ENCHANT 12

5.8K 178 1
                                    

Third Person's POV

Nagulat ang lahat kahit ako, nang biglang mag-apoy ang buong katawan ng mortal.

Kahit ang buhok niya ay nag-aapoy at ang kanyang berdeng mata ay naging pula.

Pati ang bagong dating na sina Reinne at Yhenna ay nagulat din sa nakikita. Sinong hindi magugulat sa babaeng nag-aapoy na inakala nilang mortal?

Dumating din ang kapatid ng nasabing mortal at nagulat din sa nakita. Hindi niya inaasahang sa ganitong pagkakataon lalabas ang kapangyarihan ng kapatid.

Sa sobrang lakas ng enerhiyang inilalabas ng mortal sa kanyang katawan ay bigla na lamang siyang bumagsak at bumalik sa dati ang kanyang katawan.

Agad na nilapitan ng kapatid ang mortal. Teka! Hindi pala siya mortal dahil mayroon siyang kapangyarihan. Okay scratch that! Agad na nilapitan ng kapatid ang nakahandusay ng babae.

Halata ang sobrang pag-aalala niya rito. Ganoon din ang mga kaibigan ng babae.

Samantala ay binuhat din ng batang Zack ang kanyang step sister na hinang hina din.

Sinamaan niya ng tingin ang malditang si Miranda bago ito lagpasan.

Irah's POV

Nagising ako ngunit hindi ko maimulat ang aking mga mata. Sobrang sakit ng katawan ko.Pakiramdam ko ay nag-iinit ang aking katawan.

Unti-unti kong nabuksan ang aking mata.

Pagmulat ko'y una kong nakita ang kulay asul na kisame.

Nasaan ako? Sa pagkakatanda ko'y kulay berde ang kisame ko.

Dahan dahan akong bumangon kahit masakit ang aking katawan. Nang makaupo ay inikot ko ang aking paningin. Nasa clinic ata ako.

Pagtingin ko sa kanan ko ay nakita ko si Aika na mahimbing na natutulog. Napangiti ako. Buti nalang at maayos na ang kalagayan niya.

"Gising ka na pala." Nagulat ako nang may marinig na magsalita.

Hinanap ko kung saan nangaling yung boses at ayun! Doon sa lalakeng nakadekwatro habang nagbabasa ng komiks.

Tumingin siya sa akin. Cold as ussual.

Tinignan ko lang siya.

Lumapit siya sa kama ko at naghigit ng isang upuan. "So kapatid mo pala ang Ross na iyon? Kaya pala napaka protective niya sayo." Sabi niya habang nakangisi.

"E ano ngayon?" Hindi ko alam kung saan nanggaling ang lakas ng loob ko.

Lalong tumaas ang pagkakangisi niya dahil sa nasabi ko. "Pareho talaga kayo ng kapatid mo. Bakit nga ba may nabubuhay na Ross sa mundo?" Mahinahong sabi niya.

Ang bitter niya ha! Teka nga. Hindi kaya "May gusto ka ba sa kapatid ko?" Sabi ko na ikinagulat niya. Gusto kong matawa sa naging reaksiyon niya.

"What the hell?" Bulong niya.

Bumalik yung cold niyang awra gaya kanina. Napasmirk siya. The devil one.

"Baka gusto mong patunayan kong tunay akong lalaki?" Sabi niya sabay inilapit ang mukha sa akin..

Inilayo ko yung mukha ko pero patuloy pa rin siya sa paglapit ng kanya. At patuloy pa rin ako sa pag-isod hanggang sa macorner niya ako.

"A-ano ba?" Singhal ko sa kanya na kinakabahan.

Ngumiti siya. As in ngiti. Smile! Sincere na ngiti.

Omo! Ang gwapo niya.

"What the f*ck?" Tinulak ko siya nang may marinig kaming sumigaw.

Napatingin kami sa may pintuan at duon namin nakita si Saifer na umuusok na ang ilong sa galit.

Ang sama ng tingin niya sa amin. Or should I say kay Zack.

Lumapit siya sa amin at kinwelyuhan si Zack.

"Are you trying to kiss my sister? you assh*le?!" Galit na sabi ni Saifer.

Nginisian lang siya ni Zack. Aba siraulo to ah! Napapikit ako ng akmang susuntukin na niya si Zack.

"Do you want her to see how you punch me?" Sabi ni Zack na nakangisi pa rin.

Napatingin sa akin si kuya. Bumuntong hininga muna siya bago niya bitawan ang mayabang na si Zack.

Nagtitigan sila. "Hindi pa tayo tapos." Sabi ni kuya at lumapit na sa akin.

"Okay ka lang?" Tanong niya sa akin na tinanguan ko lang.

"Hindi ka ba niya minanyak?" Nanlaki ang mata ko sa tanong niya. Grabe! Manyak? Nang mamanyak si Zack?

Umiling ako. Tumango naman siya.

"Kamusta naman ang pakiramdam mo?" Tanong niya.

"Ayos lang. Medyo nanghihina pa rin ako. Kuya ano bang nangyari? Bakit may lumabas na apoy sa katawan ko?" Tanong ko sa kanya.

Natatandaan ko pa naman yung mga nangyari. Wala naman ako sa palabas para mag kunyaring nakalimutan ko ang nangyari bago ako mawalan ng malay.

Lumingon lingon si kuya at parang tinatantsa kung may nakikinig ba.

"Not here Irah." Sabi niya na ikinakunot ng noo ko.

"Saifer gulong gulo na ako. Gusto kong malaman ang nangyayari sa akin. May tinatago ka ba?" Tanong ko na nakapagpatigil sa kanya.

Sinabi niya ang dahilan kung bakit ako ipinadala dito ni Daddy at kung bakit hindi  niya sinasabi ang tungkol sa charm ko. Pati na rin kung bakit ayaw niyang may makaalam na magkapatid kami.

Nakuha ko naman yung punto niya. Pati na rin kila Dad. Naiintindihan ko na gusto lang nila akong maprotektahan.

Zack's POV

Nagulat ang lahat. Kahit ako sa nangyari.

Kapatid pala ng Ross na iyon ang inakala ng lahat na mortal. Kaya siguro nanghihina ako sa tuwing magkalapit kaming dalawa.

Dahil sa opposite power. Kaya naman nung inilapit ko yung mukha ko sa kanya kanina ay nanghina agad ako.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit kahit nanghihina ako ay gustong-gusto kong lumapit sa kanya. Parang may iba akong nararamdaman, eh.

Ewan ko ba! Parang ang lakas ng hatak ng mga mata niya. Ay ewan!

Hindi ko siya gusto okay? Yung panahong ayoko siyang ibigay sa Hilton na iyon?

Ginawa ko lang yun para mang-asar-- Teka? Ang defensive ko na ata?

Well bahala na kayo mag-isip ng kung anu-ano. Psh.

*END OF ENCHANT 12*

Enchanted Academy (Completed)Where stories live. Discover now