ENCHANT 19

5.6K 144 4
                                    

Saimon's POV

"Ako na po Sir." Napakunot ang noo ko nang magsalita sa Velton.

Ano nanamang pakulo nito at gustong siya pa ang magdala sa kapatid ko?

Wala na akong nagawa pati na rin si Clay dahil binuhat na ito ni Velton.

Sinundan ko nalang sila ng tingin at sinamaan na din ng tingin ang likod ng papalayong si Velton.

Wala akong tiwala sa kanya pero pagbibigayan ko siya ngayon dahil kakausapin ko pa si Yhenna.

Napatingin ako sa kanya at sa malayo lang siya nakatingin.

Lumapit ako sa kanya kaya napatingin siya sa akin.

Hinawakan ko siya sa braso at hinigit papalayo sa marami na ikinagulat niya.

"Simon bakit?" Agad na tanong niya.

"Anong nangyari?" Seryosong tanong ko sa kanya at saka siya binitawan.

"A-ano. Na-Naglalakad ako na-nang m-makita ko s-siya na-na walang malay. Ta-pos inilayo ko siya doon malapit sa mga naka ano. Nakahood." Kinakabahang sagot niya.

Tinignan ko siya ng seryoso. Halata namang hindi siya mapakali at hindi rin siya makatingin sa mata ko.

"Kayong dalawa. Bumalik na kayo sa mga kwarto niyo." Sabi ni Maam Claire, yung terror teacher.

"A-ah. Late na nga. May pasok pa tayo bukas. Good night sayo." Nakababang tingin niyang sabi sabay nagbow at umalis na.

Bakit parang kakaiba ang ikinikilos niya ngayon?

Napailing nalang ako sa isiping iyon.

Irah's POV

Kinakabahan ako. Hindi ko alam ang gagawin ko.

Tinitigan ako ang malaking ahas na nasa harapan ko ngayon. Anong gagawin ko?

Ang alam ko ay nag-iisa lang ako dito sa silid na ito.

Sigurado na akong ito na ang kamatayan ko.

Umiiyak lang ako habang hinihintay ang kamatayan ko.

Lalo akong kinabahan nang makitang susugod na ito sa akin.

Nakatitig siya sa akin kaya tinitigan ko din siya.

Ayokong ipakita sa ahas na ito na natatakot ako sa kanya.

Nang malapit na siya sa akin ay nagulat ako nang humarang  ang isang lalaki.

Dahil siya ang nakaharang ay siya ang natuklaw nito.

"Waaaaaag!" Napasigaw ako at napabangon.

Pinagpapawisan ako at naiiyak na din. Nananaginip lang pala ako. Isang napakamasamang panaginip.

Napatingin ako sa may pinto dahil may pumasok dito.

"Ayos ka lang ba ija?" Sabi nung nurse. Tumango naman ako.

Lumapit siya sa akin. "Kamusta ang pakirmdam mo? Napakahaba ng tulog mo ah. Mag-iisang linggo ka ng nakahiga jan." Sabi niya.

Nanlaki naman ang mata ko. "I-isang linggo po?" Ulit ko sa sinabi niya.

Napangiti siya dahil sa naging reaksiyon ko at tumango.

"Ikukuha kita ng pagkain. Sigurado akong gutom ka na." Pagkasbi niya noon ay nakaramdam nga ako ng gutom.

Tumango nalang ako at ngumiti.

Enchanted Academy (Completed)Where stories live. Discover now