ENCHANT 20

5.4K 140 5
                                    

Paglipas ng tatlong taon...

Eme, tatlong buwan lang.

Tatlong buwan pagkatapos noong nahuli si Zack sa clinic kasama ko.

Sa loob ng tatlong buwang iyo'y madaming nangyari. Maraming nawala.

Kung maibabalik ko lang ang tatlong buwang iyon? Gagawin ko ang lahat para mailigtas sila. Pero ano bang magagawa ko? Isa lamang akong babaeng hindi alam kung paano gamitin ang sariling kapangyarihan. Kung kaya ko sanang labanan ang mga iyon edi sana wala ng nawala?

Pero shempre. Joke lang yon! HAHAHA

Naging maayos naman ang buhay namin sa loob ng tatlong buwan na iyon.

Hindi na muling bumalik ang mga nakahood na ikinatuwa ng lahat lalo na ng kapatid ko.

Kesyo hindi niya raw ako palaging kasama at wala daw poprotekta sa akin. Kesyo baka makuha daw nila ako ng tuluyan. Ang oa niya.

Pero siguro ay naghahanda lamang ang mga iyon para sa susunod na pagkuha nila sa akin. Hindi sa gusto kong bumalik sila, feeling ko lang ha.

Pero nakakapagtaka talaga bakit nga ba gusto nila akong makuha? Kung tungkol yun sa kapangyarihan ko, e bakit sila kuya? I mean bakit ako lang? E may kapareho akong kapangyarihan? Hindi sa gusto ko ding kunin nila si kuya o ang iba pa naming kalahi. Nakakapag-isip lang.

"Huy! Anong iniisip mo." Biglang tanong ni Reinne na kanina pa pala akong pinagmamasdan na nakatulala.

Lumulutang pala ang isip ko.

"A-ah! Wala lang. May bigla lang pumasok sa isip ko." Sagot ko.

"Hula na si Zack yan. Yieee!" Asar niya at hinampas hampas pa ang balikat ko.

Gusto ko magface palm. Isa din yan sa hindi nagbabago pagkatapos ng tatlong buwan. Palagi niya o nila ni Aika akong inaasar.

Speaking of Aika. Lagi rin siyang sumasama sa amin kasi kaklase na namin siya. I mean kaklase ko. E pano ba naman nung araw na inilipat siya sa room namin ay yun din ang araw na inilipat si Reinne sa Section Hex (six).

"Wag mo nga akong lokohin sa kanya. Tsk. Ayokong marinig ang pangalan niya. Nakakabwiset ang Velton na iyon." Sabi ko.

At tama kayo ng basa. Bwiset ako kay Zack. Palagi niya kasi akong inaasar. Katulad nalang kanina.

Bigla ba naman akong higitin habang kausap ko si Jacob? Sabihin niyo nga tama ba yon? Okay! Ang high blood ko. Hindi naman ako ganito eh! Pero pagdating sa kanya nahahighblood ako.

E dati nga nabubully ako pero pinapabayaan ko lang. Pero siya natatarayan ko kahit alam ko namang mas delikado siya. Gets niyo? Haay! Ang gulo ko.

"Hooy!" Nagulat ako sa mga sumigaw.
Tae nandito na pala si Aika.

"Bakit ka ba lutang ngayon?" Nagtatakang tanong ni Reinne.

"Oo nga. Wag mo kasing masyadong kaisipin si Zack. Mahal ka din non panigurado." Sabi n Aika na halatang pinipigil ang kilig.

I'm done with this. T__T

"Tsk.Pupunta na nga lang akong library. Diyan na kayo." Sabi ko at tumayo na.

"Yiie! Ang sabihin mo makikipagkita ka kay Zack." Sabi naman ni Reinne at nakipag-apir pa kay Aika.

Naglakad nalang akong palayo sa kanilang dalawa. Hindi ko na kaya ang mga kalokohan nila. T___T

Pagkalabas ko sa canteen ay nakita ko si Yhenna na naglalakad sa di kalayuan.

