ENCHANT 6

6.7K 197 1
                                    

Irah's POV

Sabado ngayon kaya naman naisipan kong magpunta sa library. Para hindi ako masyadong malito sa mga nangyayari sa school na to!

Buti nalang at naituro saakin nina Reinne kung nasaan ang library. Atleast di na ako mahihirapang makita ito.

Hmm. At mukhang tulog pa ang mga estudyante dahil iilan palamang ang mga nakikita ko sa corridor. Masarap naman talagang matulog. Kaso kelangan kong magsimula na ngayon ng pagbabasa para naman marami akong malaman.

Tumigil ako sa tapat ng pinto ng library. Ang pinto nito ay maliit lamang kaya yuyuko ka kapag papasok ka.

Sa pagpasok ko ay bumungad sa akin ang isang hagdan na pababa. Tinahak ko ito at agad na namangha dahil sa matataas na bookshelves na aking nakikita.

Ang dami libro. *0*

Nag-umpisa na akong maghanap ng mga history books.
 

Ano kayang libro ang dapat kong unahin? Hmmm. 

"Ah!" Nagulat ako nang may tumalon na itim na pusa galing sa harapan kong bookshelf. Napahawak ako sa dibdib ko. Grabe. Kinabahan talaga ako. Buti nalang at wala pang tao sa loob.

Pinulot ko ang isang librong nagpatak mula sa pinagtalunan nung pusa. Isa itong kulay  black na libro na ang font ay kulay gold.

Pinunasan ko ang libro dahil nababalutan na ito ng alikabok. Binasa ko ang title nito. "Memoir. History about Fiery and Arctic?" bulong ko.

Hindi ko na ibinalik ang libro sa halip ay umupo nalamang ako sa pinakamalapit na upuan.

Binuklat ko ang libro at nagulat ako nang magliwanag ito. Sa gulat ko ay sinaraduhan ko ulit ito.

O__________O

Hala? Ano yun?

Binuklat ko ulit yung libro at ganuon pa rin. Nagliwanag. Haayst! Ano nga bang aasahan ko? Eskwelahan to ng magic kaya expected na dapat ang mga kakaibang bagay gaya nito.

Nang tumagal tagal ay unti unti ding nawawala ang liwanag pero nagliliwanag parin yung mga letrang nakasulat sa libro.

Ang galing naman.

Nagsimula na akong magbasa.

Ilang oras na akong nagbabasa kaya naman nagugutom na ako. Hmm. Nakakalahati nanaman ako kaya bukas ko na ulit itutuloy.

Nakatulong talaga sa akin ang pagbabasa ng librong iyon. Hindi ko na ikukwento sa inyo yung nabasa ko kasi ang haba. Pero ang naintindihan ko lang ay dating magkaibigan ang dalawang grupo. Bukod doon ay wala na.

Pero ang pinagtataka ko lang ay anong kinalaman nito kay kuya? Wala naman siyang kapangyarihan ah? O wala nga ba talaga?

Lumabas na ako ng library. Pagkalabas ko ay sumalubong saakin ang sinag ng araw kaya naman nasilaw ako. Inantay kong makapag-adjust ang mata ko bago nagsimulang maglakad.

Habang naglalakad ay nakatungo lang ako. Pakiramdam ko kasi ay tinitignan ako ng mga tao.

"Hey bitch!" Napatigil ako nang may makita akong tatlong pares ng paa sa harapan ko.

Nagtaas ako ng tingin. Anak ng tupa! Si Miranda pala. Ano nanaman kayang problema nito? Kahapon lamang ay ipinahiya niya kami or should I say... araw araw? Psh.

Tinignan ko lang siya ng walang ekspresyon.

Tinaasan naman niya ako ng kilay.

Lalagpasan ko na sana sila nang hinanggit niya yung braso ko. Nanghawakan niya ako ay naramdaman ko ang lamig ng kamay niya. Dito na nagsimulang dumaloy ang takot sa katawan ko.

Enchanted Academy (Completed)Where stories live. Discover now