ENCHANT 9

6K 174 3
                                    


Irah's POV

"Reinne bilisan mo!" Sigaw ni Yhenna.

Late nanaman kami.

Pagkalabas ni Reinne ay kumaripas agad kami ng takbo papunta sa kanya-kanya naming classroom.

Hindi nanaman kami nakakain dahil nga sa late na kami. *POUT*

Pagdating ko sa tapat ng classroom ay huminga muna ako ng malalim.

Grabe! Kapagod! Parang nagmarathon ako don ah!

Pumasok ako sa room at nakitang nagkakagulo pa ang mga kaklase ko.

Wala pa pala si Maam.

Napatigil silang lahat nang makita ako. Tapos nagbulungan.

A-Anong nangyayari?

Nagulat ako nang higitin ako ni Aika.

"Bakit ka lumabas ng dorm niyo? Delikado ka dito." Nag-aalalang bulong niya.

"Ha? Ano bang nangyayari?" Nagtatakang tanong ko habang dahan-dahang umuupo sa upuan ko.

Sumeryoso ang mukha niya. "Alam na ng lahat na mortal ka." Nagulat ako sa sinabi niya. Parang nag-echo sa pandinig ko ang mga sinabi niya.

H-hndi maariP-paanong nangyari?

"Hindi ko alam kung sino ang nagpakalat. Kanina kasing umaga lahat ng estudyante yan ang pinag-uusapan." Sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko.

Medyo balisa ako dahil sa nalaman ko.

Alam na nila.

Naiilang ako kasi alam na nila.

Paano kung--? Aish! Team positive dapat. Haaay!

"Ui okay ka lang ba?" Tanong ni Aika.

Tinanguan ko lang siya, wala na sa sarili. 

Buti nalang kahit na alam niyang mortal ako hindi niya ako hinuhusgahan. Hindi niya pa din ako iniiwan.

"Class dismiss." Pagkasabi noon ni Maam ay lumabas na kami ni Aika.

Lahat nang nadadaanan namin ay napapatingin at nagbubulungan.

"Oh look who's here. The mortal one." Sabi ng makakasalubong naming si Miranda.

Sa ganitong pagkakataon, si Miranda ang pinakaayaw kong makasalubong.

"Kamusta naman mortal? Masaya bang makatungtong sa isang eskwelahang puno ng mahika? Siguro ay ipinadala ka ng mga mortal para subaybayan kaming mga immortal."  Dagdag niya pa.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo!" Sabi ko at akmang aalis na nang hawakan niya ang braso ko.

"Kinakausap pa kita. Anong hindi mo alam? Una pa lang alam mo nang may mga kapangyarihan kami at alam mong wala ka nun. Una palang alam mong naiiba ka saamin. Una palang nagpapanggap ka na. At dahil wala kang kapangyarihan lumalapit ka sa mga malalakas. Kay Saimon! Kay Zack! Ngayon mo sabihing wala kang alam!" Umuusok na ilong niyang sabi.

What the? Sino si Zack? Paano ako lalapit sa kanya kung hindi ko siya kilala?

Madami pa siyang sinabi pero hindi ko maintindihan dahil sobrang nanghihina ako sa hawak niya. Kagaya noong unang pagkapit niya sa braso ko ay ganun din kasakit ang hawak niya ngayon.

"Miranda tama na!" Sigaw ni Aika.

Hindi ko alam ang nangyayari pero biglang tumahimik ang lahat at unti-unting lumuluwag ang hawak ni Miranda sa akin.

"Z-zack." Sabi ni Miranda. Sino ba kasi yang Zack na yan?

Napaluhod ako dahil sa sobrang panghihina. Itinaas ko ang tingin ko sa lalaking nasa harapan ko.

"Alam mo naman palang mortal siya at walang laban pero gusto mo pa rin siyang saktan. Are you enjoying what youre doing?" Cold na sabi nito.

"E-eh kasi pwede niyang ipagkalat ang mga nalaman niya dito sa Enchanted. Pag nagkataon mapapahamak tayo." Katwiran ni Miranda.

Kahit na nanghihina ako ay sinamaan ko siya ng tingin. Mapanghusga ang isang to. Hindi niya nga ako kilala pero sapat na ba yun para manghusga siya?

"Nonsense." Sabi nung lalaki.

Ngayon ko lang napansin na siya pala yung masungit na lalaki.  Zack pala ang pangalan niya.

Nagulat ako nang buhatin niya ako. Napasinghap din ang ibang estudyante at iba ay napanganga pa. Kasama na doon si Miranda.

Grabe sobrang lapit niya sa akin. Bakit ganito yung puso ko? Ambilis sobra ng tibok? At may iba din akong nararamdaman. Parang nanghihina at the same time lumalakas?

Weird!

Dinala niya pala ako sa clinic. Binaba na niya ako sa kama ng clinic.

"Umalis ka na dito sa lalong madaling panahon. Baka sa susunod hindi lang yan ang abutin mo." Cold niya pa ring sabi habang unti-unti akong binababa sa bed rest ng clinic.

Sana nga makaalis na ko sa abnormal na eskwelahang ito.

"Ah thank you pala." Sabi ko na tinanguan lang niya saka umalis na.

Psh. Gwapo sana ang sungit lang. *pout*



*END OF ENCHANT 9*

Enchanted Academy (Completed)Where stories live. Discover now