hatinggabi." Sabi niya.


Kinuha ako ng isang lalaki.

Narinig ko pa ang pagtawag ng Mommy ni Zack at ni Yhenna sa pangalan ko.


Ipinasok niya ako sa isang kwarto. Sinarhan niya agad ito.


"Palabasin niyo ako dito! Ibalik niyo nalang ako sa kulungan! Doon nalang ako!" Sigaw ko habang kumakatok sa pinto.

Napaupo ako at niyakap ko nalang ang tuhod ko.

Bakit? Bakit niya ito ginagawa? Akala ko mabait siya. Bakit sa lahat siya pa? Bakit si Maam Antonnette pa?


*END OF ENCHANT 31*

Enchanted Academy (Completed)Where stories live. Discover now