C H A P T E R _ 1

378 37 2
                                    

The Monday morning breeze gently touched my cheek.

Thirty-six... thirty-seven... thirty-eight...

Binibilang ko bawat haplos ng yapak ko sa lupa. Two weeks akong hindi nagpakita sa school pero nandito pa rin ang kaba at trauma ko. That Khaerel bitch, she will certainly pay for everything, the only problem is that I don't know how to fight back. I'm too weak and helpless. Hindi ko kayang manakit. Hindi ako kagaya ng ibang mga babaeng palaban talaga, yung tipong walang hiya. Masyado akong tago at mahiyain and I don't really know how to socialize properly. Lahat nalayo sa 'kin. The only friend I have is Gione.

Napatigil ako sa malaking puno malapit sa covered court ng aming campus and tried to remember everything starting from that suicide incident.

Flashback

I opened my eyes, frightened.

I held my throbbing temple as I scanned my surroundings, "Ugh! Nasan ako?"

Nakita kong nasa kwarto ko lang pala ako pero... It looks very different from before. Nawala na yung study table ko sa tabi ng bed ko at napunta na dun malapit sa bintana. Hindi lang 'yun, nagbago na rin yung kulay nung study table ko, from chocolate brown to velvety red pero same design, with silver handles.

Pati 'yung closet ko na dating nasa left side some inches away from my bed, nasa malapit na sa pinto. Everything looked and felt different. Hindi ko matandaan kung kailan ba pinarenovate ni mama ang kwarto ko.

There were also frames hanging on the wall na wala naman talaga dapat doon. My wall's as dull as a grayscale painting, napakawalang buhay kaya sobrang nagtaka ako kung saan ako napadpad.

I massaged ng temples na kanina pa kumikiltob. Feeling ko nauntog ako or something. I slowly stood up, inching my way towards the light switch as I swayed. Madilim pa rin kasi para sa 'kin ang paligid so I don't trust my visions at all. Makapagpasalamin kaya?

Pagkabuhay na pagkabuhay ng ilaw ay nagulat na lang ako sa nakita ko.

"Ma... Mama?"

'Di ako pwedeng magkamali. Si mama ba talaga 'to?

I approached the body lying down on the tiled floor. Nagsitaasan bigla ang mga balahibo ko.

Nanginginig ko siyang itinihaya at nagulat na lang ako sa nakita ko.

"Ma... Mama..."

Doon na lang isa-isang pumatak ang mga luha ko at doon na lamang din ako napasigaw. Galit at lungkot ang nangingibabaw sa akin.

Isa-isang pumatak ang aking mga luha sa duguang damit ni mama. Napatiklop ang mga palad ko sa aking pantalon habang nakaluhod.

Nasa kalagitnaan ako ng aking pagdadalamhati nang may narinig akong pagbukas ng pinto sa aking likuran. Hindi ko lamang pinansin kung sino man yung pumasok.

Muffled moans filled the room at 'yon na ang nakakuha ng atensyon ko. Napalinga ako sa aking likuran at nakita ang pagmumukha ng demonyitang si Khaerel. Sakal-sakal niya si Gione habang siya'y nakabusal ang bibig.

The Unluckiest Love of AllWhere stories live. Discover now