ENCHANT 25

4.6K 133 3
                                    

A/N: Feel free to vote and comment. Enjoy reading! 

-----

"Class Dismiss." Agad na  nagtayuan ang mga kaklase ko nang sabihin yon ni Maam.

Kinuha ko ang bag ko pero nagulat ako nang may humanggit nito at tinapon kung saan.

Tumingin sa akin si Miranda at naghalukipkip.

Tinaasan niya muna ako ng kilay bago magsalita. "Anong ginawa mong pag-eensayo?" Tanong niya. "Or should I say, anong pandaraya ang ginawa mo?" Dagdag nito.

"Huh?" Tanging nasabi ko dahil hindi ko masyadong naintindihan ang sinabi niya.

"Alam mo marunong naman akong tumangap ng pagkatalo. Hindi ko lang matangap na natalo ako ng isang tulad mong nangaling sa section Seofon." Ay bakit parang kasalanan ko?

Tinignan ko  lang siya dahil hindi pa nagsisink-in sa utak ko ang mga sinabi niya.

Itong si Miranda, palagi na lang naghahanap ng gulo. Bored ba to sa buhay?

"Gusto ko ng re-match." Sabi niya pa ng muli.

Sasagot palang sana ako nang may humarang sa pagitan namin.

"Tigilan niyo na siya Miranda. Tanggapin mo nalang na natalo ka." Sabi ni Yhenna na siyang humarang sa pagitan namin.

"Wag mo akong itulad sayo Yhenna na isang talunan!" Sabi ni Miranda na naiinis na sa sinabi ni Yhenna.

Lumapit si Yhenna kay Miranda. "Hindi. Ako. Talunan." May diin ang mga salita ni Yhenna bago niya walk outan kami.

Halatang natigilan si Miranda kaya sinamantala ko na ang pagkakataon. Kinuha ko na ang aking bag na nasa sahig at tumakbo na palabas.

Hinanap ko agad si Yhenna dahil gusto ko sana siyang pasalamatan dahil ipinagtanggol niya ako kay Miranda.

Nung makita ko siya ay agad ko siyang sinundan. Napansin kong papunta siya sa likod ng building ng dorm.... ng mga lalaki?

Anong gagawin niya doon?

Pinagpatuloy ko ang pagsunod sa kanya.

Pagliko ko ay nagulat ako dahil hindi siya ang naabutan ko. Isang nakahood ang nandoon. At nakangisi siya.

Kinabahan ako dahil ngayon ko lang nakita ang mukha ng isang nakahood.

Lumalapit siya sa akin kaya umaatras ako.

"A-anong kailangan m-mo?" Kinakabahang tanong ko.

"Ikaw ang kailangan ko." Sabi nito, patuloy na humahakbang papalapit sa akin.

"Bakit niyo ba ako gustong makuha? Ano bang kasalanan ko sa inyo?" Tanong ko na naiiyak na.

Ngumiti siya at aatakihin na sana ako nang may biglang sumalo sa parang panturok na dapat ay sa akin tatama.

"Kiel!" Tawag ko sa pangalan ng taong sumangga sa pag-atake ng nakahood.

"Umalis ka na!" Sigaw ni Kiel at nakagawa pa siya ng ipo-ipo na nadala ang nakahood dahil muntik na akong atakihin nito.  Biglang bumagsak si Kiel.

Nanginginig na nilapitan ko si Kiel. Nagpoproseso pa ang utak ko sa mabilis na pangyayari.

Nilagay ko siya sa braso ko. "Kiel, bakit mo yun ginawa?" Tanong ko, naggagaralgal ang boses dahil sa takot, kaba, at kung anu-ano pang emosyon.

Kitang kita ko ang agad na pagbabago ng kulay niya, naging maputla agad ang buong mukha niya at nangitim ang paligid ng kanyang mga mata at mga labi.

Nginitian niya ako.  "Mas kailangan ka nila Sofia. Mas marami kang magagawa. Hindi ko alam kung anong dahilan kung k-kung bakit ka ni-nila gustong mak-makuha. Pero alam ko-kong kai--ha kailangan kang mapro-maprotektahan." Nahihirapang sabi niya.

Nagsimula ng tumulo ang luha ko.

Hindi to pwede.

Umiling-iling ako. "Hindi mo dapat yun ginawa. Paano na si Aika? Papatunayan mo pa sakanya na seryoso ka sa sinabi mo. Diba?" Sabi ko at pinipigilang humikbi.

Ngumiti siya at saka pumikit.

Hindi!

"Kiel... Hindi! Wag please." Sabi ko at niyakap siya.

Naalala ko yung mga panaginip ko.

Ito ba yung ibig sabihin ng mga yun? Bakit ngayon ko lang nalaman? Edi sana hindi ganito yung nangyari. Edi sana sumama na ako sa mga nakahood na iyon?

*    *    *

"I think para talaga kay Irah ang panturok na iyon. Pampatulog yun para sa mga fire charmer at lason naman para sa ibang charmer thats why Kiel died. Mukhang pinaghandaan talaga nila ang pagkuha kay Irah ngayon dahil nakagawa sila ng ganitong panturok sakaling may humadlang sa kanilang plano." Kahit na wala ako sa sarili ko ay naririnig ko pa rin ang pinagsasasabi ni Nurse Marie kay Clay.

Pagkatapos nung nangyari kanina ay dumating sila kuya kung nasaan kami ni Kiel dahil daw doon nanggaling ang malakas na ipo-ipo.

Sabi ng kaguruan ay pang section Ein daw ang kapangyarihan ni Kiel. Hindi niya manlang naranasang maging section Ein.

Napaluha nanaman ako dahil sa nangyari, sinisisi ang aking sarili.

Sobrang bigat ng pakiramdam ko.

Namatay siya ng dahil sa akin. At hindi ko mapapatawad ang sarili ko pati ang mga nakahood na iyon.

*END OF ENCHANT 25*

Enchanted Academy (Completed)Where stories live. Discover now