ENCHANT 4

7.2K 227 5
                                    

Irah's POV

Lunes na at may pasok na. Haay! Parang kinakabahan ako. Parang mas malala pa ang mga schoolmate ko ngayon kaysa sa dati na binubully ako.

Ano kayang mangyayari kapag nalaman nila na hindi ako katulad nila? Na isa lang akong mortal na magandang babae. What if yun ang powers ko? Kayabangan!  Pero chos lang hahahaha.

Pero in a serious mode, sigurado akong hindi yun magiging maganda. Ipapapatay kaya nila ako? Haay! Wag sana. Gusto ko pang maikasal sa af-am! Charought!

Haaays!

"Huy! Angyare sayo? Kanina ka pa buntong nang buntong ng hininga?" Sabi ni Reinne habang may nginunguyang pandesal.

Napatakip ako sa bibig ko. Baka naamoy niya yung ulam ko nung nag-almusal ako kahapon. Huhu.

"Wag mong isipin ang mga posibleng masamang mangyare. Wag kang paranoid." Nakangiting sabi ni Yhenna kaya napangiti na rin ako.

"Salamat sa inyong dalawa ha?   Kasi pinapalakas niyo ang loob ko." Sabi ko.

"Ano ka ba! Wala yun. Magkakaibigan na naman tayo eh! Saka poprotektahan ka namin sa mga taong posibleng manakit sayo." Sabi ni Reinne na tinanguan naman ni Yhenna.

Ngumiti ako sa kanila and I mouthed 'thank you'.

Lumabas na kami ng dorm room namin at papunta na sa canteen. Habang naglalakad ay di maiiwasang mapatingin ang mga estudyanteng madadaanan namin. Bakit kaya? Dahil kaya sa nangyari kahapon?

Nang makarating sa canteen ay bumili muna kami ng makakain bago humanap ng mauupuan. Nang makahanap ay pumwesto na agad kami. Tahimik lang kami na kumakain nang biglang nagtilian ang mga babae na kinagulat ko.

Wow! May normal din pala silang ginagawa tulad ng mga mortal?

"O my ghad! Andito na sila!!" Sigaw nung isang babae at halos lahat ng babae ay parang si Sisa. Nababaliw na.

Lahat nagsuklay, nagpabango, naglagay ng kung anu-ano sa mukha nila. Hindi manlang ginalang ang pagkain. Ano bang meron? Psh.

Bumukas ang pintuan ng canteen at lahat kami ay napatingin dito.

Parang kusang bumukas ang pintuan at parang may liwanag pa habang may pumapasok na mga estudyanteng lalaki. Take note, slow mo pa ang paglalakad nila.

Sandaling tumahimik ang lahat pagkatapos ay bigla na lang silang tumili. Habang ang dalawa ko namang katabi ay nagkukurutan.

Okay?  Whats happening in this girls?

Pero hindi ko na pinansin pa sina Reinne at Yhenna nang mapukaw ng aking pansin ang lalaking matipuno, sobrang gwapo na nakipagtitigan din sa akin habang nakakunot ang noo at nagngangalang Saimon Kristofer Ross. Tama kayo. Walang iba kundi ang nag-iisa kong magaling na kapatid.

Natigil lang ang titigan namin nang  kulbitin ako ng dalawa kong katabi. Tumingin ako sa kanila at napatingin din sa buong paligid. Omo! Yung ibang babae ay nakatingin saakin... ng Masama.

"Ah magkakilala ba kayo ni Saimon?" Bulong ni Yhenna.

"Ah. Ano kasi eh. Ang totoo nyan ay--" hindi ko natapos yung sasabihin ko nang may lumapit sa aming lalaki.

"Hi Ladies!" Bati niya samin. Omo! Ang gwapo niya. Siya yung tumulong saakin kahapon.

"Hi!" Bati nung dalawa tapos ako ngumiti lang.

Enchanted Academy (Completed)Where stories live. Discover now