ENCHANT 8

6.8K 191 6
                                    

Irah's POV

Nagulat ako nang may biglang humigit sa braso ko. Ugh~ sino ba to?

Nagulat ako nang mapagtanto na si Yhenna pala yun.

"Magkasama nanaman kayo? Ano bang pinag-uusapan niyo?" Nakakunot noo niyang tanong.

"Ha?" Tanging nasagot ko lang. Hindi ko kasi siya maintindihan.

"Bakit ba palagi kayong magkasama ni Saimon? Ano bang meron sa inyo?" So nakita niya pala kami.

Kakatapos lang kasi namin mag-usap ni Saifer eh.

Tinignan ko lang siya. Sabi kasi ni Saifer wag ko munang ipagsabi na magkapatid kami. Saka na daw! Hindi ko din alam kung bakit.

Binitiwan na niya ako, kasabay nun ay ang pagbuntong hininga niya.

"Haaay! Sorry kung pinapakialaman ko kayo. Sobrang nacurious lang talaga ako. Kahit yung ibang estudyante napapansin kayo. Paano kung sugudin ka nila? Hindi man natin aminin pero Hearthrob si Saimon. Madami siyang taga hanga. Mapapahamak ka pag nag kataon. Alam mo namang wala kang magiging laban kung sakali dahil wala ka namang kapangyarihan." Mahabang paliwanag niya.

Haay! Tama siya.

Hindi naman ako makaangal pero kasi, kapatid ko si Saimon!

Saimon's POV


Lumakad na paalis si Irah.  Pinagmasdan ko siyang umalis. Haay! Sorry little sis kelangan ko munang itago ito sayo. Mas makakabuti to kaysa sa may makaalam na may kapangyarihan ka.

Oo meron siyang kapangyarihan. Anong kala niyo wala? E siya yung bida tapos wala?

Gusto niyong malaman kung bakit kelangan itago? Ayoko ngang sabihin baka ipagkalat niyo. Joke lang!

Ganito kasi yan. Dinala siya dito para maprotektahan. Pero yun ang akala namin. Sabi ng tauhan ni Daddy ay hindi daw titigil ang kalaban hanggat hindi kami natutunton na magkapatid. Ayos na yung alam nilang ako lang ang may kapangyarihan wag lang ang kapatid ko.

Kapag nalaman ng buong Enchnted Academy ang tungkol sa kanya pwede siyang mapahamak. Alam kong may nagsspy dito. Pero alam ko ding mapapahamak siya kapag nalaman ng iba na wala siyang kapangyarihan. Haay! Ang gulo diba?

Gusto nilang makuha ang kapatid ko. Hindi ko alam kung bakit pero ang alam ko ay gusto nila siyang gamitin. Hindi ko din alam kung para saan.

Hindi ko din alam kung bakit siya? Bakit hindi ako? Hindi sa naiingit ako. Pero masyadong inosente ang kapatid ko. Lumaki siyang normal. Buong buhay niya inakala niyang mortal siya. Haayst!

Sana mapatawad niya ako.

Pinagmamasdan ko si Irah habang naglalakad pabalik sa dorm niya pero may humigit bigla sa kanya. Nilapitan ko ang lugar kung saan siya hinigit.

"--magkasama ni Saimon? Ano bang meron sa inyo?" Boses ng babae. Napakunot ang noo ko. Kilala ko yung boses na yun ah?

"Haaay! Sorry kung pinapakialaman ko kayo. Sobrang nacurious lang talag ako. Kahit yung ibang estudyante napapansin kayo. Paano kung sugudin ka nila? Hindi man natin aminin pero Hearthrob si Saimon. Madami siyang taga hanga. Mapapahamak ka pag nag kataon. Alam mo namang wala kang magiging laban kung sakali dahil wala ka namang kapangyarihan." Mahabang sabi nung kausap ni Irah.

May nakakaalam na mortal siya?

Pero hindi naman siya mortal.

Sinilip ko sila. At nakitang naglakad na paalis si Irah habang ang babaeng kausap niya kanina ay nakatalikod.

Bumuntong hininga siya. Humarap siya sa akin at nagulat siya. At dahil sa sobrang gulat ay napahawak siya sa dibdib niya. Hindi nga ako nagkamali. Si Yhenna nga ito.

"You startled me. Anong ginagawa mo jan? Kanina ka pa jan?" Gulat na gulat na lintaya niya.

Umiling ako ng nakangiti. Huminga siya ng malalim.

"Nagseselos ka ba kay Irah?" Tanong ko na ikinagulat niya.

"What the? Bakit naman ako magseselos? Eh ano ba kita?" Mataray na sabi niya na ikinatawa ko.

"Wala naman akong sinabi na saakin ah? Napaghahalataan ka tuloy." sabi kong naka smirk pa, nang-aasar. 

"Ang yabang mo talaga kahit kelan." Sabi niya sabay inerapan ako.

Sumeryoso ang mukha ko.

"Wag mong ipagkakalat ang mga alam mo tungkol sakanya. Nakikiusap ako. Alam kong galit ka sakin pero sana wag mo siyang idamay sa galit mo saakin. Please? Wag mong gawin to dahil saakin. Gawin mo to dahil kaibigan mo siya." Sabi ko habang nakatingin ng diretso sa mga mata niya.

Tinaasan niya ako ng kilay. "B-bakit ko naman yun gagawin para sayo? Hindi ko yun ipagkakalat not because of you." Sabi niya sabay inerapan ako. Sabay walk out.

Napangiti nalang ako.

I miss her. I really do.  Sana mabalik namin yung dati. Oh? Gusto niyo ding malaman? Grabe. Ang tsismosa niyo naman.

Ganito kasi yan. She is my first love. My first girlfriend. But I need to break her up because I dont want her to drag in this mess. I dont want her to be in danger because of me. Thats why I break her heart. Haaay!

Kasi naman yang mga bwiset na naghahanap saamin. Kelangan ko pang saktan ang babaeng mahal ko para lang wag siyang mapahamak.

Kung wala yang mga yan edi sana nabubuhay ng normal ang kapatid ko. Bakit kasi andaming kontrabida sa buhay naming pamilya.

Sa normal na buhay ng kapatid ko. Sa lovelife ko. Sa buhay ni Daddy at Mommy. Psh.

*END OF ENCHANT 8*

Enchanted Academy (Completed)Where stories live. Discover now