ENCHANT 11

5.8K 167 0
                                    

"Bakit nga kasi kayo magkasamang dalawa?" Ulit na tanong ni Reinne.

Ang kulit niya. Kanina pa ako nagpapaliwanag sa kanya. T____T

"Nakwento ko na sa inyo diba?" Sabi ko habang inaayos ang aking mga gamit. Papasok na kasi ako bukas. Alam kong delikado pero kasi. Ayoko naman magmukmuk dito nang dahil lang sa mortal ako.

Oo ngat mortal ako pero safe naman yung sekreto nila sa akin.

"Pero bakit ayaw ka niyang ibigay kay Jacob?" Tanong naman ni Yhenna na tinanguan ni Reinne.

Halatang kinikilig ang dalawa.

"Well kahit naman ako ay nagtataka. Pero siguro nang-aasar lang siya. Alam naman natin na galing sila pareho sa magkaibang grupo. Mas masayang makitang naiinis ang kalaban mo. Diba?" Pangungumbinsi ko pa sa kanila.

"May punto ka. Mahilig ngang mang-asar ang Velton na iyon. Yun ang charm niya kaya hearthrob siya." Napalingon ako saglit kay Reinne.

Pang-aasar ang charm ni Zack? Weh?

"Haay nako matulog na nga tayo baka malate nanaman tayo bukas." Sabi ni Yhenna na tinanguan namin.

Humiga na kami sa kanya-kanya naming kama.



"IRAAAAAAAAAAAH!!" Masaya na sigaw ni Aika na sinalubong pa ako.

Saan ba ito galing? Hindi ito pumasok sa klase namin kanina eh.

"Bakit ba? Huminahon ka nga." Sabi ko at hinawakan siya sa balikat dahil nagtatalon siya sa sobrang saya.

Anyare?

"May lumabas sa aking kapangyarihan. Yieeee!" Sabi nito at lalong nagtatalon.

Wow! Its nice to hear that.

"Anong charm mo?" Excited na tanong ko.

"Wind!" Masayang sabi niya. "Kaso hindi ko pa ito alam gamitin. At isa pa ililipat nila ako ng section dahil nga may kapangyarihan ng lumabas sa akin." Malungkot niyang sabi.

Hinawakan ko ang kanyang kamay.

"Okay lang yan." Sabi ko sabay ngumiti sa kanya kahit na medyo nalulungkot ako kasi wala na akong makakasama sa room.  "At kahit pa iniwan mo ako sa classroom kailangan sabay pa rin tayong kumain ha?" Sabi ko pa.

Tumango siya at ngumiti.

Sabay kaming naglakad papuntang cafetiére. Habang naglalakad kami biglang sumulpot sina Miranda sa harap namin.

"Look! Nandito pa pala ang Mortal na ito? Ang lakas pa ng loob gumala." Sabi nito at naghalukipkip.

"Ano nanaman bang problema mo Miranda?"  Lakas loob na sabi ni Aika, nilagay pa ako sa kaniyang likuran.

"Problema ko? Itong babaeng to!" Sabi niya sabay duro pa sa akin.


"Ano bang ginawa ko sayo?" Tanong ko sa kanya.

Unang araw ko pa lang dito sa eskwelahang ito ay ang init na agad ng ulo niya sa akin.

Para natapunan lang ng juice sa damit e *pout*

"Dahil malandi ka! Nilalandi mo si Zack. Pati na rin si Saimon. At kahit nga ata si Jacob eh gusto mong landiin!" Sigaw niya.

Ayon lang? Yun yung dahilan niya? Luh!

Pumagitna sa amin si Aika. Tapos tinulak niya ng bahagya si Miranda. Grabeh! Antapang niya ngayon kahit maliit siya. Palibhasa may power na siya.

"Wag mo siyang sigawan at lalong-lalo na wag mo siyang tatawaging malandi dahil tinatawag mo lang ang sarili mo!" Sigaw ni Aika.

Napanganga ako sa sinabi niya. Grabe! Antapang niya.

Pero lalo akong napanganga nang biglang sampalin ni Mirnda si Aika.

"Wala akong pakialam kung kapatid ka ni Zack. Kayang kaya kitang pisaing bubwit ka!" Sigaw niya habang nakahawak sa pisngi ni Aika.

Hindi ko alam ang gagawin ko dahil natatakot ako.

Nagyeyelo ang sahig sa may parte ni Miranda. Halatang galit na galit na siya.

Napaiyak ako dahil alam kong nasasaktan na si Aika ng dahil sa akin at wala akong magawa.

"M-Miranda tama na." Pagkasabi ko nun ay tumingin sa akin si Miranda at binitiwan si Aika.

Lalapitan ko sana si Aika kaso kinapitan ako ng dalawang alipores ni Miranda. Hinawakan niya yung buhok ni Aika at itanayo gamit iyon.

Alam kong nasasaktan si Aika dahil napapangiwi siya.

"Tama na." Pagmamakaawa ko. Agad na namuo ang luha sa mga mata ko.

"Panoorin mo to." Sabi ni Miranda sabay hinawakan niya yung braso ni Aika at binabalutan niya ito ng yelo.

"Tama na!" Pagmamakaawa ko pero hindi siya nakinig. Ngumisi pa ito.

"SABING TAMA NA!" Pagkasigaw ko ay napabitaw ang dalawang dalawang alipores ni Miranda sa akin. Nabitawan naman ni Miranda ang braso ni Aika.

Nakaramdam ako ng kakaibang lakas sa katawan ko. Halatang nagulat ang lahat kahit si Aika.

Pakiramdam ko ay nag-aapoy ang buong katawan ko.


TO BE CONTINUED


Enchanted Academy (Completed)Where stories live. Discover now