C H A P T E R _ 51

33 5 0
                                    

"Sy, nandito kami ngayon sa Renegade. Please hurry," sabi ni Khaerel sa telepono. "And remember, if ever na makita mo si Mama, iwasan mo sila and alarm us."

"Hindi nasagot si Dale," sabi ko kay Khaerel habang sinusubukan ulit i-dial si Dale. "Unattended."

"Colesha?" biglang pasok ng isang babae sa café sabay lapit sa akin at beso. "Oh my God. Thank heavens tinawagan mo ako."

"Khaerel," baling ni Shaun sa kaniya.

"I know. Pero I swear, all this time ay hindi ko nalaman na may ganun palang kaganapan," mabilis namang tugon ni Khaerel.

"Paano si Rhizia? Hindi mo ba siya sasabihan?" usisa ni Muriela sa kaniyang kaibigan.

"No. Hindi puwede. She's Jason's girlfriend. Hindi natin alam kung anong mangyayari kung malaman niya iyon lalo pa't isang malaking kasabwat ni Mama ang mga Escoto," nababahalang sagot naman ni Khaerel.

"Teka nga, ano ba talaga ang nangyayari?" singit ko. "Bakit parang mas alam pa nila ang mga ganap kesa sa akin na sinasabi mong nasa panganib? At saka bakit wala tayong kasamang mga magulang? Ano, telenovela ang peg natin, ganun?"

"Kalma ka lang, Tiffany," ani Ezra. "We're here para sumuporta sa kung ano mang mga kaganapan. Muriela told us na nasa matinding kalbaryo ngayon kayong dalawa ni Khaerel kaya nandito kami ni Vry para tumulong sa kung anong abot ng makakaya namin."

Hinawakan ni Gione ang kamay ko. "Kalma ka lang, beshy. Kaya nga nandito ako para ituwid ang lahat."

Kumunot ang aking noo, "Ituwid ang alin?"

"Ang mga sinasabi ni Mama," singit ni Khaerel.

"Oh... No," bulong ni Shaun. "Don't tell me they're after Tiffany this time matapos nilang paghinalaang siya ang nawawala niyang anak?" Pumunta si Shaun sa kabilang banda para magkaharap kami. "Huwag mong sabihing sinabi mo na sa kaniyang hindi ikaw ang nawawala niyang anak?"

Napakagat ako sa aking labi bago marahang napatango.

Napamura si Shaun bago napasapo sa kaniyang noo. "You're in grave trouble, Tiffany. Gagawin din nila ang tinangka nilang gawin sa akin noon nung nalaman nilang hindi ako ang tunay na Colesha."

"A-anong ginawa nila? At ano ba talagang mangyayari?"

"Tiffany, hinawakan ko na rin ang kumpanyang hinahawakan mo ngayon. Noong nagshut-down ang kumpanya, pinaniwala nila ang mga tao na nagpahinga muna ako but the reality is, pinagtangkaan nila akong patayin dahil akala nila ipagkakalat ko ang sikreto nila na siyang sisira sa kumpanya kaya bumalik ako noon kay Mama at doon nanirahan sa States para pahupain ang mga nangyayari," kuwento ni Shaun. "At ngayong alam na nilang hindi ikaw ang tunay na Colesha, they'll be after you para patahimikin ka."

Pinira-piraso ko ang mga impormasyong nalaman ko mula kay Shaun at muli kong naalala nung tinanong ako ni Ma'am Jeanette patungkol kay Shaun. Ibig sabihin ba nun...

"I think she's still after you, Shaun," sabi ko na ikinatahimik ng lahat. "Tinanong niya ako nung nakaraan kung ikaw nga ba yung nagpakilala sa aking babae noong party pagkatapos ng fashion event nung opening ng Connie Fashions."

"Oh my God. Anong sinabi mo?"

"Of course I denied it dahil kong may kakaiba sa mga sinasabi niya and she told me na ipasok raw kita sa kumpanya."

"Siguro nung nabuhay siya ay tsaka lang nabuo yung kasabihang 'keep your friends close, but your enemies closer,'" imik naman ni Gione. "But seriously speaking here, kailangan talaga nating mag-ingat-ingat. Ezra, remember that incident nung inasunta kang barilin ng mga nakamotor na tauhan?"

The Unluckiest Love of AllWhere stories live. Discover now