ENCHANT 18

5.4K 154 24
                                    

Third Person's POV

Tumakbo si Zack sa kinaroroonan ni Jacob. Nakuha naman niya ang atensyon ng mga kalaban at kahit na si Jacob na nakahilata na.

Nagulat ang mga nakahood. Hindi dahil sa tumatakbo si Zack. Dahil nadapa ito.

Napaface palm nalang ang batang babaeng Ross dahil sa nangyari.

Tumayo ulit si Zack at naglakad na lamang patungo sa kinaroroonan ni Jacob. Mukhang ayaw na niyang madapa muli.

Nang makadating siya sa kinaroroonan ni Jacob ay agad niya itong itinayo. Oke! Feeling close siya. Pero nakakatats ang ginawa niya.

Naghanda na ang dalawa para sa paglaban. Pero hindi pa sila umaatake nang may umepal.

"Ui boss lalaban ka ng hindi kami kasama?" Sabi ng feelingerong si DJ habang nakapout.

Napatingin sa kanya ang lahat. Pati na rin ang mga nakahood. Binatukan naman siya ng katabi niyang si Gray.

"Umayos ka nga." Sabi pa nito.

Hindi lang pala sila ang nandito. Nandito din si Kiel liit. Pati na rin ang iba nilang tropa.

Napangiti naman si Zack. Siguro siya ay nababakla na. Madami daw na papables. Char.

Magsisimula na sana ulit ang laban nang may dumating nanaman.

"Oi Jacob! Bat ikaw lang? Dapat kami rin no!" Sabi naman ni Mircoh.

"Oo nga." Pagsang-ayon naman ni Isaac.

Kasama din nila si Saimon na kapatid ng batang babaeng Ross.

Magsisimula na ulit sana ang laban nang may umepal nanaman.

Halata namang naiinis na ang mga nakahood.

"Reymond, bata na lang ba talaga ang kaya mong kalabanin?" Nang-aasar na sabi ng kadadating lang na si Clay. Kasama niya rin ang ibang mga guro including Jane.

Halatang nagulat ang leader ng mga nakahood. Kumamot muna siya sa ulo bago magsalita.

"Babalikan namin ang batang iyon. At sisiguraduhin kong makukuha ko na siya sa susunod naming paghaharap." Sabi nito."Tara na." Sabi niya sa mga kasama niya at mabilis na nawala.

"Mga duwag!" Malakas na sabi ni Kiel liit.

Samantala napatakbo naman si Zack sa pinag-iwanan niya sa batang babaeng Ross dahil hindi pa rin ito lumalabas.

Zack's POV

Habang nagkakasiyahan sila dahil nawala na ang mga nakahood ako naman ay napatakbo sa lugar kung saan ko iniwan si Irah. Nagulat ako dahil wala siya doon.

Sh*t! Saan siya nagpunta? F*ck! Bat wala siya dito?

Nagulat nalang ako nang may biglang humigit sa akin akala ko ay si Irah na pero yung kapatid nya pala.

Kinwelyuhan niya ako.

"Nasaan ang kapatid ko?" Galit na sabi niya.

"The f*ck? Kahit ako hindi ko alam! Iniwan ko lang siya dito tapos nawala na siya!" Singhal ko sa kanya. Takte! Napapamura na ako eh!

"Boss nasa may fountain siya at walang malay." Sabi nung lalaking pang-anghel yung buhok.

What the? Bat siya nandoon? Walang malay? Ugh!

Sinamaan muna ako ng tingin ni Saimon bago niya ako bitawan.

Sumunod ako sa kanila papuntang fountain.

Third Person's POV

Ako nanaman po ulit ang mag-uulat.

Busy si Yhenna sa paghigit sa walang malay na katawan ng batang babaeng Ross nang may biglang humawak sa balikat niya.

"IM SORRY!" Sigaw niya dahil sa gulat.

"Anong ginagawa mo? Bakit walang malay si Irah?" Tanong ni Reinne na nangulat kay Yhenna.

"Ahm ano. Hindi k-ko din a-alam kung ba-bakit siya wa-walng malay pero inilayo k-ko lang siya sa mga naka ho-hood na iyon." Sabi niya na halata namang ninenerbyos. Hmmm. Bakit kaya?

"Tatawagin ko lang ang iba para malaman nilang nandito si Irah pati na rin ang nurse." Sabi naman ni Aika. Andito pala to.

Tumango naman ang dalawa.

Maya-maya ay dumating na si Aika kasama ang mga guro, kasama na si Clay at Jane, si Kiel at Marie na nurse ng Enchanted.

Lumapit agad ito sa batang babae.

"Mukhang masama ang pagkakabagsak niya. Mukhang ginamitan siya ng matinding lakas para lamang mawalan siya ng malay." Sabi nito.

Sa pagkakasabi naman niya nito ay halata ang pagkakaba ni Yhenna. Bakit kaya?

Kasunod noon ay sabay na dumating ang batang lalaking Ross, Zack and friends.

Agad na lumapit ang batang lalaking Ross sa kanyang kapatid na may pag-aalala sa kanyang gwapong mukha.

"Anong nangyari?" Agad na tanong nito at hinawakan ang walang malay na kapatid.

Dahil walang nagsasalita ay si Reinne na lamang ang sumagot.

"Hindi din namin alam pero na abutan namin siyang kasama si Yhenna." Sabi nito.

Agad namang napatingin ang batang lalaking Ross kay Yhenna.

Agad din siyang nagbawi ng tingin at ibinaling naman ito kay Clay.

"Clay!" Tawag niya rito, nakalimutan nang isa itong guro sa loob ng Enchanted, tinanguan niya ang guro at tumango din pabalik ang guro. Wari mo'y nag-uusap sila sa kanilang tango.

Bubuhatin na sana ni Clay ang babaeng Ross nang may umepal at humawak sa kanyang balikat.

"Ako na po Sir."

*END OF ENCHANT 18*

Enchanted Academy (Completed)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें