ENCHANT 30

4.5K 108 13
                                    

"Oi! Madaya ka Grey! Ako na ang kasunod eh!" Nakapout na sabi ni Isaac.


"Tsk. Ayoko na nga. Itigil na natin to!" Nakakunot-noong sabi ni Zack, halatang pikon na. Kasalukuyan naglalaro ng Uno Cards.


"Guys! Makinig kayo. May natanggap akong balita mula sa Enchanted Academy. Nabalitaan daw nila na nalaman ng mga blackhood kung nasaan tayo at ngayon ay naghahanda na sila para sa pagsalakay. Susubukan daw ng Enchanted na mapigilan ang hukbo ng blackhood bago pa sila makarating dito pero kailangan na nating makaalis dito upang makasigurado." Humahangos na sabi ni sir Clay na bigla na lamang sumulpot kung saan.




"Sir paano po nangyari yun? Sobrang liblib na po ng lugar na ito at napakahirap hanapin." Singit ni Jacob.



"Sa tingin ko ay isa sa atin dito ang traydor na nakipagkasundo sa mga kalaban." Agad naman kaming napatingin kay Miranda.


Halata namang nagulat siya.



"Hoy! Yang mga tingin niyo ah! Kahit na masama ako kay Irah ay hindi ko magagawang makipagkasundo sa mga blackhood na iyon. Kung hindi dahil sa kanila ay wala dapat ako dito. Tsk." Inis na sabi niya at umirap pa sa hangin bago humalukipkip.


"Kung hindi ikaw eh sino?" Tanong ni Isaac.



Wala pang nakakasagot nang dumating si Yhenna.






"May paparating." Hinihingal na sabi niya.



"Dahil sinabi mo sa kanila kung saan tayo matutunton." Sabi ni Zack na ikinagulat ni Yhenna.



Sandaling napatigil si Yhenna. "A-ano bang si-sinasabi mo Z-zack?" Kinakabahang tanong niya.



Sasagot palang sana si Zack nang biglang magsalita si Yaya. "Umalis na kayo. Nandyan na sila. Bilisan niyo!" Sabi niya habang natataranta.




Napatingin ako sa bintana at napansin nga ang mga nakahood.




Napatingin ako kay Zack dahil hinawakan niya ang kamay ko.




Nakita kong sinamaan niya muna ng tingin si Yhenna bago ako higitin papunta sa backdoor.




At doon ay hinihigit niya ako ng patakbo. Panay ang lingon ko sa likod, tinitignan kung nasusundan ba kami ng mga nakahood.





"Irah, bilisan mo." Biglang sabi ni Zack at lalong hinigpitan ang hawak sa kamay ko.





Binilisan ko ng kaunti ang pagtakbo ko.




Buti nalang at mabisa ang gamot na inilagay ni Yaya sa paa ko kaya walang magiging sagabal sa pagtakbo namin.




Napansin kong iilan lang kaming lumabas sa Black Forest.





Mukhang naiwan sina Clay, Jacob, Yhenna at Yaya doon.



Lumingon ako sa likod namin at nakitang may mga nakahood na humahabol sa amin.



Napatigil kaming lahat sa pagtakbo nang palibutan kami ng mga ito.



Lumaban kami gamit ang mga kapangyarihan namin.



Halatang magagaling ang mga kasama ko dahil nauubos ang mga nakahood.



Pero maya-maya ay dumami nanaman ang mga ito.



"Zack, ilayo mo na si Irah!" Sigaw ni Isaac.



"Pero paano kayo?" Tanong ko.



"Wag niyo na kaming alalahanin." Sabi naman ni Grey.



Hindi ako nakinig sa kanila pero napatigil ako nang sumigaw si Miranda.




"Umalis na kayo!" Sabi niya habang binabalutan ng yelo ang mga kinakalaban niya. Matatalim ang tingin niya sa mga kalaban pero feeling ko iniisip niya na ako yon, huhu.



Hinawakan ni Zack ang kamay ko at hinigit na ako palayo.





Lumingon ulit ako at nakitang nasugatan si Miranda at napaluhod naman si Isaac.





Gusto kong tumigil at tulungan sila pero hindi pwede. Lalo na ngayon at may humahabol na rin sa amin.





Napatigil kami nang palibutan kami ng mga nakahood.



Naghanda kaming dalawa para sa paglaban.




Napatingin ako kay Zack nang sumigaw siya.




Dumudugo ang braso niya. Nahihirapan siyang lumaban dahil iisang kamay ang gamit niya.




Pinalibutan siya ng limang nakahood. Pinagtulungan siya ng mga ito.





Alam kong nahihirapan na si Zack pero hindi ko siya matulungan dahil may kinakalaban ako.




Napaluha ako nang may dugong lumabas mula sa bibig niya.



"Tama na!" Sigaw ko. Napangiwi ako dahil tinamaan ako sa braso ng isang matilos na bagay.



"Tama na! Sasama na ako sa inyo." Maluha-luhang sabi ko. Ayon lang ang naiisip kong paraan para tigilan na nila ang Enchanted at ang mga tao doon.



Napatigil ang lahat sa pag-atake.




"Irah!" Nahihirapang tawag sa akin ni Zack. Umiling-iling siya na para bang di sang-ayon sa desisyon ko.




I'm sorry, Zack.





"Please. Pabayaan niyo na siya at lahat ng estudyante sa Enchanted. Gagawin ko ang lahat wag niyo lang silang saktan. Please." Tuluyan ng umagos ang mga luha ko habang hawak ang dumudugo kong braso.



Binitiwan na nila si Zack at hinawakan ako ng dalawang nakahood.



Lumingon ako kay Zack upang tignan siya sa huling pagkakataon.




Sorry Zack. Hindi ko tinupad ang pangako ko sayo.

*END OF ENCHANT 30*

Enchanted Academy (Completed)Where stories live. Discover now