EPILOGUE

7.3K 141 21
                                    

"O,  kumain ka na! Tapos isuot mo ito mamaya." Sabi nung lalaking pumasok sa kwarto kung nasaan ako.


Iba siya sa lahat ng tao dito. Kung tao ba ang tawag sa kanila. Hindi siya nakahood di katulad ng iba.


"Bakit ito ginagawa ni Ma'am Antonnette?" Tanong ko  habang lumalakad papalapit sa kanya.


Napatigil siya sa paghahalo ng pagkain na hindi ko malaman kung champurado ba ito o kung ano man.


"Wag mong itanong yan. Mas mabuting wala kang alam." Sabi niya habang nakatitig sa mata ko.


Ilang minuto pa kaming nagtitigan at para bang may sinasabi ang malalalim niyang mga mata at hindi ko yon maintindihan.



"E ikaw? Bakit mo ito ginagawa?" Mahinang tanong ko, nakatitig pa rin sa malalalim  na kaniyang mga mata.


Umiwas naman siya ng tingin. "Minsan kailangan mong magsakripisyo para walang mapahamak." Malungkot na sabi niya.






"Sa tingin mo ba walang nasasaktan sa ginagawa mo?" Pinipilit kong hulihing muli ang mga tingin niya.


Napabuntong hininga siya. "Kumain ka na. Babalik ako dito." Sabi niya at lumabas na.





Nararamdaman ko na mabait siya. Pero bakit niya ito ginagawa?




Napabuntong hininga nalang ako.





Tinignan ko ang kulay royal blue na gown na nilagay niya sa tabi. Susunugin ko sana ito kaso naalala ko na walang kwenta ito.





Parang may bumabalot na kapangyarihan dito sa loob ng kwarto dahil hindi ko magamit ang kapangyarihan ko.




Isinuot ko nalang ito. Hindi dahil sa magiging sunod-sunuran ako sa lahat ng sasabihin nila.


Napatigil ako nang may kumalabog sa labas. Tumayo ako at sumilip sa maliit na butas ng pintuan. Nagkakagulo sa labas at may mga parteng nasusunog na din.  Nagulat ako dahil nandoon sila Zack, si Kuya , Jacob at Gray.



Lumapit si Zack sa kwartong pinaglalagyan ko. Binuksan niya ito. Napatigil siya dahil nasa harap lang ako.

Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa, nagtataka siguro kung bakit ako nakaporma pa.

Hinigit niya ako at niyakap.  "Buhay ka." Anas na sabi ko. Ayon ang una kong naisip na sabihin dahil hindi ako makapaniwalang makikita ko pa siyang muli.

Hindi siya sumagot at kumalas na siya sa pagkakayakap at hinigit na ako patakbo papalabas ng silid.


Nadaanan namin ang kulungan na pinaglalagyan nila Yhenna pero wala na sila doon.


Nagpatuloy kami sa pagtakbo. Napatigil lang kami nang may humarang sa aming mga nakahood.




"Saan mo dadalhin ang Life Charmer?" Sabi nung nasa gitna.



Bigla namang dumating sila Clay. "Kami na ang bahala dito. Ilayo mo na  siya." Sabi ni Clay.




Tumango si Zack at hinigit na ulit ako papalayo.


Napatigil ulit kami dahil nakasalubong namin si Clark. Naghanda na si Zack para sa pag-atake kay Clark.



"Sandali, hindi ko kayo lalabanan. Sasabihin ko lang na dito kayo dumaan imbes na dito. Dahil nandito sa parteng ito si Cassandra." Sabi niya. Sino si Cassandra?



Enchanted Academy (Completed)Where stories live. Discover now