ENCHANT 13

5.7K 167 2
                                    

Irah's POV

"Irah!" Sigaw ni Reinne at sinalubong ako ng yakap.

Medyo di halatang namiss niya ako.

Hindi pa nga ako nakakapasok sa kwarto namin eh!

"Grabe namiss ka namin!" Sabi pa niya habang iniipit ang mga pisngi ko gamit ang dalawa niyang kamay.

"Namiss ko rin kayo!" Nakangiti kong sabi.

Naabutan naman namin si Yhenna na nakaupo at parang nag-aalangan.

"Hi!" Awkward na sabi niya.

"Hello." Sabi ko naman.

"Kamusta ka na?" Tanong niya.

"Okay lang naman. Ikaw kamusta ka?" Balik tanong ko.

"Shempre okay lang ako." Sabi niya.

Nginitian niya ako at biglang hinigit at niyakap. Medyo nagulat ako.

"Im sorry. Sorry talaga." Naiiyak na sabi niya.

"Ui ano ka ba! Wala ka namang kasalanan eh!" Sabi ko at inalo siya.

"Oo nga. Oa ha!" Sabi naman ni Reinne habang natatawa. "Sali na nga ako jan! Group hug tayo. Namiss kita Irah!" Sabi niya pa.

Maya-maya'y nagbitaw na din kami sa yakap. Inayos ko din ang salamin ko.

"Linis na linis ang kwarto natin ah?" Sabi ko habang nililibot ang paningin.

Sobrang linis ng kwarto namin ngayon. "Ah kasi dadating ka. Kaya naman nilinis namin. Nilabhan na din namin yung mga naiwan mong damit. May pasobra dahil special ka." Sabi ni Reinne sabay kindat.

Sobrang namiss ko sila.



"Tara na! May 40 mins. pa tayo para makapagbreakfast." Sabi ni Yhenna habang nagmemedyas.

Maya-maya pa'y nagsimula na kaming maglakad papuntang cafetiere.

Habang naglalakad kami napapansin ko ang pag gilid ng mga estudyante. Parang binibigyan kami ng daan.

Tapos pagtitingin ako sa kanila iiiwas nila yung tingin sa akin. Ano nanamang ginawa ko?

"Ano nanaman kayang drama ng mga to?" Bulong ni Reinne. Nagkibit balikat lang si Yhenna. Habang ako ay nagtataka pa rin.

Sa di kalayuan ay naaninawan ko sila Miranda. Makakasalubong namin sila.
Pero teka! Himala ata. Iba ang kasama niya ngayon?

Nung malapit na sila sa amin ay inaasahan kong susumbatan niya ako. Pero nagulat ako nang inirapan niya lang ako at nagpatuloy na sa paglalakad.

Wow! Bago yun ah! Halata ding nagtataka ang dalawa pero hindi na sila nagsalita pa.

Bakit ba pakiramdam ko ay napakalayo ng cafetiére?  Kanina pa kami naglalakad ah! At after 123456 years! Ayun nakarating na rin kami ng cafetiere.

Pagkatapos ng kakaibang tingin ng natatanggap namin sa loob ng cafetiere, napagpasyahan naming pumunta na sa kanya-kanya naming classroom.

Pero nagtaka ako nang sumusunod pa rin ang dalawa sa akin.

Tumingin ako sa kanila ng nakakunot ang noo. "Ihahatid ka namin." Sabi ni Yhenna na tinanguan lamang ni Reinne.

Haaay! Talagang mga to oh!

Pagtapat namin sa classroom ko ay humarap ako sa kanila.

"Sige na. Pumunta na kayo sa kanya-kanya niyong classroom. Salamat sa paghatid ha? Bye!" Masayang sabi ko.

Nagpaalam na rin silang dalawa at umalis na.

Alam ko namang hindi na ito ang magiging   classroom ko. Dahil alam kong malilipat na ako. Remember? May kapangyarihan na ako. May kapangyarihan na ako. Oo nga may kapangyarihan na ako. Aish! Di pa rin ako makapaniwala. May kapangyarihan ako? Hindi yun panaginip diba? Grabe!

At bago pa ako mabaliw pumasok na ako sa classroom ko.

Pagpasok ko ay natahimik ang maingay nilang bunganga at ang iba pa ay umayos ng upo.

Lahat sila ay hindi makatingin sa akin. Owkey? Ang wierd na ng mga estudyanteng to!

Dahil kakaunti naman ang estudyante dito sa aming room ay madaming bakanteng upuan. Kaso kahit saan ka pumunta may mga tao.

Umupo ako sa tabi ni Chelsea at nakita kong nanigas siya sa kinauupuan niya. Maya-maya ay bigla siyang nanginig kasabay noon ay ang naramdaman kong parang may tumutulo sa may paahan ko.

Ano yon? Umihi ata katabi ko. Ganyan ba siya katakot sa akin?

"Good Morning class!" Masayang bati ng napakagandang si Maam Jane. Wow! Ang blooming niya ngayon ah?

"Class we have a new topic for today. Turn your book on page 143." Oh diba. Parang normal school lang. May paturn turn pang nalalaman.

Nagpapaliwanag si Ms. Ng gagawin nang mapagawi ang tingin niya sa akin kaya napatigil siya.
"Ms. Ross? Why are you still here? Dapat nasa section Seofon ka na diba? Ow! I forgot to tell you. Now, you can proceed to your room. You can leave now." Nakangiting sabi niya. Hindi naman siya atat paalisin ako no?

Sa pagsabi ni Miss noon ay parang nabunutan ng tinik ang mga kaklase ko. Grabe! Halimaw ba ako.

Tumayo na ako at nagsimulang maglakad palabas. "Good luck!" Sabi ni Miss nung nasa tapat na ako ng pintuan.

Lumingon ako sa kanya at nagbow. "Maraming salamat po Miss Jane." Sabi ko na may matamis na ngiti.

Nagbow din ako sa mga kaklase ko at nagpatuloy na sa paglalakad.

TO BE CONTINUED

Enchanted Academy (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora