ENCHANT 26

4.7K 132 8
                                    



"Kiel, Im sorry. Hindi ka dapat nawala. Kasalanan ko to. Paano na ang Enchanted Academy kung wala ng mahangin na tulad mo? Paano na si Aika?" Napahagulgol ako habang kinakausap ang puntod ni Kiel.

Ang sakit isipin na may nawalang isang kaibigan, at dahil pa yon sa akin.


Hindi dapat ganito ang nangyari. Napakabuti niyang charmer.


Napalingon ako sa babaeng tumabi sa akin. "Ang bilis ng araw no? Parang kahapon lang sinabi mong crush mo ako. Pero ngayon..." Napatakip si Aika sa kanyang bibig, pinipigilang kumawala ang nagbabadyang hikbi. "Pero ngayon nandyan kana. Natutulog ng mahimbing." Dagdag pa niya.


"Aika Im sorry." Sabi ko at muling humagulgol.


Umiling siya. "Wala kang kasalanan. Walang may gusto sa nangyari." Sabi niya bago tumingin sa akin at bahagya akong nginitian.

Tumahimik kami sandali pero nagsalita ulit siya.

"Umamin siya sa akin na hindi lang daw crush ang tingin niya sa akin. Higit pa daw doon. Tinanong niya ako kung gusto ko rin siya. Hindi ako umimik dahi natatakot ako. Ang sakit kasi hindi ko manlang nasabi yung nararamdaman ko sa kanya bago siya mawala. Sana pala umamin na ako. Sana pala sinabi ko na." Dagdag niya pa.


Niyakap ko siya kaya napahagulhol siya.


"Hindi pa naman huli ang lahat Aika." Sabi ko habang tinatapik tapik ang likod niya.

Kumalas siya sa yakap at humarap sa puntod ni Kiel. Pinunasan niya muna ang luha niya bago magsalita.


"Kiel alam kong huli na pero gusto ko lang malaman mong mahal kita." Sabi niya.

Biglang humangin ng malakas.

Napapikit si Aika at niramdam ang hangin na yon.

Nung tumigil na ang paghangin ay nagmulat na siya. Tumingin siya sa akin at ngumiti. Sa tingin ko ay medyo gumaan na ang loob niya.

*  *  *

"Daddy!" Napasigaw ako sa tuwa nang makita ko si Daddy.


Nandito siya sa kakaibang building na hindi ko alam kung anong tawag.

"Princess! Are you okay?" Tanong niya sabay yakap sa akin.


"Wala naman pong nangyaring masama sa akin Dad. Pero yung kaibigan ko po." Malungkot na wika ko.

"Condolence Princess." Nginitian ko nalang siya ng kaunti.

"Mr. Ross, Irah come in." Biglang sabi ni Maam Antonnette na bahagyang nakasilip sa pinto.


Pumasok na kami ni Daddy.

"Please take a sit." Sabi ni Maam.

Ano kayang pag-uusapan namin? Tungkol kaya ito sa mga nakahood na iyon? O tungkol sa pagkamatay ni Kiel?

"Siguro ay nagtataka ka na Irah kung bakit gusto kang makuha ng grupong Black hood?" Panimula ni Maam.

Hindi lang po pagtataka, ang daming tanong ang bumabagabag sa utak ko.


Tumango nalang ako.


"Sa totoo lang ay hindi din namin alam kung anong dahilan. Maaaring gusto nilang maghiganti." Sabi ni Maam.



"Maghiganti? Para po saan?" Tanong ko, lalong naguguluhan.


Nagkatinginan silang dalawa.


"Napatay ko kasi dati ang kanilang pinuno dahil ipinaghiganti ko ang iyong Mommy kaya sa tingin ko ay gusto nilang maghiganti." Sabi ni Daddy.


Huh? Pero naghiganti lang si Daddy para sa pagkamatay ni Mommy. Ano ito higantihan?

"At ang isa pa naming hinala ay dahil sa kakaiba mong kapangyarihan." Sabi ni Maam.


"Po? Pero marami naman po akong kagaya na kapangyarihan diba? Kaya ano naman pong espesyal doon?" Sabi ko.

"Dyan ka nagkakamali. Naiiba ka sa lahat Irah. Tinataglay mo ang kapangyarihan na nais ng lahat. Tinataglay mo ang Life Charm." Parang nabingi ako sa narinig ko.



Isa akong Life Charmer?


Hindi ako nakaimik. Pinoproseso ng utak ko ang mga sinasabi nila.


Wait. Hindi pa ko nakakamove on sa pagkawala ni Kiel tapos may malalaman ako na ganito?

Agad akong nanlamig nang magsink in na sa utak ko ang nangyayari.

Gusto akong kunin ng Blackhood dahil isa akong Life Charmer.


"May alam ka tungkol dito hindi ba?" Tanong ni Maam.


Tumango naman ako.


"Pero bakit po nila ako gustong makuha? Gusto po nilang makuha ang Life Charm?" Tanong ko at nagpalipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa.

Gusto ko ng mabilisang sagot, fast talk!


"Hindi yon maaaring mangyari. Gusto ka nilang makuha para gamitin upang makamit lahat ng gusto nila." Sabi ni Daddy.


"At hindi ka nila pwedeng makuha." Sabi naman ni Maam.



Naalala ko ang nakasulat doon sa librong nabasa ko.

'Pwede niyang mabago ang nakatadhana para sa iba pero hindi ang kanya.'


"Pero may mapapahamak po. Maraming masasaktan. At hindi ko po kakayanin kapag may nawala pa ng dahil sa akin." Maluha-luhang sabi ko.



"That's why we decided to move you in other place. More safer place." Sabi ni Daddy.


Napalingon ako sa kanya. "What do you mean Dad?" Tanong ko.


Don't tell me magtatransfer na naman ako?




"Naisip naming dalhin ka sa lugar na mahihirapang mahanap ng Black Hood." Sabi ni Daddy.



"Magpapadala din ako ng ilang mga estudyante na magbabantay sa iyo." Sabi pa ni Maam.


Gusto kong umalma dahil kung ako lang ang masusunod ay ayokong may madamay pa. Pero natatakot din ako.



"Saan po ba ito?" Tanong ko.



"Sa Black Forest."



*END OF ENCHANT 26*


Ala chocolate naman pala ang pupuntahan niyo Irah! HAHAHAHA

Enchanted Academy (Completed)Where stories live. Discover now