ENCHANT 10

6K 168 3
                                    

Irah's POV

Dalawang araw akong hindi pumasok dahil masama ang pakiramdam ko. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin.

Aish! Nanghihina ako! T_T

Nakakabagot naman dito sa dorm. Hayst!

Nasa klase sila Reinne kaya naman mag-isa lang ako dito.

Tumayo ako sa pagkakahiga at kinuha ang jacket ko.

Lalabas muna ako dahil bagot na ako, isa pa ay gutom na rin ako.

Naubos na kasi yung stock na pagkain na binili nila Yhenna para saakin.

Napangiti ako sa isiping iyon. Sa kabila ng kamalasan ko e may swerte pa din ako. Ang swerte ko sa part na kaibigan ko sila.

Lumabas na ako. Ang tahimik ng buong paligid. Palibhasa ay nasa kabilang building ang mga estudyante.

Papunta akong cafetiere nang may marinig akong nag-uusap-usap.

"Narinig niyo ba yung balita? Na niligtas daw ni Zack yung mortal na babae sa kamay ni Miranda."

"Yeah! Nagtataka lang ako kasi never siyang tumulong. First time yon at ang unang tulong niya ay napunta sa walang kwentang mortal."  Grabe yun ha!

"Hmmm. Babalatan ko ng buhay ang babaeng yun kapag nakita ko siya." What the?

Aalis na sana ako kaso maapakan akong lata. Tumunog. Malamang! Bwiset. Pahamak naman to! T_T

"Ano yun?" Napansin nila! Oo nga napansin nila. Napansin nila? Patay!

"Andito yung mortal!" Tumingin ako sa kanila at kumaway sabay karipas ng takbo.

Waaah! Wag naman ngayon. Ayoko pang mamatay. Ayokong mabalatan!

Takbo lang ako ng takbo. Nung napagod na ako naghanap ako ng matataguan.

At dahil napatigil ako sa tapat ng isang pintuan pinihit ko yung door knob nito. Napihit siya. Malamang pinihit ko eh.

Nabuksan yung pinto kaya pumasok ako.

Pagkasara ko ay doon lamang ako nakahinga ng maayos.

Napasandal pa ako sa pinto at hahangos-hangos habang ang kamay ay nasa dibdib.

Napatigil ako sa pag-iinarte nang matapunan ng tingin ang kabuuan ng napasukan ko.

May TV, sofa at kung anu-ano pa. Kumpleto sa gamit.

Ano tong napasukan ko? Ay ang timang malamang kwarto. May nakatira kaya dito? Ang ganda naman.

Busy ako sa kasusuri ng mga bagay sa loob nang may magsalita. "Anong ginagawa mo dito?"

"Ay! Anak ka ng nanay mo!" Napasigaw ako sa gulat. Tinaasan niya ako ng kilay. "A-ah ano kasi. Hindi ko naman intensiyon na pumasok dito kaso a-ano eh!" Nag-aalangang sabi ko.

"Kaso ano?" Sabi niya habang palapit sa akin. Yan nanaman yung pakiramdam ko. Nanghihina nanaman ako.

Wag po! Bata pa po ako.

Gagi, sobrang lapit niya sa akin.

Nilapit niya pa yung mukha niya saakin kaya napapikit ako. Omo! My first k--

"Hahahaha" napamulat ako.

O__________O Anong nakakatawa?

Pero wait. Ang cool niyang tumawa. Tinignan ko siya na parang nawewierduhan kaya naman napatigil siya.

Enchanted Academy (Completed)Where stories live. Discover now