C H A P T E R _ 42

35 6 0
                                    

"Okay, tita. Ingat po kayong lahat," sagot ko kay tita sa telepono until she hung up.

Pabalik na kasi silang lahat sa Canada maliban sa 'min nina Dale, Anzel, at Rain. Sina Rhenz at Yhtinia naman ay bahala na sa kanilang mga sarili. Sabi ni Yhtinia ay dito muna siya magbabakasyon sa Pilipinas samantalang si Rhenz naman, ayun, wala na kaming balita kung nasa'n na siya. Si Khaerel naman, ayun, pinagbakasyon ko na rin muna. She's with her mother. Naiwan din dito si Joaquin para raw mayroon kaming tagabantay habang nilalasap namin muli ang hangin ng Pilipinas.

Ngayon ay pinagmamaneho kami ni Joaquin ng van papunta sa Quezon para bisitahin si Mama Fhanie. Hindi ko sinasabi sa kaniya na papunta kami.

Siguro kakailanganin ko na rin muna ito para makausad-usad sa mga pangyayari. Sariwa pa rin sa aking isipan ang mga nangyari noong araw na iyon.

When I saw Zon and he's with that Alex and then that necklace and that letter then Vibe in the picture...

Argh!

Nagulat ako nang biglang hinawakan ni Dale ang aking kamay. Nagkatamaan kami ng paningin. Nginitian ko siya.

"Friend," bulong sa 'kin ni Anzel na siyang nasa likuran ko lamang. Sinenyasan niya akong tumingin sa pinakalikod na seats ng van.

Nakita ko si Rain na nakatulog na pala habang nakayakap kay Arn. Pinanlakihan ako ng mata ni Sy nang makita niya akong napangisi.

Napailing na lamang siya at lumipat sa tabi ni Anzel.

"Ang cute nilang tingnan, ano?" medyo mapang-asar kong sabi kay Sy.

Sininghalan na lang ako ni Sy. "If you're trying to tell me na nagseselos ako, no. At kung sinasabi mong defensive ako, no. So before anything else, papangunahan ko na kayo. Whatever you are thinking against me, walang totoo dun."

"Sure thing, bro. Everything you say," si ni Dale na siyang tinawanan na lang namin ni Anzel.

Nakangusong sumandal si Sy sa kaniyang kinauupuan.

"Anyway, Dale," pag-agaw ko ng atensyon sa kaniya. "Ano nga palang nangyari kahapon doon kay Shaun?"

"Oh that girl. Umalis na siya pagkatapos mong umalis. May tinawagan kasi siya," aniya. "And I'll make a return of question." He sported a devilish smile as he turned his gaze towards me.

"What's with the sudden exit yesterday? You know, nung dumating yung guy na boyfriend nung Alex na ipinakilala mo sa 'kin?"

"Uy, nakakaintriga naman yun friend. Dali, share ka naman sa mga nangyayari sa life mo," bungad naman ni Anzel mula sa likuran.

"I know Alex," ani Sy.

"Okay, okay. Nagselos ako kahapon, inaamin ko," halos matawa kong sabi.

"Thought so," humahalakhak na sabi ni Sy.

"Wait lang. Selos na agad? Kuwento mo muna," pag-iintriga pa ni Anzel

"Remember Zon Miles Castillo? Yung kinuwento ko sa inyong guy noon?"

"Oo, yung sinabi mong naka-first kiss mo."

"Teka." Biglang nabuhayan ng dugo si Sy sa sinabi ni Anzel. "First kiss mo si Zon?"

"Accidental first kiss okay?" harang ko naman agad. "Okay, moving on. Nagkita kami kahapon sa event at sobra akong natanga. Hindi ko alam kung paano ko ba ieexpress ang aking sarili, lalo pa nung nalaman kong nakipagbalikan pala siya sa ex-slash-best friend niya."

"You mean, that guy was your first love," pagdiin pa ni Dale.

Sa hindi malamang dahilan ay tumango ako. "Pero masyado akong naging tanga. Hindi ko nakita na imposible talagang magkaroon ng kami."

The Unluckiest Love of AllWhere stories live. Discover now