C H A P T E R _ 25

78 14 0
                                    

Zon's Point of View

Katatapos lamang ng awarding ceremony. Alas siyete na rin natapos ang event.

Kahit na nanalo kami sa quiz bee at kami rin ang in-announce na nanalo sa defense ay nanlulumo pa rin ako.

Hindi ko alam kung bakit pero kanina pa ako alalang alala nang dahil kay Tiffany. I was affected by her miseries. Nalulungkot ako kasi nakikita ko ang kalungkutan niya.

Nagpaalam kaming dalawa ni Jason na hindi na sasabay sa service dahil susundan pa namin sina Vibe at Tiffany doon sa hospital, oh, and that dumbass Sy. Baka mamaya ay kung anong kahalayan na naman ang ipamalas noon kay Tiffany.

Hindi ako sigurado kung nagagalit lang ba ako o nagseselos na, basta ang alam ko ay attached na ako kay Tiffany. Naiinis ako sa sarili ko tuwing nakikita ko na hindi niya ako kasama. Naiinis ako sa sarili ko na naiilang na ako sa kaniya minsan.

Lalo na noong pagkatapos niyang maki-sleepover sa amin.

To be honest, hindi ko rin alam kung anong pumasok sa isip ko at inaya ko siyang maki-sleepover sa amin pero ang alam ko ay gusto ko siyang makasama noong mga panahong 'yon. I wanted closure. Parang siya na lang lagi ang hina-hanap hanap ko.

"Bro, ayos ka lang ba?" pangangalabit sa akin ni Jason, "Mukhang ang lalim ng iniisip mo ah."

I just sighed at dumungaw sa bintana. "Pagod lang ako," I coldly replied na siya namang ikinibit-balikat lamang niya.

Nang tumigil ang bus na sinasakyan namin sa harap ng hospital ay pumara na agad ako at mas mabilis pa sa alas kuwatro kung bumaba. I can't contain this feelings. This worry, this concern... this... longing.

Tila nangulila ako sa boses niya, sa presensiya niya. There's this part in me na nagsasabing hindi ako matatahimik kapag hindi ko siya nakita ngayong puntong ito mismo. Walang halong malisya.

I mean, hindi naman sa nababaliw na ako or nagugustuhan ko na siya or what.

Argh! What are you talking about Zon. You're fooling yourself.

Huminga ako nang malalim bago dumiretsong pumasok sa loob ng hospital. Hindi ko na rin pinansin ang pagtawa sa akin ni Jason. The heck I care about that guy.

Isa pa nag-aalala na ako kay Tiff.

God! How many times I've said that?

But, I mean. I left her with that CK guy and with that Sy guy. I don't know, pero I have this intuition na nagsasabing something bad might happen. Sy is one heck of a dumbass, isang lalaking alam kong landi lamang ang alam.

Pagdating ko sa lounge ay nadatnan kong nandoon sina Vry, Ezra, Khaerel at CK along with Sir Bu and Sir Gudin. Meron ding isang babaeng nakikipag-usap sa kanila that looks like in her mid-forties. Naglakad ako papalapit sa kaniya at napatingin sa akin si CK kaya napatingin na rin silang lahat sa akin.

"Uh... Hey," bati ko as I mustered a fainted smirk. Tinanguan lang ako ni CK.

"How's Gee doing?" biglang bungad ni Jason mula sa aking likuran.

"Ayos na naman daw ang kalagayan niya pero hindi pa siya gumigising. Tiffany's watching her," sagot ni Vry.

I scanned the place at nagtaka nang parang mapansin kong may out-of-the-picture.

"She's with Sy, I think," ani CK na siya namang ikinabahala ko kaya napatulala ako sa kaniya nang wala sa oras.

I fidgeted my fingers bago ako nakaimik, "Uhm... May I borrow CK for a sec?"

The Unluckiest Love of Allحيث تعيش القصص. اكتشف الآن