ENCHANT 16

5.5K 161 1
                                    

"Gusto kong ikaw ang maglagay ng apoy sa kahoy." Sabi ni Sir.

Paano ko naman yun gagawin gamit ang focus?

Tumingin ako sa kanya ng nagtatanong. Tinignan niya lang ako na parang sinasabi na 'Gawin mo na'.

Tumayo ako. Ayoko namang mapahiya siya no!

Pumwesto ako sa may gitna.

Kinakabahan ako. Paano kung walang lumabas na apoy? E malay ko ba kung paano ito paganahin. Saka hindi ko naman alam kung paano ko napalabas yung dati.

Hinanda ko na yung sarili ko.

Makapagfocus na nga lang.

Pinagtuunan ko ng pansin yung kahoy. Inisip ko na malalagyan nga ng apoy yung kahoy na yun.

Naramdaman ko ang pag-apoy ng buong katawan ko. Pati na rin buhok ko na medyo hinahangin pa.

Dahil sa pag-apoy ng katawan ko ay lumiwanag sa loob pero unti-unting nagdilim ang paningin ko.

Third Person's POV

Nag-apoy ang buhok at ang buong katawan ng batang babae. Naging dark red ang kanyang green na mata.

Nagpakawala ng parang bulalakaw na purong apoy ang batang babae at saktong-sakto sa mga kahoy na ikinagulat ng lahat. Kahit ang guro nilang si Clay ay nagulat din.

Nagawa niya. Magaling. Magdiwang tayo!!

Mas lalo silang nagulat nang bumagsak ang katawan ng batang babae. Dahil ito sa napakalakas na kapangyarihan na inilabas ng kanyang katawan.

Agad namang lumapit ang kanyang gurong si Clay pati na rin ang kaibigan niyang si Reinne.

Irah's POV

Nagising ako dahil sa di pamilyar na pakiramdam.

Agad akong nagmulat at ang bumungad sa akin ay kulay asul na kisame. Nanaman. Nasa clinic nanaman ako.

Bumangon ako ng kaunti.

"Gising ka na pala." Nagulat ako sa pamilyar na boses na yun.

Tinignan ko lang siya habang nililigpit yung first aid kit habang nakaupo sa kabilang kama. Siya nanaman? Really? Si Zack nanaman?

Tumingin siya sa akin at ngumisi.

"Ang gwapo ko no?" Nasamid ako ng sarili kong laway at napahawak sa may bandang lalamunan ko.

Hindi ko inaasahan na maririnig ko ang mga yon mismo mula sa kanya.

"Akala ko ba ay tubig ang kapangyarihan mo? Bakit mas mahangin ka pa kay Aika?" sabi ko sa kanya. Ang yabang nito.

Napatawa siya ng kaunti. Wow! Napatawa ko siya. Pero teka nga lang? Bat ba kami nag-uusap? E dapat nag-aaway kami dahil sa opposite power kuno? Hindi ko alam pero ang gaan ng loob ko sa kanya eh. Parang komportable ako sa kanya.

"Ang pangit mo kaya." Asar ko sa kanya habang naka poker face para dama.

Maya-maya ay nagbukas ang pintuan at niluwa nito ang tatlong babae kaya napatigil kaming dalawa sa pagtawa.

Oo! Nagtatawanan kami!

"Wag nga kayong maingay baka magising si Irah. Gising ka na pala. At Zack? Anong ginagawa mo dito?" Walang prenong putak ni Aika.

"Nakaistorbo ba kami sa inyo?" Sabi naman ni Yhenna.

"Sorry ha? Dadalawin ka lang sana namin eh. Pero dahil may nagbabantay na sayo. Gogora na kami." Kinikilig na sabi ni Reinne.

Okey? Ang abnormal nila.

"Psh." Nagulat kami nang biglang tumayo si Zack at lumabas na ng clinic at halata sa kanya ang pagkainis.

Ang moody niya talaga ng lalaking yon.

Nagkibit balikat nalang kaming apat.

Lumapit sila sa akin at nilapag sa side table ang dala nilang prutas.

"Kayo ha? May something ba sa inyo?" Agad na tanong ni Reinne.

Magrereact palang sana ako nang biglang sumabat si Aika.

"Oo nga! Yieeee! Bagay kayo. Botong-boto ako sayo." Sabi ni Aika at parang gusto nang maglupasay dahil sa kilig habang si Yhenna naman ay natatawa lang habang nagbabalat ng mansanas.

Nagpokerface nalang ako sa kanila. Tae. Kung sila oo ako hindi ako boto.

"Bat daw siya nandito?" Sasagot pa lang sana ako sa tanong ni Yhenna nang biglang umepal si Reinne.

"Ano ka ba? Si Irah talaga ang ipinunta niya dito no!" Sabi niya. Tapos nakipag-apir pa kay Aika. Abnormal nila.

Kumagat muna ako sa mansanas na binigay ni Yhenna bago magsalita."Tsk. May sugat daw siya at kailangang gamutin."

"At kailangang ikaw daw ang gagamot? Yieee! Kakilg!" Sabi ni Reinne. Halata naman eh!

Napailing nalang ako sa kanila. Yun ba ang epekto ng charms nila?

"Nasan pala ang nurse?" Tanong ni Aika.

Nagkibit balikat nalang ako dahil hindi ko din alam. Malay ko ba!

*END OF ENCHANT 16*

Enchanted Academy (Completed)Where stories live. Discover now