ENCHANT 28

2.6K 57 1
                                    


Pagulong-gulong ako sa  kama. Hindi ako makatulog. Nakakainis!



Gusto ng pumikit ng mata ko pero yung diwa ko naglalakbay.



Palaging pumapasok sa utak ko yung nangyari kanina. Biglang nag-init ang pisnge ko.


Ano bang nangyayari sa akin? Parang ang big deal non sa akin.


Bigla akong napabangon. Ginulo ko ang buhok ko.

Nababaliw ka na, Irah!


Iinom na nga lang ako ng gatas. Baka sakaling makatulong yun para makatulog na ako.


Bumangon na ako at isinuot ang aking salamin.

Dahan-dahan at maingat akong naglalakad, natatakot na may magising.

"Bakit gising ka pa?" Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat.


Anak ng tokwa naman oh!


Napaharap naman ako duon sa dulong kwarto.


Doon ay nakita ko si Zack na nakatayo sa may pintuan.

"Sleep walking."  Sabi ko at pumikit pa sabay taas ng dalawang kamay.

Ay parang mali ata ginagawa ko! Pang zombie naman ito, huhu.

Nilampasan niya ako at bumaba siya ng hagdan. Sumunod naman ako sa kanya.

Ang yabang talaga ng Velton na ito. Naglalakad lang pero ang hangin niya na.

Pero aaminin kong malakas talaga appeal niya, hehe.


Nang makarating sa kusina ay agad akong naghanap ng mainit na tubig.


Nang makakit ako ng termos ay agad ko itong binuhos sa pagmumukha ni Zack. Joke! HAHAHAHA


Nagtimpla na ako ng gatas na nakita ko, inamoy ko pa ito, baka mamaya harina pala to.  Pagkatimpla ko ay ibinalik ko muna ang mga ginamit ko sa lalagyan nila.


Pagbalik ko ay nawala na ang gatas ko kung saan ko ito nilagay.


Iniinom na ito ni Zackare!!!



Tinitigan ko siya habang umiinom. Hindi ko alam na ganyan pala siya ka feeling close.


Tumingin din siya sa akin ng inosente. "What? I thought it's for me."


Nagtimpi ako dahil ayokong sumabog sa galit. Baka may magising kapag nagbunganga ako dito.

Nagtimpla nalang ulit ako dahil nakakahiya kay señorito.

Pagkatimpla ko ay umupo ako sa tapat ni Zack.


"Bakit gising ka pa?" Basag niya sa katahimikan.


Tinignan ko siya ng pokerface. "Kailangan ba tulog ako kapag umiinom ng gatas?" sabi ko.


"I mean bago ka- Aish! Nevermind." Sabi niya na halatang naiinis.


Nagmakeface nalang ako dahil sa sinabi niya.


Nang matapos siyang uminom ay pinanood niya nalang ako.


"Hindi ko akalain na ikaw ang Life Charmer." Biglang sabi niya, nakatitig sa akin.


"Ako din." Naiilang man ay pinilit kong maging casual ang pananalita ko.



Enchanted Academy (Completed)Where stories live. Discover now