C H A P T E R _ 22

56 20 0
                                    

It's Thursday. The day before the event.

In-excuse na kami nina Ma'am Domingo at Sir Manggubat para sa preparation para sa fair. Sa Lutucan Sariaya, Quezon daw gaganapin ang event.

Also, na-cancel din ang recollection namin para bukas dahil may emergency daw na pinuntahan yung pari na dapat mag-aassist sa amin. And that's just plain nakakairita. Akala ko kasi makakatakas na ako sa hell event na iyon pero di pa rin pala. Wala pa raw naaannounce na bagong schedule ng recollection. I don't care anyway.

Nandito ako ngayon sa library, re-reading some of my reviewers para naman ma-refresh sa utak ko ang ilang terms na kinabisado ko.

"Bes! Yakang yaka mo 'yan! Fighting lang. Nandito lang ako lagi para sa 'yo, susuportahan kita."

Bigla akong natigilan sa mga binabasa ko. Tila nakipagtitigan ako sa mga salitang naka-imprenta sa reviewer ko.

Gione's voice. It's still in my head. Naaalala ko na naman ang mga masasayang moments namin. Ni hindi ko na nga siya nakikita sa school. Seryoso, kahit sa klase ay hindi ko na siya napapansin since Monday. Kamusta na kaya siya? I missed her.

Nagulat ako nang napansin kong nangalat na ang ink ng mga salitang nakaimprenta sa reviewer ko. Natulo na pala ang luha ko. Pinahid ko na ito gamit ang aking kamay at natawa na lamang ako sa aking sarili, "Ano ba 'yan, Gee. Nakakaasar ka naman, e. Miss na kitang bruhilda ka."

"Why don't you talk to her?" imik ng isang boses mula sa aking likuran. Napalinga ako kung sino man iyon.

I saw a guy sitting behind me. Nakatalikod siya sa akin pero parang namumukhaan ko yung buhok niya.

Tumayo na siya at nilingon ako.

It was Vibe.

Nilapitan niya ako at naupo sa aking tabi. He held my hand at tiningnan niya ako, mata sa mata.

"Tiffany, kung ako ang dahilan ng pag-aaway niyo well then, I'm sorry. There's nothing special between us, okay? Think about it. Wala akong kinakampihan kaya sana magkaayos na kayo," he remarked bago siya tumayo at tuluyang lumabas ng library.

Naguluhan ako sa sinabi niya.

There's nothing special between us.

How about his sweet gestures? Yung mga panahong lagi niya akong sinasamahan? What was that?

Napayuko na lamang ako.

Bakit parang ang sakit? Parang ang bilis ng mga pangyayari?

Isa isa na namang nagsipatakan ang mga luha mula sa aking mata.

Ano ba 'yan, Tiffany. Ang tanga-tanga mo kasi. Bakit ba ang hina hina mo? Akala ko ba bagong Tiffany na?

May napansin akong umupo sa aking tabihan pero hindi ko na lamang siya nilingon. Wala ako sa mood makipag-usap sa kahit kanino ngayon.

Sobra na akong nade-depress.

Where's that Zon Miles guy when you need him?

I don't know, pero bakit parang siya lang ang lagi kong hinahanap every time na nagkakaganito ako?

"I'm so sorry, Tiffany," dinig kong bulong sa akin ng isang pamilyar na boses bago niya ako niyakap. Napayakap na lang din ako sa kaniya. It was Khaerel.

I cried in her arms and I tried to console myself.

"Bakit ba kasi sa akin nangyayari 'to?" pagmamaktol ko.

Sorry lang nang sorry sa akin si Khaerel. Nakakapanibago siya.

I motivated myself to be strong despite all of this.

The Unluckiest Love of AllWhere stories live. Discover now