ENCHANT 29

4.7K 133 11
                                    

"Saan ba kasi tayo pupunta? Tsk. Nangangati na ako eh!" Sabi ni Miranda habang nagkakamot.

Naglalakad kasi kami sa gitna ng kagubatan. Hindi ko na din alam kung saan ba kami pupunta.

Ang mga kasama ko ay si Clay, Zack, Yhenna, Jacob, Isaac, Miranda, At Grey.

Nauntog ako sa matigas na likod ni Zack nang tumigil siya.

Ouch! Ang ilong ko.

Napalingon sa akin si Zack. "Sorry." Sabi ko habang nakahawak sa ilong ko.

Napamake face naman ako nang wala man lang siyang naging sagot.

"Okay! Charmers. Siguro ay nagtataka kayo kung bakit tayo nandito sa gitna ng gubat. As all we know nanganganib ang buhay ng isang charmer at alam naman nating lahat na kaya tayo nandito ay para protektahan siya. Para sa kaalaman niyo, hindi lang siya ang pinoprotektahan natin. Kundi buong Enchanted Academy ang iniingatan natin. Well sinabi ko lang yun para malaman niyo. Kaya tayo nandito ay patra mag-ensayo. Para kung sakaling may dumating na hindi inaasahan ay handa tayo. Okay! Magsimula na tayo." Mahabang sabi ni Sir.

Gumalaw na kaming lahat at nagsimula nang mag-ensayo.

Nang makalipas ang ilang oras ay napagdesisyunan naming bumalik na sa Black Forest.

Habang naglalakad ay natalisod ako.

Napaupo ako at hindi agad nakatayo dahil may kasakitan ang pagbagsak ko, huhu.

Wala naman akong nakitang bato o kahit ano ah! Saan naman ako natalisod?

Pagkatingin ko ay may nakausling yelo.

Tinignan ko ng masama si Miranda. Siya lang naman ang kilala kong may galit sa akin at may kapangyarihang yelo.

Tumingin naman siya sa akin ng enosente. Tinaasan pa ko ng isang kilay wari mo'y nagtatanong.

"Irah!" Napasigaw naman si Clay. Ang oa niya sa pagkakasigaw niyang yon.

Tinulungan niya akong makatayo pero hindi ko kaya kaya naman napaupo ulit ako.

Ano ba yan! Nakakainis.

Ganoon na ba ako kalampa T___T

"Tsk. Hindi mo kaya." Gustong-gusto kong sigawan si Clay ng 'Hindi ko nga kaya!' Kasi napakaobvious naman.

Pero nakita ko sa gilid ng mata ko na sinamaan ni Yhenna ng tingin si Miranda.

Natuwa ako dahil may pakialam pa pala siya sa akin.

Bubuhatin na sana ako ni Clay nang lumapit si Zack. "Ahm Sir ako na po ang magdadala sa kaniya." Magalang na sabi niya na para bang isa akong gamit. Tsk.

Tumango naman si Clay at hinayaan akong mapasakamay ni Zack.

Pumantay si Zack sa akin at tumalikod.

"Sakay." Sabi niya.

Hindi na ako nagdalawang-isip at sumakay na sa likod niya.

Nagsimula na siyang maglakad habang nakapiggy back ride ako sa kanya.

Nakita ko naman na nag-iba ang aura ni Miranda at inirapan ako.

Siya na nga ang may kasalanan siya pa ang galit?

Pagdating namin sa Black Forest ay ibinaba na ako ni Zack sa isang sofa .

Enchanted Academy (Completed)Where stories live. Discover now