ENCHANT 21

4.9K 154 3
                                    

Patakbo kong tinahak ang aming classroom dahil late nanaman kami ni Reinne gumising.

Napatigil ako sa pagtakbo nang makita ko si Kiel.

"Easy lang Sofia Kashmira, wala si sir kaya magdiwang ka." Sabi niya at inakbayan pa ako kaya naman napapababa ako. Ang liit niya eh! Nadadala tuloy ako.

Tinignan ko yung mukha niya habang nakaakbay pa rin siya sa akin. Nakangiti siya. Biglang bumigat ang pakiramdam ko.

Naalala ko nanaman yung mga panaginip ko. Masasamang panaginip.

Hindi ko nalang inintindi ang nararamdaman ko at iwinaksi ang mga isiping iyon.

*  *  *

"Irah can we talk?" Biglang sabi ni Sir Clay kaya napatingin sa akin ang mga kaklase ko.

Tumango nalang ako, wala sa mood makipagtalo.

Lumabas kaming dalawa. Bago siya magsalita ay sinigurado muna niyang walang makakarinig sa sasabihin niya.

"Nakausap ko ang daddy mo. Kailangan mo na daw magtraining para sa darating na Charm Tournament. At dahil ako ang teacher mo pinapahintulutan kitang magtraining ngayon.... ng patago. Pumunta ka sa training lab at gawin mo ang mga naituro ko ng mga basics. Siguraduhin mong walang makakaalam okay? Mag-ingat ka." Mahabang sabi niya tapos tinap niya yung ulo ko saka pumasok sa classroom namin.

Ganun nalang yun? Haaay! Wala na akong nagawa kundi lumakad papunta sa Training Lab.

Ang nagets ko lang sa kanya ay kailangan kong magtraining sa training lab. Bukod duon ay wala na.

Pagpasok ko sa Training Lab ay nagulat ako ng may patalsik sa akin na tubig. Buti nalang hokage ako kaya naman nakailag agad ako.

"What the?" Napasigaw ako dahil nagulat talaga ako. Napapansin kong nagiging palasigaw na ako at tumatapang na ako, ito ata yung character development huhu.

"Nandyan ka pala." Pokerface na sabi nung nagbato ng tubig. Wala manlang sorry? Tsk.

"Nakikita mo eh!" Sabi ko habang bahagyang inaayos ang aking  salamin at lumapit ng kaunti sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko habang nilalapag ang gamit ko. Di ko alam kung bakit ko dinala yung mga gamit ko, sabi ng guts ko. I just trust my guts, huhu.

"Hindi mo ba nakikita? Nagtetraining ako." Sabi niya habang pinapagalaw yung tubig. Para siyang si Aang ng avatar.

"Ikaw? Anong ginagawa mo dito?" Balik tanong niya nang hindi tumitingin sa akin, busy pa din sa pagpapagalaw ng tubig.

"Diba training lab ito? Edi malamang magtetraining din." Sarcastic na sagot ko.

Sinamaan naman niya ako ng tingin. Hindi ko siya pinansin at umupo muna para panoorin yung ginagawa niya nang may maalala ako.

"Nasaan na yung libro?" Agad siyang napatingin sa akin at ang tubig na pinapagalaw niya kanina ay tumilapon. Nabasa ang sahig na nasa likod niya dahil doon niya ibinato ang tubig.

Ang lalaking to, walang manner. Nagkakalat pa dito, tsk tsk.

"Bakit ba interesado ka sa librong yon?" Tanong niya at tuluyan nang lumingon sakin.

"E bakit ba nakikialam ka?" Balik tanong ko sa kanya.

Bumuntong hininga muna siya bago umupo di kalayuan sa akin.

"Maraming laman ang librong iyon. At napapahamak ang maraming nalalaman." Sabi niya habang hindi nakatingin sa akin.

Kumunot naman ang noo ko.

"Napapahamak ang maraming nalalaman?" Pabulong na  ulit ko sa huli niyang sinabi.

"Mahirap ipaliwanag Irah." Sabi niya at tumitig sa akin. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko dahil ngayon niya lang ako tinawag sa pangalan ko.

"May kilala akong life charmer. Maaga siyang namatay para sa ikabubuti ng Enchanted Academy. Pinigilan niya ang unti-unting pagkawala ng kapangyarihan ng eskwelahang ito. Katulad ng nasa libro,kaya ng life charmer na baguhin ang nakatadhana para sa iba pero hindi ang kanya. Sabi ng iba ay special daw ang Life Charm at maswerte daw ang Life Charmer pero dahil sa Life Charm na yan maagang nawala ang Mommy ko." Mahabang sabi niya.

"Naging Life Charmer ang Mommy mo?" Tanong ko na tinanguan naman niya.

"Kaya hanggat maari ayokong isa kang Life Charmer." Sabi niya ng nakatingin sa akin. Bumilis ulit ang tibok ng puso ko.

Tumayo na siya at lumabas na ng Training Lab.

Napatulala naman ako. Ano daw? Ayaw niyang maging isa akong Life Charmer? Peri bakit? Ang gulo niya.

Para kang babae Zack, ang hirap mong intindihin.

*END OF ENCHANT 21*

Enchanted Academy (Completed)Where stories live. Discover now