ENCHANT 22

5K 138 2
                                    

"Irah handa ka na ba para bukas?" Tanong ni Reinne habang nagsusuklay ng kanyang buhok at nakaupo sa kama niya.

Tinanguan ko siya.

"Pero kinakabahan ako eh."  Sabi ko at bumuntong hininga.

"Kaya mo yun kung sakaling mapalaban ka na." Pagpapalakas ng loob niya sa akin.

Bukas na kasi ang Charm Tournament at sobrang kinakabahan ako kahit wala pang kasiguraduhan ang paglaban ko. Sa dami ng estudyante dito ay maaaring hindi ako lumaban. Pero hindi ko pa rin naman masisigurado kung lalaban ba ako o hindi kaya hindi ko mapigilang kabahan.

"Matulog na nga tayo. Baka pag tayo ang lumaban ay bangag tayo." Sabi niya na tinanguan ko naman.

"Goodnight."

"Goodnight"

*      *      *

"Grabe kinakabahan na ako."

"Nakakaba nga, mare! Sana wag muna tayong matawag, huhu. "

"Sana manalo tayo."

"Nako! Galingan natin ha!"

Ilan lang yan sa mga naririnig kong usapan sa may ground.

Sa tingin ko ay sa malaking ground na ito gaganapin ang tournament.

"All student of Enchanted Academy please proceed here in the Demesne." May biglang nagsalita sa mic at dahil nakakalat ang mga speaker, maririnig ng lahat. Napatakbo halos lahat ng mga estudyante.

Ooohhh demesne pala ang tawag sa malawak na ground na ito.

Nagulat naman ako nung bigla akong higitin ni Reinne.

Pagdating namin sa gaganapan ng tournament ay nagulat ako dahil may bleachers. Huh? Wala nito dati ah?

"Halika na baka maubusan pa tayo ng magandang pwesto." Sabi ni Reinne sabay higit ulit sa akin kaya nagpadala nalang ako sa kanya.

Movie ba ang papanoorin namin at kailangang maganda ang pwesto? Haha!

Nang makaupo ay nagsimula nang magsalita si Maam Antonnette.

Maganda pa rin siya katulad nung una naming pagkikita. At mukhang nagpakulay siya ng buhok, kulay hazel nut ata.

Pinilit kong makinig pero wala akong  naintindihan sa mga sinasabi niya dahil busy ako sa paghanap kay Aika.

Nang hindi ko talaga siya makita ay sumuko na ako dahil magsisimula na si Maam tumawag ng maglalaban.

"This charmer is from section Ein (one)." Pabitin na pag-anunsyo ni ma'am. Hinintay ko naman ang drum roll pero wala. Haha. "Jacob Anderson Hilton." Nagsigawan naman ang mga estudyante.

Napalingon ako sa parteng kanan kanan ko kung saan nanggaling si Jacob. Kumakaway-kaway pa siya na animoy artista na gagawaran ng award.


"And his opponent is from section Twegen (two).... She is Yhenna Mendez." Naghiwang muli ang mga estudyante.

Nagkatinginan kami ni Reinne.

Pero magpinsan silang dalawa diba?

"Kapag narinig niyo na ang gong ay maaari na kayong magsimula." Sabi ni ma'am Antonnette at umalis na sa gitna.

Enchanted Academy (Completed)Where stories live. Discover now