Namimiss ko na siya.

Pagkatapos kasi ng aksidente three months ago ay naging tahimik na siya. Minsan nalang din siyang sumama sa amin hanggang sa magpalipat siya ng kwarto.

Hindi naman namin malaman ang dahilan dahil iniiwasan niya kami.

Naglakad siya papuntang library. Kaya naglakad na rin ako papunta doon dahil doon naman talaga ako pupunta.

Magkasunod lang kaming nakapasok pero mukhang hindi niya ako napapansin.

Nagpunta siya sa isang shelf at may kinuha siyang libro sa bag niya at binalik doon sa shelf.

Pagkaalis niya ay pumunta ako doon s shelf na kinatatayuan niya kanina.

Ano naman kayang libro yung isinauli niya? Ewan ko pero this past few weeks nagiging tsismosa na ako.

Kinuha ko yung librong sa tingin ko ay ibinalik niya.

Kung hindi ako nagkakamali ay kulay black ang librong iyon.

LIFE CHARM yun ang titile ng libro.

Umupo ako sa pinaka malapit na upuan.  Katulad nung unang librong nabuklat ko dati ay nagliliwanag din ito sa tuwing binubuksan.

Nasilaw ako pero hindi ko na ipinikit ang aking  mga mata. Binasa ko ang ilang nakasulat dito.

Ang Life Charmer ay nagtataglay ng kakaibang kapangyarihan. Pwede niyang mabago ang nakatadhana para sa iba pero hindi ang sa kanya. Ang nagtataglay ng ganitong kapangyarihan ay kailangan ng matinding pag-iingat at pag-aaral ng kaniyang charm. Hindi madaling gamitin ito sapagkat nakasalalay dito ang buhay ng kapwa charmer.

Life Charm? May ganito pala? Mukhang astig to ah!

Nabigla ako nang may humablot nung librong binabasa ko. Ay bastusan?

Hinigit ko ulit sa kanya at nagtagumpay naman ako.

"Bakit mo yan binabasa?" Sabi ni Zack na siyang humablot kanina ng libro.

"E ano naman? Libro yan diba? E ano bang ginagawa sa libro? Diba binabasa?" Pamimilosopo ko sa kanya. Kung ayaw makatanggap ng pangbobong sagot, wag na magbibigay ng pangbobong tanong, char!

Halata namang nainis siya.

"Tsk. I mean bakit sa lahat ng libro ito pa? At paano mo nalaman ang librong ito?" Tanong niya.

"E ano bang pakialam mo?" Balik tanong ko.

"Hindi mo kasi maiintindihan dahil nasa mababang seksiyon ka." Pacool na sabi niya.

"Sinasabi mo bang bobo ako?"

"Sayo nangaling yan."

"Aba't-" hahampasin ko na sana siya ng libro nang may magsalita.

"Kayong dalawa. Go to your room now. Kanina pang nagbell." Napalingon kami sa nagsalita. "Mga kabataan talaga, wala ng pinipiling lugar sa paglalandian." Aangal sana ako kaya lang pagtingin ko sa relo ko ay fifteen minutes na pala akong late!

Ibabag ko na sana yung librong hawak ko nang hangitin ito ni Zack.

"Ano ba? Akin na yan!" Sabi ko habang pilit na kinukuha sa kanya yung libro.

Tinataas naman niya kaya ako tumitingkayad pa para maabot.

Kahit konti lang yung agwat ng height namin mas mataas pa rin siya.

"Akin na sabi eh!" Sabi ko habang inaabot pa rin yung libro.

Nakita ko namang nakangiti siya. Tsk. Sabi na eh nang-aasar nanaman to.

Tumigil ako sa pag-abot at hinarap siya.

"Pasalamat ka at late na ako." Sabi ko at tumakbo na palabas ng library.

*END OF ENCHANT 20*

Enchanted Academy (Completed)Where stories live. Discover now