ENCHANT 24

4.9K 147 5
                                    

A/N: Feel free to vote and comment. Enjoy Reading!

Irah's POV

"O my ghad Irah natalo mo siya." Tuwang-tuwang sabi ni Rienne habang niyuyugyog ako.

"Oo nga ang galing mo Irah." Sabi naman ni Aika at tumalon-talon pa.

Nandito kami ngayong sa kwarto namin.

Ngumiti lang ako sa kanila. Di pa din ako makapaniwala na matatalo ko si Miranda.

"Nako kung ako yun sinunog ko pa yung buhok niya." Pagbibiro naman ni Reinne at nagmake face pa.

Napahagalpak ng tawa si Aika habang ako ay ngumiti lang habang umiiling-iling.

"Ui okay ka lang ba? Bakit wala kang imik jan?" Biglang tanong ni Aika.

"Wala. Hindi lang talaga ako makapaniwala na natalo ko si Miranda." Sagot ko at ngumiti ng bahagya.

"Naku! Ganyan talaga kapag mababait, pinagpapala kaya nanalo ka. Siguro  pagod lang din yan. Halika na nga Aika hayaan muna natin siyang magpahinga." Sabi ni Rienne na tinanguan ni Aika.


"Babalik ako mamaya, dadalhan kita ng pagkain. Tulog ka muna. Bye!" Nakangiting sabi niya.

"Sige. Salamat."

*     *     *

Hingal na hingal ako dahil sa pagtakbo.

Tumigil ako at nagtago sa likod ng isang malaking puno.

Kinakabahan at pinagpapawisan na ako.

Sumilip ako ng bahagya para tignan kung nasaan ang malaking ahas.


Nang mapansing wala ito ay napaharap na ako.

Halos atakihin ako sa puso dahil sa gulat nang makitang nasa harap ko na ang malaking ahas.

Nakatitig ito sa akin at parang gustong-gusto niya na akong patayin.

Ipinikit ko ang aking mga mata at hinintay ang katapusan ko. Ngunit ilang minuto pa ay wala paring akong nararamdamang sakit kaya napamulat ako.

Nakita kong iba ang natamaan ng pangil nito. Isang lalaki. Wala akong nagawa kundi ang umiyak ng umiyak.

Napaupo ako nang magising. Humahangos at naghahabol ng hininga dahil sa takot.

Panaginip lang pala. Panaginip nanaman..

Niyakap ko ang aking mga tuhod.

Pinahidan ko din ang aking pisngi dahil may nararamdaman akong kung ano dito.

Nagulat ako dahil luha pala ito.

Nagtuloy-tuloy ang daloy nito nang maalala ko ang aking panaginip.

Ilang buwan na rin ang nakakaraan ng magsimula kong mapanaginipan ang ahas na iyon at ang lalaking laging nagliligtas sa akin.

Hindi ko alam kung bakit pero lagi kong nakikita si Kiel sa panaginip ko at palagi niya akong nililigtas.



Halos gabi-gabi akong napapaiyak dahil doon. Pakiramdam ko ay may pinapahiwatig ang panaginip na ito pero sana mali ang kutob ko.

*       *        *

"Miss Ross welcome to section Twegen." Nakangiting sabi nung naabutan kong teacher.


Ngayon na pala ako ililipat sa section ni Miranda dahil natalo ko siya.


Dahil nanalo ako, mapupunta ako sa section ni Miranda. At dahil natalo siya ay mananatili siya dito. Pero kung sa kaling natalo niya ako ay mananatili ako sa section Seofon at siya naman ay pwedeng malipat sa Section Ein depende sa performan e niya.

"Sofia you can now sit in the vacant chair." Sabi ni Maam Alvarez.


Naghanap ako ng bakanteng upuan at napansin ko sila Miranda na masama ang tingin sa akin. Sabagay, kelan ba gumanda ang tingin nila sakin, huhu.


Hindi ko nalang sila pinansin.

Nang makakita ako ng bakanteng upuan ay pumunta agad ako dito.

Bago umupo ay tumingin muna ako sa magiging seatmate ko. Nagkatinginan kami.

Halata namang nagulat siya.

Nginitian ko siya saka umupo. "Kamusta Yhenna?" Tanong ko.

"A-ah o-okay naman." Sagot niya habang hindi nakatingin sa akin, mukhang naiilang.

Tinanguan ko nalang siya dahil mukhang naiilang siya sa akin.

*     *     *


Naglalakad ako papuntang Cafetiere nang mapadaan ako sa section Seofon.

Miss ko na agad sila.

Minabuti kong daanan muna si Aika upang isabay


Pagpasok ko ay nagbabatuhan sila ng papel? Feeling bata tong mga to ah!

Napangiti naman ako dahil namiss ko talaga sila kahit kalahating araw palang ako sa section Twegen.


"SABI KO CRUSH KITA!"  Sigaw ni Kiel kaya napatigil ang lahat.


Huh? Mukhang binata na ang maliit na to ah.


Magkaharap sila ni Aika kaya mukhang siya yung sinasabihan nito.


Sinamaan ni Aika ng tingin si Kiel bago ito magsalita. "Tsk. Wag mo nga akong pinaglololoko." Sabi nito sabay irap at walk out na rin. Mukhang hindi niya ako napansin.



Napatingin naman sa akin si Kiel. Lumapit siya sa akin habang nakapout.

"Seryoso naman ako eh." Sabi niya.



Tinawanan ko siya. "Nagulat lang yun." Sabi ko at lumabas na ng room.



*END OF ENCHANT 24*

Enchanted Academy (Completed)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora