C H A P T E R _ 15

114 26 3
                                    

"Sa pagkakaalam ko, one year ahead sa atin yung si kuyang gwapo na nakasama mo sa scandal mo sa KFC," pagkikwento ni Gione.

"Grabe ka na naman sa word na scandal. Hindi ba pwedeng incident lang, ganern?" ani ko habang sumusubo ng isang kutsarang kanin sa bibig ko. Nagla-lunch kami ngayon ni Gee at hindi ko napigilan ang sarili kong tanungin siya kung kilala or familiar ba siya doon kay Baklitang Pagong. "So ibig sabihin mas matanda siya sa 'tin like that? Pero bakit parang hindi ko siya madalas napapansin dito sa campus?"

"Familiar siya sa 'kin dahil napanood ko siya last year sa cheerdance ng Alakdan."

Muntik na akong masamid nang dahil sa sinabi ni Gione. "Cheerdance?" pag-uusisa ko pagkatapos kong uminom ng tubig na ikinatango naman niya.

Nagchi-cheerdance siya? Akalain mo nga naman. Baklita nga.

"Tapos 'yun, iyon lang ang isang beses na nakita ko siya dito sa campus. Hindi naman kasi siya famous eh kaya siguro hindi naeexpose masyado ang gwapo niyang mukha," kiring pagkaka-explain ni Gione habang kumakain. I rolled my eyes on her.

"Gwapo nga, baklitang masama naman ang ugali," I whispered under my nose.

"Hmm?"

"Wala."

Pinagtaasan niya ako ng kilay. "Nga pala, bakit mo naman naitanong?"

Napalunok ako sa tanong niya. Bakit nga ba?

"Ah, meron pa kasi akong hindi naikekwento sa 'yo."

Nanlaki naman ang mga mata ng gaga na tila naku-curious na na-surprise. "Bessy ha, don't tell me. May something ka ba diyan sa ilalim ng balun-balunan mo for that guy? Ayyiiee! Nice pick ha, bridesmaid ako sa kasal niyo ha. Oh my galunggong bessy! I'm so very proud of you," she exclaimed habang akmang papalapit sa 'kin para ibeso ako.

Tinuktukan ko siya sa noo, "Gaga!"

"Aray ko naman bessy!" pagmamaktol niya. "Supportive friend lang naman."

"Ewan ko sa 'yo!"

"Oo na, ano ba kasi iyon ha?"

"Eh kasi nga, ilalaban kami ni Ma'am Domingo sa MATecHnology Fair next week, eh magka-team kami. Nakakaasar right?" I remarked as I took a sip from my iced tea.

Sinampal ako ni Gione, "Gaga ka!" Bwisit na babaeng 'to, hindi pa rin siya makamove-on sa gesture niyang ganoon. "Ako ang kinikilig para sa 'yo eh! Go go go! Fight fight fight! Win win win!" pag-iirit niya habang may matching hand gestures pang pagtilapon ng mga kamay sa ere.

"Oy! Manahimik ka nga! Mahiya ka, huy!" pagsasaway ko sa kaniya.

"So ano na, bessy? Kailan ang kasal ha?" aniya sabay kindat pa kaya't nasipa ko siya sa ilalim ng mesa.

"Magtigil ka nga! Ni hindi ko pa nga alam ang pangalan noong Baklitag Pagong na 'yun eh!" pagdepensa ko.

"So, gusto mong malaman? Bakit, kapag nalaman mo ba magiging kayo na? If that's the case--Aray naman!" nakatikim tuloy siya ng pagtiris ko.

"Isa pang imik mo ipapa-salvage na kita," I warned her with a stern look in my eyes.

"Opo. Titigil na po," aniya habang nagpatuloy na lang sa pagkain.

Parang wala ako sa sarili ko habang nakain. Kanina pa nalalaglag mula sa kutsara ko yung kanin na tipong isusubo ko na lang at lahat. Bwisit ka kasing Baklitang Pagong ka! Ang lakas mo kasing man-trip, eh!

"Aray ko!" he exclaimed nang masiko ko siya sa kaniyang sikmura pagkalabas namin ng faculty room ni Ma'am Domingo. "Ano bang problema mo ha?"

The Unluckiest Love of AllWhere stories live. Discover now