ENCHANT 3

8.6K 279 16
                                    

Irah's POV

Pumasok kami sa kwarto at nagbihis na. Tapos pumunta na kami ng Cafetiére. Ewan ko ba Cafetiére daw ang tawag sa Cafeteria dito. Pinabongga  pa eh!

Talagang ramdam na ramdam ko ang pagwelcome ng dalawang ito. Kanina pa nila ako ginigisa sa napakaraming tanong. Haaay! Kung alam ko lang na ganito kabibo ang mga magiging roommate ko edi sana nagbaon ako ng maraming chika! Hahahaha.

Pagpasok namin ng Cafetiére ay napansin ko agad ang napakaraming estudyante.

Hinanap agad ng mga mata ko ang kanina pang hindi nakikita nito.

Haaay! Asan na nga ba yun? Psh. Hindi niya manlang ako sinundo. Patay ka talaga saakin  kuya. *pout*

"Ui, bat ka nakapout?" Tanong ni Yhenna.

"Waah! Ang cute mo naman." Sabi naman ni Reinne habang kurot kurot ang pisngi ko.

"Mashakit." Sabi ko at pilit inalis ang kanyang mga kamay na pumisil sa pisngi ko.

"Sorry. " sabi niya at nagpeace sign. Napahawak naman ako sa pisngi ko. Siguradong namumula na to ngayon, huhu.

Naghanap na kami ng mapupwestuhan. Nang may mahanap na kaming pwesto ay umupo agad kami dala ang aming mga pagkain.

Pumwesto kami sa may bandang gilid katabi ang magagandang halaman. Ang ganda naman. Lagi akong napapahanga ng mga bagay na nandito. Pwede kayang mag-uwi ng ganito? Mahilig kasi si Yaya Kriselda sa halaman eh!

Tahimik lang kaming kumakain nang basagin ni Yhenna ang katahimikan.

"Ano nga pa lang charm mo?" Tanong niya.

"Ha?" Nabingi na ata ako at kung anu-ano na ang naririnig ko.

"Ano kakong kapangyar---" hindi naman natapos ni Reinne ang sasabihin niya ng may mga babaeng lumapit sa may parteng amin at nagsalita.

"Ow! Girls, look. All loosers are together in one table. One is a crazy, one is a bitch and one is idiot. Woah! Bagay kayong tatlo." Malakontrabidang sabi nung babaeng nambully sa akin kanina. Miranda ata ang pangalan.

"Oo nga"
"Oo nga"
"Oo nga" sunod-sunod na sabi nung tatlong kasama niya.

Sa isang istorya hindi talaga nawawalan ng katulad nila, haays.

Napayuko ako dahil binabalot ako ng kahihiyan dahil nakakaagaw na kami ng pansin ng ibang estudyante.

"Aww! WEAK!" sabi pa ni Miranda.

"Yes."
"Tama"
"Yeah!" Sunod-sunod ulit na sabi nung tatlo niyang kasama. Kung hindi lang ganito ang sitwasyon ay kanina pa ako natawa. Para silang mga alila ni Miranda.

"Bawiin mo yung sinabi mo!" Sabi ni Reinne sa mahinahon pero halatang nagtitimpi.

"Bakit? Totoo naman ah!" Sabi ni Miranda tapos sabay-sabay na tumango ang mga kasama niya.

Tumingin si Reinne kila Miranda. "Hindi ako mahina." Matigas na sabi niya.

"Ows! Talaga? Bakit natalo ka ng isang baguhan? At kung hindi ka weak bakit nasa section SEOFON ka?" Sabi ni Miranda habang nakataas ang isang kilay na wari mo'y nang-iinis.  (A/N: Ang SEOFON po ay section 7)

Andami nanamang nanunuod. Sisikat agad ako nito eh!

Tumayo na si Rienne at hinarap si Miranda, halatang naiinis.

Napasmirk naman si Miranda, natutuwang makitang naiinis si Reinne.

Napatayo kami ni Yhenna. Gusto ko sanang pumagitna sa kanila kaya lang hindi ko kinakaya yung tensyon, pakiramdam ko ay anytime magsusuper sayan na ang isa sa kanila.

Enchanted Academy (Completed)Where stories live. Discover now